***
Bigla akong nagising nang parang may nasagasaang bato, tumingin ako kay Jennifer at ayun tulog na tulog. Tumingin rin ako sa aming paligid at bigla akong nagtaka.... kanina lang nasa city kami then.. mukhang isang gubat nato ah..
"Uhmm.. excuse me po pwedeng magtanong?" sabi ko sa dalawang Special Wizards daw.
"Sure. Anything" agad na sagot nung babae.
"Uhmm.. bakit po tayo nasa gubat eh kanina lang nasa city pa po tayo? Dibah malayong-malayo yung city sa gubat po?" tanong ko sa kanila.
Nagsmile silang dalawa at agad namang sumagot yung babae.
"Eh kasi, dumaan tayo sa isang portal dun sa park. Huwag kang mag-alala hindi yun makikita ng mga mudbloods–– the normal people. At tsaka ang Witch Hunters Academy ay isang tagong institution and nung planong itayo ito ng mga elders eh napag-isipan nila na itayo ito sa isang masukal na gubat nang sa ganun ay hindi ito makita ng mga mudbloods." sagot ng babae.
Biglang may pumasok sa isipan ko at gusto ko itong itanong sa kanila.
"Uhhm.. teka lang po. Kilala niyo po kung sino ang mga magulang ko? Namin?"
"Naku, Jenny hindi ko maaaring sabihin ito sayo.. sa inyo, para sa kaligtasan nyo. Huwag kayong mag-aalala, darating rin ang panahon na malalaman niyo na ang lahat."
"Ahh. Ok po. Naiintindihan ko po."
"Teka lang, sobrang naman noh na kilala ko kayo tsaka hindi niyo alam kung sino kami." sabi ng babae.
Nagising na si Jennifer dahil mukhang nagulat rin siya sa parang sirang daan na aming tinatahak.
Nagsmile yung babae kay Jennifer at ganun rin ang ginawa ni Jennifer.
"I'm Nathalie and he's my husband ... Nathan. Just call me 'Tita Nathalie' nalang." sabi ni TITA Nathalie.
"Tito Nathan nalang rin tawag niyo sakin."
"Okay. Tito Nathan at Tita Nathalie" tuwang-tuwa na sabi ni Jennifer na parang bata.
Napangiti ulit silang dalawa at napansin ko naman na biglang nalungkot ang mga mata nilang dalawa ng sabihin ni Jennifer yun. Siguro may namiss lang sila dahil sa sinabi ni Jennifer.
"Before namin na makalimutan pala, you need to have a alternative name or codename. Kaya pag-isipan niyo na" dagdag ni Tito Nathan.
"Wow! Awesome! Ito na po ba?" agad na tanong ni Jennifer nang may nakita kaming isang napakalawak na mukhang school.
"Yup, we're here!" maligayang sabi ni Tita Nathalie.
Nakakamangha ang itsura ng school na ito. Akala ko na ang papasukan namin ay isang lumang paaralan dahil nasa gitna ito ng gubat pero mali pala. Kung ikaw ay pupunta sa lugar nato... mapapansin mo agad ang isang malaking gintong gate na nasa gitna ng mga matataas at malalapad na mga brick walls. Papunta na kami sa gate ng biglang bumukas ito. Mukhang nakakadetect ito ng mga Witch Hunters. Pagkapasok namin, mamamangha ka sa malawak na lupain ng paaralan. Feel ko talaga na nasa ibang bansa ako gaya ng Korea, akala ko lang na sa mga palabas ko lang ito makikita, hindi pala. Makikita mo agad ang mga garden na punong-puno ng mga halaman at ng mga paruparo na nakikisabay sa malamig na hangin.
Napahinto kami agad at bumaba na sina Tito Nathan at Tita Nathalie. Sumunod naman kami at kinuha narin namin ang aming mga gamit. Naglakad kami papasok, tumambad sa aking paningin ang isang napakalaking building na may nakalagay na 'Witch Hunters Academy'. Nagpatuloy kami sa aming paglalakad at may nakikita kaming mga estudyante na parang may ginagawa, napahinto sila sa kanilang ginagawa at napatingin sa amin ni Jennifer at agad naman nilang nilipat ang kanilang paningin kina Tito Nathan at Tita Nathalie sabay yuko nila. Napangiti naman silang dalawa.
Umakyat na kami pataas ng building na pinasukan. Habang kami ay naglalakad, hindi ko napansin na nasa harap kami ng isang silid na sobrang laki at may nakalagay na 'Transferee Administration Office'. Kumatok agad si Tito Nathan at biglang bumukas ang pinto at pumasok na kami. Napakalawak ng silid at may isang parte dito na agad kong napansin, isang parte ng office na nahaharangan ng malalaking bookshelves at sa loob nito, may isang table at may nakita akong isang lalake na nasa mga mid 40 ang edad. Lumapit kami sa kanila at agad siyang nagsalita.
"Sila na ba 'yan Nathan at Nathalie?" tanong niya sabay smile. Ang bata niya tuloy tingnan.
"Opo, sila na po Sir Miller" sabi ni Tita Nathalie.
"Well, Ms. Smith and Ms. delos Reyes, Welcome to Witch Hunters Academy. The school for wizards like you. You are an official students here now. Bukas na magstastart ang pasok niyo. Si Nathalie and Nathan na ang maghahatid sa inyo papuntang dormitory niyo pero before that, you need to register your alternative name first at yan na ang gagamitin niyo starting today. Uhhm.. Ms. Jennifer delos Reyes, what's yours?" tanong ni Sir Miller.
"Uhhmm.. ahh.. Flare po" sagot ni Jennifer este Flare pala.
"Nice name. Good for your SS" sabi ni Sir Miller.
"So, how about your's .. Ms. Jenny Marie Smith?" agad na tanong ni Sir Miller sabay ngiti. Ang gwapo niya! Please awatin niyo ako.
"Aahh..ehh.. A .. Ariela p..po" nauutal kong sabi.
"Huh?!" sabay na sigaw nina Tito at Tita.
"Ha.. eh.. bakit po? Masama po ba? May nagmamay-ari na po ba niyan? Bawal po ba na may kaparehas ng alternative name?" sunod-sunod na tanong ko.
Napangiti nalang si Sir Miller at napabuntong hininga.
"Ehh. Kasi dati may gumamit na niyan at pinagsasabi nila na thats a cursed name. Naniniwala ka ba dun? sabi ni Sir.
"Hindi po ako naniniwala dun. Well, naisipan ko lang po ito dahil narinig ko po sina Daddy Michael ko at yung kasama niya, hindi masyadong nakita kung sino ang kausap niya basta lang po narinig ko silang bumanggit ng pangalang Ariela. Dream name ko po kasi yan." sagot ko.
"Well, sigurado ka na ba diyan?" tanong ni sir.
"Sigurado na po" agad kong sagot.
"So, from now on, yan na ang gagamitin niyo Flare and Ariela"
"Okay po" sagot namin.
Naglakad na kami palabas ng officr at hindi maiwasang mapatingin kina Tito at Tita na mukhang ang saya. Gaya kanina, namangha ulit ako sa aking nakita. Di tulad kanina, mas lalong gumanda ang paligid at nakita ko pa ang ibang parte ng Academy na sobrang ganda.
Napahinto kami sa harap ng pinto at hindi pa kami kumatok, bumukas na ito.
***
Please vote my story po and be a fan :)
BINABASA MO ANG
Witch Hunters Academy
FantasíaThis story is about a secret institution in which they teach all the Witch Hunters on how to fight witches. Witch Hunters also have Special Skills that's why witches are afraid to them. Different levels in the Hierarchy of Powers can determine your...