Chapter 28

4.8K 234 10
                                    

A/N: errors alert!

Chapter 28 : TBSP

Clyden's POV

“Ano ba naman 'yan! Ba't ang tagal nila?!” nakangusong tanong ni Nate habang nasa tabi niya naman si Mac na kumakain lang ng marshmallow at sinasawsaw sa chocolate syrup

Nandito na kami ngayon sa gymnasium at maayos talaga ang lugar dahil nagmukhang open space ito kahit hindi naman talaga siguro dahil na rin sa design sa itaas na mga bituin at may malaking buwan.

Grae's here.” anunsyo ni Kiro habang nakatingin sa entrance

Napunta kay Grae ang spotlight na kanina pa nagkakalat sa gymnasium kaya naman napunta sa kaniya lahat ng atensyon lalo na ng mga babae. Punong puno ng paghanga ang mata nila habang nakatitig kay Grae na wala manlang emosyon na dumeretso sa table namin.

“Pogi natin ah!” ngiting ngiti na bati ni Drake sa kaniya syempre kaagad naman nangasar si Chard

“Yikes! Nabakla kana naman kay Grae! Ewwwwwww!”

Napailing na lang ako bago uminom ng wine na nakaserve sa table namin. Pumayag ang principal na allowed ang wine ngayon kahit na ang iba ay hindi pa legal age since hindi naman nakakalasing ang sineserve nila.

“OMG! Ang ganda talaga ni Chea, goshhhhhhh!”

Geezzz! I'm sure siya ulit ang face of the night.”

Putcha, tol! Tignan mo iyong suot ni Aeros oh! Gucci!”

“Lintek ang yaman!”

Napatingin ako sa entrance kung saan nakatutok ang spotlight kila Aeros. Nakakapit si Chea sa braso ni Aeros, habang ngumingiti sa mga taong binabati sila.

“She's. . . gorgeous.” napatingin kami kay Kiro dahil sa sinabi niya mahina lang 'yon talagang kami lang ang makakarinig

Hindi niya pinansin ang mata naming nakatingin sa kaniya basta nakatitig lang siya kay Chea na kasama si Aeros.

Tsh! Sama talaga ng dulot ng love na 'yan!

“Grabe naman si Riz! Napakatagal!” sabi ni Mac habang punong puno ng marshmallow ang bibig ganun na rin si Nate

“Baka nag-aayos pa.” sabi ko sa kaniya tumingin naman sila sa'kin

“Hello?! Nag-aayos? Grabeng pag-aayos naman niya akala niya may igaganda pa siya!” nakangusong sabi ni Nate sumangayon kaagad si Mac napailing na lang ako sa kanila

Dumapo ang paningin ko kay Aj na kumakain lang ng gummy bears na nakalagay sa table namin. Ewan ko ba pero parang party 'to ng bata! Ang daming candy.

Naramdaman 'ata ni Aj ang paningin ko sa kaniya kaya napatingin din siya sa'kin “You want?” alok niya sa'kin ng gummy bears kumuha naman ako do'n

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now