Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ang galit ng kapatid ko sa akin. Maayos naman kami noong una, nagbago lang lahat nang sumikat ako. Paulit-ulit sinasabi ng mga tao sa akin na naiinggit s'ya dahil nasa akin ang kanyang pangarap. Pero biglang sumagi sa isip ko ang nakaraan.
'Matagal na iyon, hindi pa rin ba n'ya ako napapatawad?'
Isang aksidente ang nangyari noon pero hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi n'ya. Hindi ko alam kung bakit hindi n'ya maintindihan na hindi ko naman sinasadyang mangyari ang bagay na iyon. Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip kong dahilan.
Patuloy ako sa paglalakad habang lumilipad namana ang aking isipan. Inaalala ang nakaraan kung saan hinahanap at sinusuri kong mabuti kung saan ba talaga nagalit ang kapatid ko sa akin. I don't care about the others, alam kong maraming galit sa akin, pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay ang kapatid ko, gusto kong bumalik kami sa dati.
"Sorry!" napatingin ako sa lalaki sa harapan ko. Kita sa mukha niya ang gulat. Siguro ay dahil hindi niya inaasahan na makakasalubong niya ako. Upang mapawi ang pag-aalala sa mukha niya ay nginitian ko siya.
"No, it's okay." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"G-Gusto mo bang lumabas? I mean, para makabawi naman ako." Sabi niya. Napaisip naman ako at sumang-ayon din sa kanya dahil gusto ko rin siyang makilala, siya iyong taga-hanga kong nakasalubong ko noon.
Pumunta kami sa coffee shop malapit sa studio. Tiningnan ko ang lalaking nakabunggo sa akin habang nakatalikod at habang um-o-order. Matangkad, medyo payat, nakatayo ang mga buhok at nakapolo. Maganda rin ang tinding ng kanyang katawan. Iniiwas ko ang paningin ko nang may maramdaman akong kakaiba.
Maya-maya pa'y lumapit na siya dala ang mga pagkain.
"Pasensya na, natagalan ba?"
"Hindi naman, ayos lang." inilapag n'ya ang pagkain sa harapan ko at tinitigan iyon. 'Yun ang paboritong pagkain namin ng kapatid ko. Nang tumingin ako sa harap ko doon ko nakitang nakatingin pala ang lalaki sa akin.
"Hindi mo ba gusto 'yan? Pwede ko namang papalitan 'yan." akma s'yang tatayo nang pigilan ko s'ya.
"Hindi, gusto ko 'to, may naalala lang ako." pilit ang ngiting sabi ko sa kanya.
"Mind if I ask you?" napatingin ako sa kanya at hindi nagsalita. "May problema ba?" tanong n'ya.
"Wala naman."
"Bakit nakikita ko sa mata mo na malungkot ka?" nagulat ako sa sinabi n'ya. Ngayon lang may nagsabi sa akin n'yan bukod sa kapatid ko.
"Ayos lang kung hindi mo sabihin."
"A-Ah n-no, hmm, maliit lang naman pero kaya ko pa naman."
"You can share it with me." Napatitig ako sa kanya. Ngayon lang ako magkukwento sa taong hindi ko naman kilala. Pero, mukhang ayos naman s'ya, wala naman sigurong masam diba?
"My sister."
"What about her?"
"Hindi kami okay." Napabuntong hininga ako. "Hanggang ngayon ay galit pa rin s'ya sa akin. Noong nagsisimula palang kami ay s'ya talaga ang may hangad na sumikat, ako kase, ayos lang kahit 'wag na dahil alam kong imposible."
"Pero nagawa mo."
"Nawala naman ang kapatid ko sa akin."
"Nagalit ba s'ya sayo?" tumango ako. "Bakit?"
"Hindi ko alam. Ang alam ko lang, simula nang mapasok ako sa isang agency, nagalit na s'ya sakin"
"Si Krystal ba?" tumango uli ako. "Di kaya, gusto n'ya hanggang sa pagsikat n'yo sabay kayo?"
"Ayun din ang isip ko, pero sikat na rin naman s'ya."
"Dahil sa bashers." natawa s'ya kaya nakitawa din ako.
"Ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo?"
"Hmm? Trainee ako sa artists art school at nalipat sa JL Entertainment nung makapasa ako." nagulat ako sa sinabi n'ya!
"Talaga?! Well, goodluck."
"Hehe, thanks! Sana nga makapag debut na ako. Isa kasi 'yon sa pangarap ko, pangarap namin."
"Kaya mo 'yan, mukha namang magaling kang kumanta at sumayaw." nakangiting sabi ko.
"Eh? Hindi mo pa nga ako nakitang mag perform e!" kakamot-kamot sa ulong sabi niya kaya natawa ako.
"I like your smile." He said kaya namula ako.
"I have to go." Sabi ko nang makaramdam ng pagkailang.
"See you next time." Ngiting sabi n'ya at tumango lang ako sa kanya.
Mabilis akong lumabas ng coffee shop at napahawak sa aking dibdib nang maramdaman ang mabilis na pagtikbok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman iyon.
Dali-sali akong sumakay sa van at wala sa sariling napahawak ako sa noo habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa aking dibdib.
"Jusko..."
"Anong nangyare sayo 'te?" nagulat ako nang makitang nasa tabi ko si madame. Hindi ko sya napansin nung pumasok ako. "Nababaliw ka na ba? Nagsasalita ka na naman mag-isa. Anong drama 'yan?"
"A-Ah wala."
"Sus! Nakita kitang kasama si pogi. S'ya ang dahilan ano?"
"Ano? Hindi noh!"
"Sus! Feelingera'ng ambisyosa! Tse!" sabi n'ya saka nagtakip ng mata at natulog. "Eh kumusta naman ang date niyo?"
"Anong date madame? Hindi kami nag date 'no!"
"Eh anong tawag mo sa ginawa niyo kanina?!"
"Nag coffee lang naman kami at nag kwentuhan!"
"Oh? Hindi ba date 'yon!?"
"Ewan ko sa'yo madame! Issue ka ah!"
"Pero in fairness d'yan sa fan mo ha! Iba ang ka-pogian! T'saka siya lang nakalapit sa'yo nang gano'n!" pinagdikit niya ang dalawang hintuturo niya. "Palagi siyang andito ah? Nakaraan nakita ko rin siyang nakatambay diyan."
"Trainee rin siya."
"Ano?! Seryoso? Kung sabagay, mukha naman talagang may ibubuga ang batang iyon! At ikaw naman! Baka mamaya may something na pala kayo ha! Nako, ang career!"
"Ano ka ba madame, wala nga lang iyon. Isa pa, hindi naman siya nanggugulo o kung ano man. Mukhang mabait naman siya at hindi naman siya stalker. Magaan lang din loob ko."
"Sigurado ka ha? Baka sa susunod hindi nalang basta gaan ng loob 'yan." siniringan ko lang siya.
Inihatid lang nila ako sa unit ko 'saka sila umalis.
Dumiretso na agad ako sa shower room para naman guminhawa ang katawan ko. Ang dami-daming tanong sa isip ko. Ang dami kong problema.
'Nako, ang career ha!'
Napabuntong hininga ako nang maalala ang sinabing iyon ni madame. Pati ba ang personal na buhay ko, ang kagustuhan ko, kailangan kong maisantabi para lang mag tuloy-tuloy ang career ko? Pwede ko naman sigurong pagsabayin iyon hindi ba?
Pero dahil sa CEO ng entertainment na kinabibilangan ko, hindi maaari iyon. Napakarami ko nang binitiwan noon, at wala akong choice kun'di bitiwan nang bitiwan ang mga bagay na pwedeng makasira ng career ko. Matagal kong tinrabaho ito.
Pero paano kung isang araw ay gustuhin ko ngang makipag relasyon? Paano kung may gusto akong gawin pa na iba? Hanggang kailan ako makukulong sa bangungot ng nakaraan ko?
***
YOU ARE READING
Chasing the Spotlight
General FictionLahat ay gagawin sa ngalan ng pagsikat. Iba't ibang tao na nangarap makarating sa tuktok, ngunit ang kanilang pinagdaanan ay hindi biro. Mayroong lumaban ng patas, ngunit may ilang nandaya upang maging mataas. A/N: This story contains of three (3) p...