Chapter 2

7.7K 311 16
                                    

A/N: grammatical and typo errors ALERT!!

Chapter 02 : TBSP

Aeriz's POV

MEDYO kakaiba ang building namin sa tatlong building na nadaanan namin.

Masyadong malinis yung tatlo lalo na yung isa mapagkakamalan mo talagang hotel. Pero itong building na pinasukan namin. . .tambakan ng basura.

Parang sinasadya talagang tapunan ng basura ang lugar na ito.

“Are we in the right place?” takang tanong ko kay Clyden

“Sadyang makalat lang dito dahil bukod sa galit ang principal sa black section, hindi rin kami ang priority ng school. Kaya ginagawa nilang basurahan ang building natin.” paliwanag niya

“Pwede namang magreklamo sa board 'di ba? O kaya sa mga stock holders?” pag-uusisa ko

Mapait siyang napatawa kaya napatingin ako sa kaniya.

“Kaaway kasi namin ang anak ng may-ari nitong school.”

Anak ng may-ari?

“Oh tapos?” takang tanong ko

“Hinaharangan nila kami tuwing magsusumbong kami kaya napapaaway kami. Kami rin palagi ang mali, nasususpend at napapagalitan. ” sagot naman niya

Huminto kami sa isang pintong nakasara. Kumatok ng tatlong beses si Clyden at bumungad naman sa'min ang teacher na medyo ilang taon lang ang agwat sa'min.

Iiling-iling siyang nakatingin kay Clyden “Always late, de Leon.” parang dismayadong sabi nito bago dumapo ang paningin sa'kin “Ikaw na ba iyong transfer student?” nakangiting tanong niya

Hindi ba halata?

“Obviously.” pabuntong hiningang sabi ko sabay irap

“Get in.” utos niya

Inakbayan naman ako ni Clyden habang papasok sa loob ng room. Agad kaming nakaagaw ng atensyon.

Uuuyyyy chix!”

Witwiw!”

“Sino 'yan, Clyden?!”

Ngumisi naman itong isa “Girlfriend ko.” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na tinanggal ang braso niyang nakapatong sa balikat ko

“Girlfriend mo mukha mo!” singhal ko rito

“Hindi nagana charms mo!”

“Sabi ko na mas gwapo talaga ko sa iyo.”

Kantyawan naman ng iba.

“Silence!” suway ni ma'am sa kanila bago bumaling sa'kin “My name is Cynthia Slyntherin. Black Section's adviser. Please, introduce yourself.”

Umayos ako ng tayo at inilibot ang paningin.

“I'm Aeriz Jade. You can call me whatever you want.” pakilala ko

May nagtaas naman ng kamay.

“Gonzales?” ikinumpas ni ma'am Cynthia ang palad niya senyales na maaari na itong magtanong

“Can I call you baby?” nakangising tanong ni Gonzales

Baby.

Tinaasan ko naman siya ng kilay “Mukha ba akong sanggol?” mataray na tanong ko napa oooohhhhh naman sila pati si ma'am Cynthia

May isa pa namang nagtaas ng kamay.

“Vaughn.” banggit ni ma'am sa nagtaas ng kamay

Kulay dilaw ang buhok niya kaya hindi ko matukoy kung si San Goku ba 'to o sisiw. Maangas din ang dating niya gwapo pa.

“Bakit dito ka nag-aral?” walang emosyon niyang tanong

“Bakit hindi?” tanong ko pabalik

Nanay ko nga di ako tinatanong kung bakit dito ako mag-aaral, tapos siya tatanongin ako kung bakit?

Saksakin ko kaya ngala-ngala nito?

“Balak mo bang pumunta sa impyerno?” nakangising tanong nito na ikinangiwi ko

“Ayoko nga. Baka ma-meet pa kita ro'n.” panggagago ko sa kaniya

Mag gagohan kami.

Oooohhhhhhh!”

I didn't expect na ganito kaganda ang bubungad sa'kin.

“Shall I make you feel what's hell?” hindi na ito nakangisi sa halip ay seryoso na itong nakatingin sa akin

“No thanks. Nakikita pa lang kita ngayon feeling ko nasa impyerno na ako. Mukha ka kasing demonyo.”

Oooohhhh!!!!”

Paniiissss!!!”

Chocolateeee!!!”

“Gago anong CHOCOLATE?!”

BAAAARRRSSSSSSS!!!!”

Sigawan ng iba bahagya pa akong natawa.

Chocolates? Seriously?

“Tss. Walang kwenta.” bored na sabi niya

“Wala ka talagang kwentang bata ka!”

“Wala kang kwenta!”

Damn it!

Tumalim ang titig ko sa kaniya at ngumisi.
“You're referring it to yourself.”

Nawala ang pagitan ng kilay niya at aktong magsasalita na ng magsalita si ma'am.

“Enough with that. Ms. Jade, sit wherever you want.” sabi ni ma'am

Naupo ako sa gilid kung saan may isang upuan na naka hiwalay. Dikit-dikit kasi talaga ang upuan nila na mukhang ayaw nilang magkalayo-layo sila.

Nakinig na lang ako sa pagdidiscuss ni ma'am Cynthia pero ramdam ko pa rin ang titig sa akin ng karamihan.

Isa pang nakakapag taka pa rito. . .ay ako lang ang babae.

___________________________________________
__________________________________________

:)))

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now