DIEZ

3 0 0
                                    


"Hey Hera!" napalingon ako sa pinto nang makita ko si Lian.

"Hmm?" tipid na tugon ko.

"Aga-aga masungit ah? Problem?" bumuntong hininga ako.

"Wala naman. Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba mag re-rehearse?"

"No need naman na. Matagal ko na rin naman nang ginagawa ang pag lip sync kaya gamay ko na."

"Yeah, ang galing mo nga do'n pero baka naman may makahalata na sa'yo?"

"Duh? Tatlong taon ko nang ginagawa 'yon pero dumarami pa rin ang supporters ko. Teka, ikaw rin naman ah!"

"At least ako boses ko talaga 'yon. Hindi nga lang live." tumawa ako nang mahina. "Eh anong sabi nung totoong may-ari ng boses? Ayos lang ba sa kanya?"

"Wala naman s'yang magagawa 'no. Wala naman s'yang ibang trabaho, ito lang ang trabaho n'ya kaya bakit pa s'ya magrereklamo? Pasalamat s'ya dahil pinasisikat ko mga kanta at boses n'ya." Nagkibit-balikat nalang ako 'saka itinuloy ang pag m-makeup sa sarili ko. "By the way, how's your relationship with Ian?"

"Gano'n pa rin."

"Hindi pa rin kayo?"

"Psh. Hindi ko alam kung manhid ba 'yon o torpe eh. But we're good."

"Why? He didn't really court you?"

"Nope."

"Baka may girlfriend." Natigilan ako sa sinabi n'yang 'yon kaya napatingin ako sa kanya.

"Why? I'm just kidding okay." Natatawang sabi n'ya. "Pero hindi malabo 'yun." Dagdag pa n'ya.

'Hindi nga kaya, may girlfriend s'ya?'

"Hindi mo ba natanong?" umiling ako. "Bakit hindi mo tanungin?"

"Hindi s'ya diretsong sumagot. But you know. I know he likes me too. Hindi naman niya siguro sasakyan ang ginagawa ko ngayon kung hindi diba?" Bumuntong hininga ako.

"Baka dahil iniisip n'ya na may gusto sa'yo si Reinier?"

"Ano namang kinalaman ni Reinier do'n?"

"Malay mo lang. Speaking of Reinier, nasa'n na s'ya? Parang wala na akong balita sa kanya."

"Ako rin, magmula nung huling usap namin nang ihatid n'ya ako sa dinner hindi na uli kami nagkita."

"Hala ka! That was already year ago! Ikaw kasi eh. Alam mo nang may gusto sa'yo gano'n pa ang sinabi mo." Sasagot na sana ako nang sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok doon.

"Sh--- Ms. Lian, ito na po 'yung song na kakantahin n'yo po mamaya."

"Na-record mo ba 'to nang maayos? Baka may palya 'to ha?"

"Ayos na po 'yan, ma'am." Nakayukong sambit nito.

"Sige, makakaalis ka na." tumango pa ito bago tuluyang umalis.

"Siya ba 'yon?"

"Yeah, s'ya 'yung assistant ko."

"You mean, the owner of your voice?"

"Kailangan ulit-ulitin?" she rolled her eyes. 

Sa tagal naming magkasama, nakakat'wang hindi ko iyon makilala dahil sa dalang kong makita s'ya. Madalas ay naroon lang s'ya sa recording station.

"Why don't you try your own voice? I believe you have a good voice too."

"Sesh, even though I have a good voice, hindi s'ya patok sa pandinig ng mga tao."

"You mean, that girl..." Turo ko sa pinto kung saan lumabas iyung babae. "...is better than you?"

Nanlaki ang mga mata n'ya. "What? Of course not! Ni-hindi nga n'ya naranasang tumuntong sa entablado 'no! Balewala ang boses n'ya kung hindi dahil sa'kin."

"Pwede mo rin namang i-lip sync ang boses mo, basta sariling boses mo."

"Magkaiba naman kasi tayo Hera. Natural nang maganda ang boses mo, ang problema lang ay hindi mo kayang kantahin iyon habang nasayaw, at kapag live pero maganda pa rin. Samantalang sa akin ay hindi talaga ganoon kaganda."

"You know, maaayos 'yan like mine. May autotune naman."

"Hindi ko alam. Ayos na riguro 'to, besides ito na ang nakasanayan nang tao na boses ko. Baka magkagulo pa kung iibahin ko."

"Sabagay."

"Ms. Lian, 10 minutes nalang po bago mag start." nakangiting sabi ng organizer.

"Okay!" nakangiting sabi n'ya. 'Saka muling bamling sa akin. "How about you? Saan ka na niyan?"

"Iintayin ko lang si Ian."

"Okay, pupunta na ako ng backstage, okay?"

"Alright. Goodluck." sabi ko at bumeso sa kanya bago siya tuluyang umalis.

Napawi ang ngiti ko nang madaanan ng mata ko ang kapatid ko. Dali-dali akong lumabas at hinabol siya.

"Krystal!" bahagyang kumunot ang noo niya at dahan-dahang lumingon sa akin.

"What?" iritang sambit niya.

"Ang tagal nating hindi nagkita." nakangiting sabi ko.

"And so? Mabuti nga 'yon eh." nakangising sabi niya.

Tila sanay na siguro ako sa ganoong ugali niya kaya hindi ko nalang pinansin iyon. 

"What are you doing here? Are you going to perform?"

"Nope. And why do you asked? Do you plan anything to harm me, again?" nakangising sabi niya at nagulat naman ako.

"You know I can't do that to you. You're my sister." tumawa na naman siya at galit na tumingin sa akin.

"Really? Grabe, nakalimutan mo na ba? O pinipilit mong kalimutan ko na rin iyon?"

"That's already in the past, Krystal. I think we should start again, like before."

"You really think that?" tumango ako. "Well, I'm sorry. That's not going to happen. May you excuse me, please? My friend's going to perform. So, kung puwede? Tumabi ka sa daraanan ko?" she rolled her eyes and left me.

Napabaling ako sa gilid nang makita ang mga mag de-debut na masayang nagtatawanan papuntang backstage. Bahagya akong nagtago at inintay na makaalis sila 'saka ako pumuslit sa kwartong nakaawang ang pinto. Katulad ng dating gawi, isa-isa kong sinira ang mga gagamitin nila.

Ilang kwarto ang pinasukan ko, in-approach ko pa ang iba sa kanila upang hindi mahalata ang gagawin ko.

"Huy si Ms. Hera!"

"Hello, goodluck sa performance niyo!" nakangiting sabi ko.

"Thank you, Ms. Hera!"

"Grabe, dinalaw niyo pa kami! Maraming salamat po!" halos maiyak na sabi ng isa sa kanila kaya natawa ako.

"Nako, ano ka ba. Sa susunod siguro ay magkakasama na tayo mag perform." nakangiting sabi ko.

"Sana nga po magkaroon tayo ng collaboration, soon!"

"Ambisyosa ka! Si Ms. Hera 'yan. Malaki bayad diyan!"

"Kaya nga soon!" nagtawanan kami at saglit pang nag-usap nang pumasok ang manager nila.

"Girls get ready na! Malapit na mag start. Naku, pasensya na Ms. Hera, makukulit talaga itong mga batang ito."

"Ay hindi naman po. Ako rin ang pumasok dito."

"Oh s'ya, maiwan muna namin kayo dito Ms. Hera at kailangan ko na silang dalhin sa labas."

"Ayos lang, lalabas na rin ako. Salamat."

"Nice too meet you, Ms. Hera!"

"Gagalingan ko dahil nag goodluck ka!" natawa ako at kumaway sa kanila.

Matapos kong masigurong wala na sila ay 'saka ako pumunta sa kwarto kung saan naroon ang sinasabi nilang isa sa mabibigat na grupong mag d-debut ngayon.

Maingat akong pumasok doon habang walang tao.

***

Chasing the SpotlightWhere stories live. Discover now