Chapter 16 : Arsonist

244 6 3
                                    

Here's the updated ^_^ Mobile lang kasi gamit ko kaya hindi ako makadedicate :3 kaya imemention ko na lang XD 

Dedicated to @cmarcelin . Here it is ;) Bored na rin kasi ako sa kakabasa :D

Nga pala.. Happy Sweet 16 sa story na 'to :3 naka 16 chapters na rin! Sa wakas :3 lol.

***
Ariela's POV

Nakakasakit sa bangs naman tong pinapagawa ni Sir David sa amin oh!
Akala ko ba na nakatakas na kami sa pinapagawa niya! Tama nga pala na History Teacher siya :3 Di niya nga naman makakalimutan na may task pa siyang iniwan sa amin >_< Imposible siguro yun. Eh halos ma-retell niya nga ang buong story ng Witch Hunters pati yung mga nangyari sa mga taon na yun. Ito pa bang "Read the whole part of the Book of Prophecy" task na yan.

Sana bagalan mo ang pagbabasa Jack! Ayoko pang magbasa!

Mabuti na rin at ako ang pinakahuli na magbabasa ng book na yun sa amin. Naku, kung ako pa yung nauna.. baka nabingi na ako sa mga bawat salita na binibigkas nila. Palibhasa kasi ang bagal kong magbasa or lets just say na.. mahina ang comprehension skills ko. Hindi kasi ako agad nakakaintindi. Ewan ko ba kung bakit. Nagyeyelo na ata ang utak ko.

Tanong ko lang.. ano ba kasi ang meron diyan sa libro na yan! Ba't ba rin kasi na pinagbabawalang ni Sir na i-share yung about sa nalaman mo sa libro na yan sa iba na hindi pa nakapagbasa nito kasi nga raw.. unfair >_< At ito namang mga kaibigan ko.. natutuwa pa tungkol dun.

Bakit ba ang tahimik dito sa library? Tsaka pati tong mga kasama ko eh tahimik rin kasi nagbabasa ng mga libro. Tskk. Bookworms :3

"Boring! Boring! Ang boring ng life! Ayoko na! Nakakatamad rin yan!"

"Huy! Tigilan mo yang kakaday dream mo dyan Ariela! Mahiya ka naman. Para kang siraulo diyan eh! Nagmumokmok tapos bigla nalang magsasalita mag-isa."

"Pake mo Jack huh?! Wala ka namang sense kausap eh! Tsaka yan! Yang libro na yan! Naku!! Yan ang sisira ng kinabukasan ko! Ayaw ko pa naman mabaliw at masiraan ng bait sa kakabasa niyan."

"Ako nga, nababaliw sa kakaisip sayo araw-araw."

Ano raw?? Pakiulit ng sinabi mo! Tssk. Hindi pa nilakasan! Ayan tuloy di ko narinig! Baka nagmumura na yan siya sa akin ah.

"Huy! Freak! Ano yang sinasabi mo diyan? Lakasan mo naman! Ikaw lang ata ang nakakarinig sa mga sinasabi mo! Baka sinasadya mong hinaan ang boses mo sa huling mga salitang sinabi mo kasi sinisiraan mo na ako!"

Alam niyo ba kung ano ang sinagot niya.. WALA !
Tumawa lang! Ginawa pa ata akong clown ng freak na 'to ! Pero infairness.. ang cute niya kapag tumatawa. Mas lalong gumagwapo. Erase! Erase! No way! Eww! He's a Freak! Huwag sana akong mafall baka bumagsak ako ng tuluyan sa sahig -_- kpayn.

"Ayiiee! Huy kayong dalawa ha! Ang cute niyong mag-away. Ay no.. mali ang term.. Ang cute niyo kapag nag-aasaran."

Nahihibang ka na ba Air? Halos magkapareha na ata yang asar at away.  Uhm. Ay di pala pero dun rin papunta sa away ang asar. Ang gulo ko noh?! At tsaka.. ano raw? Cute?!! Ughh!!

"Hoy bruha! Ako lang kaya ang cute!" sigaw ko sa kanya pero syempre siniguro ko na di kami maririnig ng librarian.

"Asa! Ako ata ang cute! Sobrang assuming!" sabi ni Jack na nagbabasa pa.

"Aishh! Kapal ng mukha!"

Di na sumagot??
Ay salamat naman ^___^ magkakaroon na rin ng kapayapaan.

"Oh Weird! Ikaw na ang magbabasa! Tapos na ako."

At binigay niya sa akin ang libro. Di naman pala masyadong makapal ito pero kahit na! Ang haba pa rin.

Witch Hunters AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon