"Sana wala kang kinalaman do'n" sabi ng kapatid ko at hindi ako nakasagot. Dahan dahang kumunot ang noo n'ya.
"Pinagbibintangan mo ba ako?" tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo.
"Maybe, yes? Maybe, no? Why don't you answer the damn question, Hera? May kinalaman ka ba do'n?" Mas lalong hindi ako nakasagot. "Ikaw ang may pakana." Pagtatapos n'ya. "Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Nasa tuktok ka na, ano pa bang gusto mo?" Hindi ako sumagot at nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. "Bahala ka, sabagay sinabi ko na noon pa, wala nang pakialamanan." Sabi n'ya saka ako nilayasan.
'Ano na naman bang nagawa ko?'
"Hera? Hera!" napalingon ako sa nagsalita. Si Elian iyon.
"Congrats, ang galing mo kanina. Hindi mo nabanggit na idol ka na pala."
"Hehe thanks! Congrats din, ikaw pa rin talaga pinaka magaling kanina sa stage. Hindi ko nabanggit kasi hindi ko rin naman din inaasahan, hindi sinabi sa amin na kami pala ang mag de-debut."
"Ah ganon ba?"
"Nakita ko kayong nag-uusap ni Krystal kanina, may nangyari ba?"
"H-Ha? Wala naman."
'May narinig ba s'ya?'
"Sigurado ka? Bakit parang hindi ka ayos?"
"Ah hindi, napagod lang siguro ako kanina."
"Gano'n? Sabagay. Halika kumain na muna tayo. May dinner date daw lahat ng nagperform sabi ng manager namin eh."
"Magaling ka palang sumayaw?"
"Eh? Hindi naman hehe." Nahihiyang aniya.
"Hehey..." napahinto ako, kilalang kilala ko ang boses na 'yon at iisang tao lang ang tumatawag sakin no'n. simula nang mangyari ang gabing iyon ay hindi na muli kami nagkita.
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at malakas na kumalabog ang dibdib ko.
"Reinier..."
"Congrats Hehey..." sabi n'ya sabay abot ng isang bungkos ng rosas.
"Salamat Reinier... kanina ka pa ba dyan?"
"Kanina pa ako nasa likod mo, simula nang pumunta ka dito" pilit ang ngiting sabi n'ya.
"Sasama ka ba sa dinner? Halika na."
"Hindi na, mukhang may kasama ka naman na."
"What? No, please join us. Please?" pinilit n'yang ngumiti nang malapad 'saka tumango. Pero ayun ang kanyang matang napakaraming sinasabi.
Ikinawit ko ang mga kamay ko sa braso n'ya na s'ya naman ikinagulat n'ya. Ayokong bigyan s'ya ng isipin pa kaya nama'y ginawa ko iyon.
"Kumusta? Galing ko ba?" tanong ko kay Reinier, sinusubukang alisin ang awkwardness sa'ming dalawa. Nangiti naman s'yang lumingon sa akin.
"S'yempre, ikaw pa ba?" tumawa s'ya nang mahina. "Na-enjoy mo ba yung performance?"
"Oo naman, kinabahan lang ako dahil hindi ako nakapag-ensayo."
"Pero nagawa mo pa din, bilib na talaga ako sa'yo." hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Gaya nang nakasanayan, pinagbuksan n'ya ako ng pinto ng kotse n'ya. Bago pa man ako makapasok ay may nahagip ang mga mata ko. Si Elian, palinga-linga.
Gusto ko na namang awayin ang sarili ko nang mapansing tinitingnan din ni Reinier si Elian. Binitiwan n'ya ang kamay ko na s'ya namang ikinagulat ko. Nakaramdam ako nang matinding kaba nang lapitan n'ya si Elian.
YOU ARE READING
Chasing the Spotlight
General FictionLahat ay gagawin sa ngalan ng pagsikat. Iba't ibang tao na nangarap makarating sa tuktok, ngunit ang kanilang pinagdaanan ay hindi biro. Mayroong lumaban ng patas, ngunit may ilang nandaya upang maging mataas. A/N: This story contains of three (3) p...