***
Ariela's POV
Sh*t ang dami nila! Hindi namin to kaya! Pero kung gagamitin ko ang mga SS ko ay baka may posibilidad na matalo namin sila.Nararamdaman ko ulit yung feeling na may bumubukas ng black portal at..
Mas dumami sila.
"Ilang oras ba ang ibinigay sa atin para sa mission?" tanong ko sa kanila gamit ang aming isipan.
"Sa nakalagay dito... dalawang oras lang ang ibinigay sa atin para sa mission." - Ezra
"And... Isang oras na lang ang natitira at hindi pa tayo nakakalahati sa mapa." - Air
"Ito na ang tamang oras." at pagkasabi ko nun ay nagsimula na kaming magpalabas ng mga SS namin. Sa pagkakabilang ko, labing-anim silang lahat at ngayon ko lang napansin na tumakas na pala ang kanilang prinsipe. Tsskk! Ang daya naman oh! Bahala na! Kailangan pa naming tapusin ang mga 'to.
Tinago ko na ang pen ko sa aking bulsa at nagsimula na ako sa pagpapalabas ng mga SS ko.
What if kaya kung itaboy ko sila at dalhin sila dun sa restricted area?
NO!! Hindi pwede! Baka mas lalong lumakas ang mga dangerous magics dun."Everyone. Tama ang naisip ni Ariela. Huwag na huwag niyong dalhin sila sa restricted area at mas mainam na ilayo sila dun. Mahirap na. Lalo't wala pa tayong sapat na impormasyon tungkol doon."
Aba at pinakikinggan niya pa la ang mga pinagsasabi ko sa utak ko. Di bale na nga!
Nagpalabas ako ng mga ice crystals at binalot sa kanila para maging yelo sila at manghina hanggang sa mawalan sila ng buhay. At yung asungot na yun?? Ginawang abo ang mga kalaban. Si Air naman ay ginamit niya ang hangin para magapos ang mga kalaban at mawalan ng buhay. Habang si Ezra naman ay nagcast ng mga spells at si Steffan naman ay gumamit ng mga elements.. land and water. Sa pagkakaalam ko ay fully developed na ang water bending skills niya.
"47 minutes left. Kailangan nating magmadali." nag-aalalang pahayag ni Ezra sa aming isipan.
And because of it... within two minutes ay napatumba na silang lahat.
"TARA NA! MAGMADALI NA TAYO" sigaw ni Jack kaya kumaripas na kami ng takbo.
Hinihingal na nga ako eh! Ang hirap kayang tumakbo nang napakabilis at tuloy-tuloy T_T
"Tandaan niyo na bawal magpalabas ng mga kahit anong charm sa mudblood world." pagpapaalala ni Steffan.
At dahil sa sinabing 'mudblood world' ni Steffan ay nakaramdam ako bigla ng sobrang lungkot dahil naalala ko bigla ang mga panahon na normal ang aking pamumuhay... tanging pamilya ko lang ang aking nasasalamuha kasama na dun si Flare. Ang pagtawag ko ng Jennifer at ang pagtawag sa akin ng Jen o Jenny. At higit sa lahat ang pagpasok ko sa isang normal na paaralan. Na-miss ko na ang Symantec University pati ang mga cafeteria dun. Sobrang nakakamiss.
"Na-miss ko 'tong lugar na ito."
Agad naman akong tumingin sa paligid at napadpad na kami sa isang napakapamilyar na kalye. Ang Anastacia Street in which.. dito na street kami nakatira."Pwede bang humingi ng pabor?" tanong ko sa kanila.
Nagulat ata sila at agad namang sumagot si Air. "Ano naman yun?"
"Gusto ko sana na sa tuwing pumupunta tayo dito sa mundong ito, please call me Jenny not Ariela."
"Tawagin niyo rin akong Jennifer."
"And.. call me Laira (pronounce as layra). "
Nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Air. Lalo na kaming dalawa ni... Jennifer ^__^ Sobrang pamilyar kasi ng pangalan.
BINABASA MO ANG
Witch Hunters Academy
FantasyThis story is about a secret institution in which they teach all the Witch Hunters on how to fight witches. Witch Hunters also have Special Skills that's why witches are afraid to them. Different levels in the Hierarchy of Powers can determine your...