CINCO

4 0 0
                                    


Matapos ang sagutan naming iyon ng management ay nagpalamig muna kami ng mga ulo. Pero mukhang ayaw talaga n'yang pakawalan ang babaeng iyon.

Sinubukan n'ya kaming contact-in ni Lian pero katulad ng sagot namin noon, humindi pa rin kami.

They also send us a lot of gifts but we still reject it. So, they decided to cancel their offer to us. It's not our problem anymore. Totoo namang hindi namin gusto ang dating ng isang iyon. Para bang, magkakaproblema.

Habang nagpapahinga ako at nag i-scroll sa social media, nakita ko ang post ng mga bagong mag d-debut.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kasama sa litrato ang kapatid ko.

Finally!

I'm so happy with her! Matagal na n'ya itong pinapangarap. Tiningnan ko pa ang mga sumunod na posts hanggang sa makarating ako sa comment section.

"Hala, nakaka-excite naman!"

"Parang unang tingin ko palang alam ko na kung sino ang bias ko!"

"Mapapagod na naman ako sa kagagaya ng mga sayaw nila!"

Iilan lamang 'yan sa mga nabasa ko. I also learned that some of them are already famous. 'Yung iba ay nakilala na pala noon at kinuha lang ng mga management para sumali sa kanila.

Isa-isa kong tiningan ang mga page nila at nakitang mataas agad ng followers nila. Trending din sila sa twitter at sa kung saan-saan pang social media platform.

Mahigpit akong napahawak sa cellphone ko. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko.

"This can't be happening..." dahil hindi mapakali ay tumayo ako at kung ano-anong postura ang ginawa ko sa harap ng salamin. Nang mapagod ay pumunta ako sa sulok ng kwarto ko.

Umupo ako sa harap ng vanity table at parang baliw na ngingiti at sisimangot. Kinuha ko ang red lipstick ko at inilagay iyon sa aking labi.

"You're already on your dream spot Hera, no one can destroy you, not even the new ones." I said to myself.

I sighed and shook my head, this is so wrong. I shouldn't be thinking this way. I should support everyone to be on that spot too.

Kinuha ko ang wipes at binura ang red lipstick na inilagay ko. Hindi dapat ako matakot sa mga ganitong bagay, napagdaanan ko na ito noon, kayang kaya ko uling lagpasan iyon.

Kinabukasan maaga akong bumangon dahil pinatatawag ako ng CEO dahil ngayon daw lalabas lahat ng bagong idols kaya kailangan makipagsabayan ng entertainment na kinabibilangan ko.

Luminga-linga pa ako at nakita ang iba't ibang poster na nakapaskil sa hallway. Sila 'yong mga baguhan at mag pe-perform mamaya. Lahat sila mga mukhang batikan ang pananamit ngunit mga bata pa ang hitsura.

Bumuntong hininga ako at dumiretso sa office room.

"Kinakabahan ka na ba Ms. Hera?" salubong agad ng CEO sa akin.

"No sir."

"Dapat lang, pagbutihin mo, dumarami na ang idols, baka ikabagsak mo." Ngumisi sya sa akin pero di ako kumibo. "Maghanda ka ng i-pe-perform mo mamaya." Nagulat ako sa sinabi n'ya.

Ang alam ko lang ay narito ako para manood at magmasid sa galaw nila. Paanong pati ako ay magtatanghal?

"Pero hindi nyo ho ako sinabihan. Hindi man lang ako nakapag rehearse."

"Sa tagal mo nang nagtatanghal sa entablado kailangan mo pa ng practice? Nah, I don't think so. Sige na, mag-ayos ka na at ilang oras na lamang ang natitira."

"Halika na 'te anong oras na."

"Teka, may alam ka ba dito?"

"Ano? Kayo-kayo 'tong nag-uusap eh. Wala namang nabanggit sa akin kahapon." nasapo ko ang noo ko. Mukhang katapusan ko na nga. "Oh, eh anong i-pe-perform mo?"

"Ewan ko, bahala na, ibig sabihin pala ako lang talaga? Walang back up dancers?"

"Malamang 'yon."

"Sige, sige ako na bahala. Ayusan mo nalang muna ako."

"Oo sige na 'te tara na, at baka mayari pa tayo nito." Pero bago pa ko nakarating nang tuluyan sa dressing room ay muli kong nakasalubong ang kapatid ko.

"Mauna ka na muna, may gagawin lang ako."

"Ay nako 'te 'wag pahuli-huli ah? Sige na bilisan mo na." tumango lang ako 'saka hinarang ang kapatid kong naglalakad habang tumatawa at may mga kasamang apat na babae.

"Krystal..." Napalingon s'ya sa akin, at nawala ang napakaganda n'yang ngiti.

Tinaasan n'ya lang ako ng kilay at lumingon sa mga kasama n'ya. Saglit s'yang nakipag-ngitian dito at nagpaalam saka ako hinarap.

"Problema mo?"

"Please, Krystal, kausapin mo naman ako."

"Ano ba'ng sasabihin mo?"

"Napakaganda mo ngayon." Umikot ang paningin n'ya. "Isa ka ba sa mag de-debut ngayon?"

"Isn't it obvious? Pwede ba? Umalis ka na, marami pa akong gagawin."

"Krystal please."

"What?"

"Kailan mo pa nalaman na mag d-debut ka? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" nakangiting tanong ko ngunit namamangha sa kanya.

"Ano ba'ng pakialam mo? At bakit ko naman sasabihin sa'yo?"

"I'm your sister."

"Oh," tumawa s'ya nang mahina. "Really? I didn't know that." At sarkastiko muling tumawa.

"I'm sorry if wala ako during the process of your success." kumunot ang noo n'ya.

"'Wag mo nga akong dramahan, pwede?" nakataas ang kaliwang kilay na sabi n'ya.

Natutop ko ang bibig ko at pinasadahan s'ya ng tingin.

"I'm so proud of you." Sabi ko pero nginisihan n'ya lang ako at kilay inirapan .

Hinawakan ko s'ya pero pabato n'yang inalis agad iyon.

"Sana noon pa." 'yun lang at umalis na s'ya.

***

Chasing the SpotlightWhere stories live. Discover now