Chapter 52

4.2K 205 14
                                    

A/N: jusko woi bakit iniisip niyo'ng magkapatid si Riz at Aj? Hahahaha natawa ako slight. Charot.

Chapter 52 : TBSP

Aeriz's POV

Dahan dahan at hindi ako gumagawa ng ingay habang naglakad papasok sa kwarto ko.

Putcha mag a-alas dos na ng madaling araw. Buti na lang gising na yung ibang maid at napakiusapan ko'ng wag banggitin kila kuya na inumaga na ko pauwi.

“Ba't umuwi ka pa?”

Napaigtad ako at pinigilan ang mapasigaw nang biglang may magsalita sa likuran ko!

Tangina mo hanggang kamatayan, Lucifer.

Inis na tinignan ko si Lucifer na nasa likuran ko, galing 'ata siya sa baba pero di ko napansin.

“Problema mo?” asar na tanong ko

Natagalan 'ata ang paglalandi mo kaya inabot ka ng alas dos.”

Paglalandi ha! Kingina neto!

“Wag mo nga ko'ng pakialaman!” asik ko pero inirapan niya lang ako

“Sino ba'ng may sabing pinakekealaman kita? E wala nga ko'ng pake sa'yo.”

Aray ha hindi masakit.

“Okay lang, ganun din naman ako sa'yo.” inirapan ko naman siya bago pumasok sa kwarto ko

Yung demonyitong 'yon! Napakasama ng ugali kaya napaghahalataang nakulangan sa turok amputek.

Kapal ng mukha niya akala niya naman may pake ako sa kaniya! Kahit lamunin pa siya ng pating sa harap ko wala akong pakialam.

Pero sa'n galing ang pating?

Ah basta! Bahala siya sa buhay niya at iisipin ko naman ang buhay ko.

---

Ringgg Ringgg Ringgg~

Putcha naman e!

Hindi pa nagtigil ang cellphone na 'yon at nag ring pa rin ng nag ring hangga't hindi ako tumatayo!

Kingina.

“ANO?!”

[Woahhhhhhh. . .easy ka lang.]

“Easy mo mukha mo! Letse maghanap ka ng kausap mo!” sigaw ko at pinatay na ang tawag

Dumapa ako ulit sa kama ko at natulog pero. . .

“Riz? Gumising ka na diyan! Hinihintay ka na sa baba ng mga kaklase mo!”

Anak ng kaputa-putahang nilalang na sana nasa outer space na lang ako para walang istorbo.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now