ONCE

4 0 0
                                    


HERA'S POV

"Long time no see." nakangising sabi ng magandang babae. Napapitlag ako nang tingnan niya ako. Nagtaka pa ako dahil sarkastiko siyang ngumiti sa akin.

"Nice to meet you, princess Hera." tinanguan ko siya.

"Nice to meet you. You look stunning." ngumiti ako sa kanya.

"Yeah? Thanks." sabi niya 'saka bumaling sa kapatid ko, napakunot ang noo ko nang magbulungan sila 'saka sabay na tumawa.

Ako ba ang pinag-uusapan nila?

"Let's go, nag-iintay na ang van sa atin." sabi niya nang bumaling ng tingin sa mga kasama. "We need to go now. See you soon." nakangising sabi naman niya sa amin.

"Wait, Xeline!" nangunot ang noo ko sa inasal ni Elian.

Kanina pa ako nagtataka sa mga ikinikilos niya.

Magkakilala ba sila?

XELINE'S POV

Habang nakikipagbatian ako kay Hera ay kita ko sa gilid ng mata ko ang hindi maalis na tingin sa akin ni Elian.

Mukhang gulat na gulat pa siyang makita ako rito. Natawa ako ng sarkastiko sa isip ko.

"Sa tingin ba ni Hera ay maniniwala ako sa sinabi niya?" natatawang bulong ko kay Krystal kaya tumawa rin siya.

"Let's go, nag-iintay na ang van sa atin." sabi ko sa mga kasama ko. 'Saka bumaling kila Hera. "We need to go now. See you soon." nakangising sambit ko.

"Wait, Xeline!" nakataas ang kilay kong nilingon si Elian pero nakangiti siya sa akin.

"What?"

"You're really a great performer." nakangiting puri niya sa akin. "Hmm, are you going to dinner party?"

"What do you think?" bahagya siyang nagulat sa paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya.

What's the point of being nice if  the person didn't respect you at all?

"Can we talk?"

"I'm busy." I said and rolled my eyes.

"What an attitude..." mahina man pero nasisiguro kong si Hera ang nagsabi no'n kaya tumawa ako nang mahina.

"Yeah. What an attitude, right?" sarkastikong sabi ko at nagulat naman siya. "Let's go." nagpauna na akong lumabas at tatawa-tawa namang sumunod sa akin si Krystal habang ang miyembro ko ay takang taka sa inasal ko.

"Huy, girl! Bakit mo naman ginano'n si Ms. Hera! Nakakahiya!" sabi ni Elaine, isa sa pinakamalapit na miyembro ko sa akin.

"Secret." kinindatan ko siya 'saka ako tumawa, sinimangutan man niya 'ko, pero tumawa pa rin.

"Slay." rinig kong sabi ng tatawa tawang si Krystal.

"Lakas ng loob sabihan akong gano'n?! Ha!" reklamo ko na mas lalong ikinatawa niya.

Habang papalabas kami ay muling sumagi sa isip ko si Elian. Ibang iba na ang kilos at pananamit niya. Pati ang kanyang ugali ay nagbago na. Muli akong napangisi.

He changed, because of chasing that stupid spotlight.

AKEZIA'S POV

"What the heck, Liana?! Muntik nang pumalya ang performance ko kanina, my gosh! Plano mo bang sirain ang performance ko ha?! Sinusubukan mo ba akong kalabanin?" nakayuko ako habang sinisigawan na naman ako ni Shane.

"Pero iyon nga ang tape na ibinigay sa akin, Shane. Nag record lang naman ako at inutusang i-abot iyon."

"Sumasagot ka pa? Tandaan mo, once na nawala ako sa industriyang ito, tapos na rin ang career mo! Baka kung hindi dahil sa'kin, hindi makikilala ang boses mo!"

"Kung hindi rin dahil sa boses ko ay hindi ka sisikat, Shane." malumanay na sabi ko. 

Ngunit nagkamali ata ako ng way para sabihin iyon dahil galit siyang tumingin sa akin.

"So what are you trying to say? That you are better than me?!" galit na galit na sabi niya. "Napakayabang mo! Akala mo kung sino ka!"

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Shane."

"And don't you ever call me by my real name! Kapag may nakarinig sa'yo, lagot ka sa'kin!" humahangos siya at sunod-sunod ang paghinga. "I already pay you para gamitin ang boses at pangalan mo! So basically, may karapatan ako!"

"But that was a force contract." mahinang sabi ko. Kung tutuusin ay hindi dapat effective ang contract na iyon, pero dahil masyadong malakas at mapepera silang lahat, nagawa nila 'yong posible.

Akma na akong susugurin ni Shane nang biglang may pumasok.

"Ms. Lian hinahanap na po kayo sa dinner."

"Okay, susunod ako." sabi niya at muling bumaling sa akin. "Tandaan mo 'to, Liana. Sa oras na pumalpak ka pa uli, makakatikim ka na sa akin." sabi niya at nilayasan ako.

Parang nabunutan ako ng tinik nang makalabas siya ng kwarto. Matalik kaming magkaibigan noon, pero ano bang nangyari ngayon? Napabuntong hininga ako dahil sa naisip ko.

She changed, because of chasing that blinding spotlight.

KRYSTAL'S POV

Dahil sa hindi naman nag perform ang grupong kinabibilangan ko ay hindi sila um-attend sa debut performance ng mga newbies. Pero invited kaming lahat sa dinner.

I just attended because Xeline's going to perform. She's one of the best trainees in AOS. Isa ako sa nag guide sa kanila doon. Doon din nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa.

Sumabay ako sa van nila dahil sinundo ng van namin ang mga kagrupo ko at sumabay lang din naman ako kila Xeline pagpunta rito.

"Nakita mo ba 'yung reaction si Hera kanina? She looks stupid. Akala niya ba ay masisira niya ang performance niyo?" nakangising sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Yeah, thanks to you." tumawa siya nang mahina. "Noon ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong ituro sa amin ang mga bagay na 'yon. Though, alam ko naman na para sa pagiging propesyunal iyon. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang hindi pag lagay ng damit sa dressing room ng gagamitin sa performance."

"Maybe not now but soon. Malalaman niyo 'yon. Anyway." lumingon ako sa kanya. "You're really great at fixing mics huh?" tumawa ako. 

"Yeah, mukhang iyon ang pinuntirya niya, ha? Dati ay inis na inis ako sa'yo sa tuwing sisirain mo ang sabitan ng mic sa damit noong trainee palang kami. Akala ko ay may galit ka sa amin at ayaw mo kaming makapag debut. Surprisingly, nagamit ko agad sa first performance ko 'yon." sabi niya at tumawa.

"Yeah, ikaw ang pinaka mareklamo noon." I chuckled. "Change topic. How was your heart after you saw him?" bigla siyang natahimik. 

She crossed her arms and acted sleeping. I laughed.

"Your sister is a great pretender." she said.

"I agree." mapait ako napangiti at muling tinanaw ang mga nadaraanan naming mga sasakyan at city lights.

She's really not like that when we were kids. She's charming and caring not until that day.

She changed, because of chasing that crazy spotlight.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing the SpotlightWhere stories live. Discover now