Chapter 83

3.7K 185 40
                                    

a/n: been busy lately. enjoy reading, love!

Chapter 83 : TBSP

Aeriz's POV

“Magpahinga ka na, may pasok pa bukas.”

Ayan lang ang sinabi sa'kin ni Lucifer, kagabi bago lumabas ng kwarto ko. Hindi manlang siya sumagot na kahit tango lang.

Napabaling ako sa tabi ko nang may umupo ro'n.

“Galit ka?” nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakanguso pa si Kiro habang nagtatanong

Umiling lang ako rito bago bumaling sa may pintuan para hindi ko makita ang mukha niya.

Nasusura ako sa itsura niya.

Napaigtad ako nang may sumundot-sundot sa pisngi ko kaya nanlalaki matang lumingon ako kay Kiro.

“Riz, kausapin mo ako.” sabi nito

Katulad ng kanina ay nakanguso pa rin siya! Jusko! Hindi ko ma-take.

“Anong problema mo?” salubong ang kilay na tanong ko

“Galit ka ba sa'kin?” mas lumungkot pa ang boses nito kumpara sa kanina

Tumayo ako dahilan para maagaw ko ang atensyon ng mga kaklase naming sinasamaan ng tingin si Kiro, dahil sa pagiging abnoy nito kanina habang kinakausap ako.

“Halika sa labas. Mag uusap tayo.” seryosong sabi ko bago lumabas ng room ay nakasalubong ko pa si Grae, na kakapasok lang

“Riz. . .” akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit kaagad kong naidistansya ang katawan ko palayo sa kaniya

Saglit lang akong napatitig sa kaniya pero agad kong nalaman na mukha na siyang zombie.

Halatang kulang na kulang sa tulog ang sperm.

Nilampasan ko na lang siya kaya naman naramdaman kong kumirot ang puso ko nang makita ko ang sakit na dumaan sa mga magaganda niyang mata.

I'm sorry.

*****

Kiro's POV

Napabuntong hininga ako nang makita kong nilampasan lang ni Riz si Grae. Nakita ko kaagad ang sakit na bumalatay sa mukha ni Grae, pero pilit niya iyong itinago bago siya maupo sa upuan niya.

“You okay?” dinig kong tanong ni Aj kay Grae, isang tango lang ang natanggap niya kay Grae

Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil kaagad akong sumunod kay Riz, para makapag-usap kami.

Kinakabahan ako sa pag uusapan na iyan.

Ahm. . .anong pag uusapan natin?” takang tanong ko kay Riz, nang makarating kami sa likod ng building namin

Itigil mo ang engagement.”

Parang pinompyang ang tenga ko sa narinig ko.

Wala akong alam tungkol sa engagement na iyan, hindi ko rin nagustuhan noong una kaso naisip ko kung iiwasan ni Riz, kaming mga kaibigan niya maganda sigurong manatili na lang ang engagement na 'to para malapit pa rin ako sa kaniya.

“Wala akong balak na pakasalanan ka, Kiro.”

I know.

“Riz, wala rin akong alam sa engagement na iyan. As far as I know, tita mo ang kinausap ni mommy at ang mama mo naman ang pumayag.” pagsasabi ko ng totoo

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now