Chapter 7: Nightmare

218 6 1
                                    

Dedicated to ChiruHi :D
Isinulat ko nalang dito kasi mobile lang gamit ko ;) Thank you sa support .. lablab

May namumuo na atang pag-ibig kina Ariela at Jack

***

Aray! Ang sakit talaga ng ngipin ko! Eh paano ba naman kasi, itong bespren ko nagbitbit pa ng chocolates papunta dito in case magutom daw. Ayun ginising niya ako mga 9 pm dahil sa pagkakatanda niya, kinabukasan daw yung expiration date nito kaya napag-isipan niyang kainin namin ito. Buti nalang at may maliit na ref kami dito at doon niya nilagay ang supot ng chocolates. Gigisingin ko na ata sina Air pero sabi ni bespren, huwag na daw baka maubos agad. Kinain ko halos 3/4 ng kanyang dala at naging matakaw pa ako sa chocolates kaya heto na ngayon ang karma, sumasakit ang ngipin, nagtoothbrush naman ako pagkatapos kong kumain nun. Ganun nga talaga kaya pinagbabawalan ako nila mom na kumain ng chocolates napakasensitive nga daw kasi ng mga ngipin ko. Anak ng potchi! Ang KJ naman.

Speaking of mom.... namiss ko na talaga sila.

"Aray!" napasigaw ako dahil sa sobrang sakit nito at buti nalang hindi ko sila nagising.

Bumangon na ako at dumiretso sa may ref, nagbabasakaling may ice. Ice lang kasi ang kaagapay ko tuwing sumasakit ang ngipin ko dahil nga medyo nawawala nito ang sakit.

"Jen! Jenny! Help!"

Anak ng tobleron! Muntik ko ng mabitawan ang ice cube tray na kinuha ko mula sa freezer. Kung pwede lang sana gamitin ang SS sa kahit saan, ginawa ko na para ifreeze 'tong lecheng ngipin na'to.

"Jen!! Jenny!! Anak! Help me!"

Si mom yun ah!

"Mom!"

Kumuha ako ng makapal na panyo para ibalot ang tatlong ice cubes na kinuha ko. Ginawa ko itong parang bimpo sa kanang panga kung saan banda sumasakit ang ngipin ko at saka na ako lumabas para hanapin si mom.... hanapin kung saan nanggagaling ang boses na yun. Hindi ko na alam kung saan ako papunta basta ang gusto ko lang ay masigurong ligtas lang sila Mom and my sister even though she's a wicked person. Napagtanto ko na lang na nasa loob na ako ng isang pinagbabawal na puntahan na garden dito sa academy dahil hindi na daw nakakaya ng protection system ng academy na sakupin ito dahil puno ito ng black magic.

"Jen... Jenny.."

"Mom!" hindi ko na kinayang pigilan pa ito kaya napasigaw habang hinihingal.

Tumambad sa aking paningin ang isang babae na nakablack na parang toga na lampas sa paa pa ang taas at nakahood. Mahirap i.explain basta yun na. Pamilyar sa akin..... ang kanyang suot. Mukhang nakita ko na ito dati..

"Hello My Dear Ariela" nagsalit siya.. Nakakakilabot.. aasarin ko na lang ito baka umalis.

"Hoy! Huwag mo akong ma-dear-dear diyan nakakadiri! Hindi mo ako diary para matawag mong dear"

"Oh really?"

"Jen!! Jenny! Anak tulong" narinig ko ulit ang kanyang boses.

"Where's my mom?!"

"Somewhere.."

"Ano bang kailangan mo bruha!"

"You!"

"Anong kailangan mo sa akin?"

"I... We want you"

"What do you mean?"

"Show off your special power... the disired one."

"Huh?!.. Wa...wala akong ganun!" takot na takot kong sagot.

"I will show you how.."

Binalibutan niya ako ng mga black magic at buti nalang hindi ito nakadikit sakin. Pagdumikit ito sakin, tiyak na matitigok ako. Sabi kasi ng history teacher namin na pag ang isang Witch Hunter ay humawak ng black magic... mamamatay ito dahil walang may alam sa mga witch hunters kung paano gumamit nito... maliban nalang sa isang taong may taglay ng pinakamakapangyarihan at pinakakakaibang kapangyarihan, ang special charm, nacocontrol nito ang lahat ng mga kapangyarihan at lahat ng marunong gumamit ng black magic ay naakit nito dahil sa taglay nito na nakakapagsira ng black magic. At ang taong may ganun ay tinatawag na special charmer.

Iyon ba ang tinutukoy niya? Naku, nagkakamali siya ng hinala. Wala akong ganun.

Sa ngayon, nakatayo lang ako at hindi makagalaw, gusto kong ifreeze ito pero hindi ito kakayanin ng SS ko at baka masira rin ang SS ko. Gusto rin sanang hawakan ito pero... hindi maaari.

"Ariela! Huwag kang gumalaw! Nandito lang ako! Ililigtas kita" sigaw ng isang pamilyar na boses at alam kong si Jack yun. Ayaw kong may mawala sa aking mga kaibigan. Gusto ko siyang paalisin dito para mailigtas.

"Wow! May liligtas pala sa isang may special charm. Alam naman ata niya na kayang-kaya ng Special Charmer na labanan ang black magic. Pero sige, before that... kailangan mo munang dumaan sakin bago mo makuha ang Special Charmer." tumingin siya kay Jack at nagliliyab na ang itim na kapangyarihan niya sa kanyang palad habang si Jack naman ay nagpalabas na ng apoy sa kanyang palad.

Hindi ko na namamalayan ang tuluyang pagbagsak ng mga luha at nanginginig na ako sa takot dahil sa nakikita ko... nahihirapan ng lumaban pa si Jack dahil sa mga kapangyarihang ipinalabas ng bruhang 'to.

"J...Jack.. it---i---gil m---mo na 'yan" nauutal kong sabi.

Tumingin sakin ang bruha.

"Yen! Ako ang kalaban mo! Harapin mo ako!" sigaw ni Jack

Yen?! Ang leader ng Witches Tribe. Hindi maaari to. Walang kaya si Jack sa kanya. Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Ariela! Huwag mong hahawakan 'yan! Please huwag!" sigaw ni Jack.

Gusto kong hawakan ito. Gusto kong masiguro na kung ako ba ang Special Charmer na sinasabi ni Yen. Kung mali ang kanyang hinala at mawawala ako... Tatanggapin ko ito.

"No way!" sigaw ni Yen nang hawakan ko na ang itim na mahikang gumagapos sa akin.

Hindi ko inaakala na sa paghawak ko nito, bigla itong nawasak na para bang nabasak na salamin. Nakita ko si Yen na nanghina ngunit nakakagalaw pa siya. Agad siyang bumangon at pawang gusto niyang saktan si Jack bilang ganti sa ginawa ko. Nagpalabas siya ng malakas na Black Magic...

Ngunit....

Hindi ko inaakala na napahinto ko ito. Nabigla ako ng macontrol ko ito. Pinilit kong labanan ang lakas nito dahil sa ito ay lumalaban sa aking pagcontrol nito. Unti-unting nanghihina ang black magic at nang pinilit ko itong labanan ng husto, pinalabas ko ang pinakamalakas na pwersang alam ko. Nawasak ang black magic gaya nung kanina at tumilapon palayo si Yen.

Unti-unti na rin akong nanghihina. Nawalan ako ng lakas at natumba ako sa kinatatayuan ko at nasalo ako. Kilala ko kung sinong sumalo sakin, si Jack. Dinilat ko ang aking mata at tumingin sa kanya na may mga luha ang mukha at kanyang nag-aalalang mukha.

"Ariela!" paiyak na sabi niya.

"J----J-----Ja---Jac---Jack--" nahihirapan na akong magsalita at napapikit.

Nanghina na ang aking katawan at napapagod na rin ako.

***
Extremly Late Upload :D busy sa pagiging Stupidyante ;)

Witch Hunters AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon