A/N: errors alert!
Chapter 25 : TBSP
Aeriz's POV
Napaamang ako sa gulat dahil pagbaba ko pa lang galing kwarto ko ay bumungad sa'kin ang tawanan nila tita!
KUMPLETO SILA!
Maliban kay Ranzel, na baka tinangay na ng tsunami sa ibang bansa. Nagtataka akong tumingin kila tita, tito, kuya Ryle, mama at Lucifer na tumatawa akala mo may joke na halos ikamatay na nila. Kakatawa.
"Oh, Riz! Good morning." kaagad napatingin sa'kin ang iba nang batiin ako ni kuya
"Good morning, Riz!" sabay na bati naman nila tita at tito sa'kin
Anong meron?
Masama ang tingin sa'kin ni mama habang si Lucifer naman ay walang emosyon na nakatingin lang sa'kin para pang surang-sura sa itsura ko!
Ikaw pa nasura ah!
"Sit down. Ikaw na lang hinihintay namin kaya di pa kami nagsisimulang kumain e." sabi bigla ni tito kaya gulat akong napatingin sa kaniya pero nasa pagkain na ang tingin niya!
Ano bang meron?! Shuta nakaka-out of place naman dito. Ang panget nila ka-bonding.
Naupo na lang ako sa tabi ni tita kung saan kaharap ko naman si Lucifer na ngayon ay kumakain na. Bigla ay napatingin ako sa kamao niya kung saan may nakalagay na bandaid.
Na-strike siguro siya ng karma. Masama kasi ugali.
Lumipat ang tingin ko sa mukha niya. Walang galos do'n kaya imposible namang nakipagaway siya, baka nabaliw lang talaga siya at sumuntok sa pader.
Habang pinagmamasdan siya ay tsaka ko lang napansin na. . .gwapo pala siya. . .kaso ang panget ng ugali mabaho pa yung pangalan.
Aeros amp. Mas bagay Lucifer.
Nabalik lang ako sa reyalidad nang may sumipa sa paa ko mula sa ilalim tsaka ko napansin na salubong na salubong ang kilay ni Lucifer, habang nakatingin sa'kin.
"What the fvck are you looking?" sabi niya na walang boses na lumalabas sa bibig
"Gago! Feelingero amputa." ganti ko naman at bumaling ng tingin sa plato ko
Kakain na sana ko kaso sinipa ulit ni Lucifer ang paa ko! Pota! Masama ko siyang tinignan pero ngingisi-ngisi lang siya kaya naman mas nainis ako.
Yari ka sa'kin ngayon, Lucifer.
Nanlilisik mata na tinapakan ko ang paa niya mula sa ilalim ng lamesa at inilagay do'n ang lahat ng bigat ko.
"A-aaaaahhhhh!"
"Oh my god! Aeros, what happened?"
"Something wrong?"
"Okay ka lang ba?!"
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]
Teen FictionEDITING. Expect some changes. COMPLETED | TBSP PART ONE Aeriz Jade L. Gozon A girl who was tired of running. She just want to be loved by her parents, but destiny was cruel. Instead, destiny let her to meet the people who'll change her beliefs in li...