Chapter 48

4.4K 236 18
                                    

A/N: errors alert

Chapter 48 : TBSP

Aeriz's POV

Nagtatakang inilibot ko ang paningin sa bahay nila Drake.

Mula pa kanina'ng pagdating ko para makiramay ay hindi ko naririnig ang ingay ng mga sperm. Hindi ko rin sila nakikita maliban kay Drake.

“Woi.” tawag ko rito

“Ha? Bakit?” ayan na naman ang palutang lutang na utak niya

“Nasaan yung kauri mo? Ba't wala pa sila dito?” takang tanong ko bigla naman siya'ng napaiwas ng tingin

“May pupuntahan daw muna sila e.”

Pupuntahan?

“Saan?”

“E-Ewan ko.”

Problema nito ba't may pautal utal effect pa.

Magtatanong pa sana ako pero may humila hila sa laylayan ng damit ko.

“Ate, maguumpisa na po.” nakangusong sabi ni Dainty sa'kin

“SpongeBob na?” tanong ko

“Opo! Tara na.”

Tumango ako sa kaniya at sinenyasan na mauna na. Napangiti ako ng makita ang pagtakbo niya papasok sa sala para manuod na ulit

Muli ko'ng hinarap si Drake na hindi makatingin ng tuwid sa'kin kaya pilit ko'ng hinuli ang paningin niya bago pandilatan.

“Hindi pa tayo tapos mag usap, Drake.”

“Riz, naman---”

“Heh!”

Iniwan ko siya sa labas para samahan si Dainty manuod.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit kailangan pa'ng magsinungaling ni Drake, sa'kin kung nasaan ang kauri niya.

May kinalaman ba sa'kin yung pinuntahan nila?

***

Clyden's POV

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iwas na iwas sa'min ang mga studyante rito lalo na kapag nababanggit namin si Riz.

Tapos nakakapagtaka rin na sabado ngayon pero may klase pa sila.

“Excuse me, pwede'ng magtanong?” lumapit ako sa isang babae na nakasuot ng eye glasses pero walang emosyon ang mata habang naglalakad

“Nagtatanong ka na di'ba?”

Ang suplada naman nito.

“Ahm. . .” I scratched my nose a bit “Itatanong ko lang sana kung kilala mo si Aeriz Jade Gozon.”

Mas lalong naging seryoso ang itsura niya at pinasadahan ako ng tingin.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now