Chapter 64

4.3K 241 19
                                    

A/N: errors alert

Chapter 64 : TBSP

Aeriz's POV

“Ano ba'ng mauuna?” tanong ko kay Kiro na katabi ko

Nandito na kami ngayon sa gym dahil magsisimula na raw ulit ang contest kineme nila.

“Yung debate ni Aj, ang mauuna.”

Si Aj?

“Weh? Si Aj? Makikipag debate?” gulat na tanong ko

Hindi naman kasi halata sa itsura niya e. Seryosong seryoso kaya ang itsura ni Aj kahit pa may kausap o wala. Bibihira mo lang makitang ngumiti tapos sasali pa sa debate.

Mahinang natawa si Kiro tsaka ginulo ang buhok ko hinampas ko naman ang kamay niya.

“Magaling kasi siya makipag sagutan, kaya sinabihan siya ni Grae na siya na lang ang lumaban.”

Napatahimik na lang ako nang masali sa usapan namin ang pangalan ng sperm na 'yon.

At ayun siya masamang nakatingin sa'min ni Kiro.

Mukhang tinotopak na naman.

“Hindi pa rin kayo nagkakaayos hanggang ngayon?” nabalik ako sa reyalidad dahil sa tanong ni Kiro

Umiling na lang ako sa kaniya.

Paano ba naman kami magkakaayos e pagbalik namin ni Kiro sa room kanina hindi na ako pinansin! Ang sungit niya literal! Para siya'ng may mens!

Iniirap irapan niya pa ko kapag nagkakasalubong ang tingin namin. Para siya'ng babaeng nagseselos!

“O ayan na lalapit na.”

Nagtatakang tinignan ko ang direksyon kung saan nakatingin si Kiro at nakita ko namang naglalakad si Grae papunta sa pwesto namin.

“Let's talk.” sabi nito sa'kin

Napatingin pa ko kay Kiro na pasimpleng natatawa tsaka tumango sa'kin. Muli ko namang hinarap si Grae at tinanguan.

Naglakad kami palabas ng gymnasium. Sa una ay walang umimik ni isa sa'min at pinapakiramdaman lang ang bawat isa.

“Ah.”

“Ah.”

Nakagat ko na lang ang labi ko nang sabay kami'ng magsalita.

Ba't ba ang awkward? Wala namang nangyari, di'ba?

“Riz, I'm sorry.”

Tumingala ako sa kaniya bago nagtataka siya'ng tinignan.

“Para saan?”

“I don't know, sa tingin ko lang papansinin mo na ko kapag nag sorry ako sa'yo.” umiiwas ng tingin na sabi niya “Hindi ko kaya'ng, hindi mo ko pansinin ng buong araw. Baka mamental ako bigla.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti. Yumuko na rin ako para hindi niya mapansin 'yon.

“Ikaw diyan ang hindi namamansin e.” kunwaring seryoso ko'ng sabi dahilan para mabahala siya kaya pigil pigil ko ang tawa ko habang nakatingin sa kaniya

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now