EPILOGUE

2 0 0
                                    


Habang tinitingnan ko ang isang poster na may anim na miyembro ay hindi ko maiwasan makaramdam ng inggit. Kakaiba ang kanilang awra, mukha silang mga batikan. Lalo na ang isang babae sa litrato na talaga naman makaagaw pansin ang natural na ganda, napakaganda ng mata n'ya, kakaiba.

Gaya ng madalas na ginagawa ko, pumuslit ako sa dressing room ng mga baguhan at dinali ang mga gagamitin nilang microphone at earphone. Masyado nang makakahalata ang mga tao kung pulos damit ang tinitira ko.

Maingat ngunit mabilis akong kumilos para hindi mahuli.

"Hera!" halos mahimatay ako nang sumulpot sa harap ko ang ngiting-ngiting si Elian. Bahagya pa syang natawa at lumingon sa likod ko.

"Ba't para namang takot na takot ka?

"H-Ha? W-Wala, halika na, magsisimula na." 

"Oo nga, kanina pa nga kita hinahanap eh." nilagy niya sa baywang ko ang kamay niya at inakay ako palabas. Sa harapan kami nakapuwesto kaya kitang kita namin ang mga mag pe-perform.

Sinimulan iyon ni Lian. Saglit pa kaming nagkatinginan 'saka siya nagsimula. Naging mabilis ang kanyang performance at maya-maya ay dumating na ang pinakahihintay ng mga tao.

"Good evening, ladies, and gentlemen, we would like to welcome all of you. We are pleasure to introduce to you the new, unique, and hottest era of all the idols from JL Entertainment and AOS trainees. Please welcome, the FIRE!" naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan kaming lahat kasabay no'n ay ang pagpatay ng mga ilaw.

Nagsimulang tumugtog ang kanta nila, napakaganda sa pandinig, hindi masakit sa tainga. Nakangiti ang lahat habang sinasabay sa beat ang palakpak nang magsimula nang sumindi isa-isa ang mga ilaw at maaninag ang lahat ng nag p-perform.

Mukhang hindi nga nagkamali ang host sa pagpapakilala sa mga bagong grupong ito, lahat sila ay unique talagang walang katulad. Bagong bago ang kanilang style at lahat sila ay may itsura. Kumunot ang noo ko nang may maaninag. Maganda ang kanyang postura at ang kanyang boses. Pamilyar iyon sa akin pero hindi ko maalala kung kaninong boses iyon.

Nagulat ako sa biglang pagharap nito, kakaiba. Ang kanyang tindig at porma ay kilalang kilala ko, ang kanyang boses ay medyo nag-iba lalo pang humusay! Ang kanyang pagsasayaw ay walang kupas, napakagaling pa rin. Nabigla ako nang magtama ang paningin namin. Ngunit ang tingin na iyon ay kakaiba, iba na ang paraan nang pagtingin n'ya sa akin.

'Reinier'

Hindi ko akalaing makikita ko s'ya rito. Sa tagal naming hindi nagkita at nagkausap, hindi ko alam na pinlano n'ya palang ituloy ang kanyang pangarap na maging idol.

Lumingon ak sa gawi ni Elian at nakitang seryoso lang itong nanonood. Walang makikitang ekspresiyon sa kanyang muha.

"And for our next performer, please welcome, the DIADEM!"

Biglang namatay ang ilaw at isa-isang bumukas ang spotlight dahilan upang magsigawan ang mga tao. Naikuyom ko ang kamao ko nang makitang napakarami agad taga-suporta ng mga baguhan, ito ang unang pagtatanghal nila sa entablado.

Napakaganda ng boses nila kahit live nila itong kinakanta.

'Bagay na hindi ko kayang gawin.'

Muli na namang naagaw ng isang babae ang atensyon ko. Kung maganda siya sa poster, ay mas maganda sya sa personal at mukhang mas maganda pa sya sa malapitan.

(Now Playing: Number 9 by T-ARA)

dangsineun nal neomu apeugeman haneyo
byeori bitnadeon geuttae uril gieokhaeyo
nae mameul gajyeogan yalmiun geu saram
itjanhayo na jigeum neomu apeugeodeunyo

Lahat sila ay magagaling kumanta at sumayaw, napakasuwabe ng galaw lalo na iyong magandang babae. Kulang ang salitang prinsesa para maihambing sa ganda niya.

Maya-maya pa'y tinutukan ko na ang kanilang galaw dahil hindi ko sila kinakitaan ng ano mang mali. Kumunot ang noo ko.

'Ibang mic at earphone ba ang gamit nila?'

Nabaling ang tingin ko sa magandang babae at nakita kong propesyonal niyang inaayos ang earphone niya habang patuloy pa rin sa pagsasayaw na akala mo'y walang nangyayari. Naging swabe ang pagtanggal niya nito sa kanyang tainga habang hinihila niya ang earphone at mabilis na ibinato sa kanyang gilid nang walang nakakapansin 'saka pumunta sa harap dahil part na niya.

(neombeonain) neomani nal utge haneun
(neombeonain) neomani nal ulge haneun
(neombeonain) neon naui teoksidogamyeon
nal jikyeojun hieoro
nal tteonan geudae miwoyo

Siya na iyong kumakanta at nasa gitna na. Kung magtanghal s'ya ay parang walang nangyari kanina, nakamamangha ang pagiging propesyunal niya bagama'y baguhan lamang siya.

"She's great, she's indeed the best!" napalingon ako nang may marinig na nagsalita sa gilid ko, si Elian iyon. Batid kong iyong babaeng maganda ang tinutukoy niya, lalong sumama ang loob ko nang makita ang ganda ng pagkakangiti niya sa babae at animong manghang mangha.

Parang kanina lang ay todo ang simangot niya.

Nakita ko namang medyo nahihirapan ang isang babaeng may pinakamataas na heels sa kanilang anim pero hindi niya alintana iyon at patuloy pa rin sa pagkanta. Nakita kong pumwesto ang magandang babae sa likuran niya at mabilis, hindi halata niyang inayos ang mic sa likod ng babae. Sabay silang tumalikod at pumunta sa likod matapos iyon. Batid kong nagpasalamat pa ang babae sa kanya.

Pakiramdam ko ay talo ako ngayon, hindi ko nasira ang performance nila.

"LET'S GO QUEENS!"

"WE LOVE YOU DIADEM!"

Dinig ko pang sigawan ng mga tagahanga nila. Matapos ang pagtatanghal na iyon ay mabilis akong tumayo at umalis naramdaman ko pa ang pagsunod sa akin ni Elian.

"Mukhang masaya ka ah?" tanong ko sa kanya.

"Hahaha! Natuwa lang ako dahil ang gagaling lahat ng nag perform! Ang astig!" pakiramdam ko ay inaasar niya ako pero malabo iyon dahil hindi naman niya alam ang mga pinaggagagawa ko kaya tumahimik nalang ako.

"Oh! Si Krystal 'yun diba? At kasama pa niya yung mga bagong idols. Magkakakilala pala sila?" sabay kaming lumapit sa kanila ngunit kulang sila ng isang miyembro, iyong face of the group nila.

"Hi Ms. Hera! Oh my! Nice to meet you po!" nagulat ako sa pagbati n'ya, hindi ko inaasahan.

"Psh." rinig kong ungot ng kapatid ko.

"H-Hi, you look great, lalo na kanina, ang gagaling niyong magtanghal."

"Naku! Mas magaling ka pa rin sa'min Ms. Hera! Hehe, salamat sa panonood idol!" nginitian ko lang sila.

"Girls!" sabay-sabay kaming napalingon sa likod nila, dumating na iyong visual nila. Bahagya siyang natigilan habang nakatingin kay Elian ngunit agad din itong ngumisi.

"X-Xeline." Utal pang sambit ni Elian.

"Long time no see." Sabi nung Xeline.

Nagkatitigan silang dalawa habang kami naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.

'Sino s'ya? Bakit kayo magkakilala?'

***

Chasing the SpotlightWhere stories live. Discover now