Hindi pa rin ako nag rereply sa mga text ni Javi sobrang busy ko ngayong monday. Balak ko sana siyang replayan pag kakain ko ng lunch pero may biglaan kaming quiz kaya yung spare time ko nilaan ko na lang sa pag rereview.
"Wear your lab gown properly these are your team for today. One microscope per group. Work together." Nandito nanaman kami sa lab lugaw na utak ko kanina sa quiz tapos may ganito pa ayoko na. Mamaya talaga after nito mag rereply na ko kay Javi baka nag tatampo na yun.
"Alex may meeting tayo for our presentation wag ka muna umuwi." I love my life grabe.
"Okay.." Naupo na lang ulit ako at linabas ang ballpen at notebook ko.
"Alex maganada ba mga condo sa Tennyson? Nag hahanap kasi ako ng malilipatan." Tanong ni Claire groupmate ko.
"Okay lang naman isang taon pa lang naman ako don." Sagot ko.
Bigay lang naman sakin yun ng biological father kong senador. May sustento akong natatanggap sa kanya tuwing katapusan. Yung sasakyan ko iyon ang regalo niya noong 18th birthday ko. Isang Audi e-tron GT sila Vane lang ang nakaka alam tungkol sa tatay ko. Yung mga kaklase ko ang alam seaman tatay ko wala naman akong balak ipaalam na anak ako sa labas ng isang senador.
Muntik na ako malate kanina kaya nag MRT na lang ako. Almost 6pm na nung makalabas ako ng school. Nakapagbook na ko ng grab kanina kaya iintayin ko na lang dito. Naka tayo lang ako at nag iintay di ko nilalabas phone ko dahil dilikado. May kasama naman ako ditong nag iintay na mga estudyante din.
Biglang may pumarada na itim na BMW sa harap ko. Di naman ito ang plate number ng grab ko kaya umatras ako baka sundo ng ibang estudyante. Bumukas ang pinto ng drivers seat at nalaglag ang panga ko nang makilala kong sino ang bumaba mula sa sakyan. Hanggang makalapit siya sa akin ay nakanganga pa rin ako.
"I was texting you bakit di ka nag rereply?" Javi said when he get right in front of me. Wtf ano pinuntahan nya ko dito just to ask me?!
"Ahh di ko nabasa kaagad hehe sorry." Di ako maka tingin sa kanya samantalang yung ibang tao sa paligid namin ay sa kanyan naka tingin.
"Wala kang dalang car?" tanong niya kahit obvious naman na. Mag inintay ba ako dito kung may dala ako?
"Wala."
"Lets go hahatid na kita." Alok ni Javi sasama na sana ako buti naalala ko may grab na pala akong na book.
"No! hindi pwede," sagot ko.
"Why may sundo ka?" Javi asked with his one eyebrows rose.
Ano gagawin ko pag nag cancel ako may fee na yun kasi padating na yung grab.
"Oo." Bigla bigla na lang kasi na sulpot ano ba itsura ko ngayon? Kahit gusto ko sa kanya mag pahatid di pwede sobrang haggard ko at ayaw ko mag bayad ng cancellation fee.
"Who? Samahan na lang kita dito until dumating s'ya." Tumayo na siya sa tabi ko at nag intay. May mga pmaparada na sasakyan at tinitignan ko ang mga plate number kung isa na ba doon ang grab. Then may pumarada sa likod ng kotse ni Javi. I check the plate number and it's the grab I book.
"Nandito na yung sundo ko." sabi ko at tumingin naman sakin si Javi.
"Grab?!" bakit parang disapointed ka na ewan? "I can take you home you don't need to pay," Javi insisted.
BINABASA MO ANG
A Betrayal [on-going]
RomanceAlex is a girl that loves isolation. She dreams of living in the middle of the forest. Her life was planned out for her because she wasn't even meant to be born. A mistake that needed to be hidden and vanish. She accepted this fate a long time ago...