A/N: grammatical and typo errors ALERT!!!!!
Chapter 05 : TBSP
Aeriz's POV
Nang makarating ako sa tapat ng bahay ay may pamilyar na kotse akong nakita.
Bumalik na sila?
Nasagot ang tanong ko ng makapasok ako. Bumungad sa'kin si Aeros na kausap ang magulang niya. Magulang niya.
“Riz, narito ka na pala.” nakangiting bungad sa'kin ni tita ngumiti ako sa kaniya tapos humalik sa pisngi niya
“Opo. Aakyat na po ako.” paalam ko pero hinawakan niya ko sa pulsuhan
“Narito na ang magulang mo. Batiin mo muna sila.” mahinahon na sabi niya
Ayoko nga!
Humarap ako sa mga magulang ko raw na busy sa pagbibigay ng luho ng kanilang baby Aeros.
Naagaw pansin naman ang pagtayo ko sa harap nila.
“Kamusta ho?” walang buhay na tanong ko
Inirapan ako ng mama ni Aeros---mama pala namin. Habang pinapatay naman ako sa titig ni papa.
“Why do you care?” mataray na tanong ni mama
Siya na nga kinakamusta sila pa galit?
Kakaibang tao 'to. Napaghahalataang malaki ang galit sa mundo.
“As if I care.” sabi ko at naglakad paakyat sa kwarto ko pero hindi pa ako nakakatapak sa hagdan sumigaw naman si papa
“Bastos ka talaga!” nanggagagalaiti niyang sigaw
“Kinamusta na nga kayo, bastos pa rin?” walang emosyon na sabi ko
“Sumasagot ka pa talaga?!” sigaw naman ni mama
Syempre kinakausap kaya sumasagot.
“Ano bang sigawan 'yan?” tanong ni tito Ryan na kakalabas lang mula sa kusina kasama si tita Leigh Ann
“Ano ba 'yan? Dinig na dinig namin kayo mula sa kusina.” kunot noong tanong ni tita bago lumapit sa'kin
“Ang sampid na 'yan bastos!” sigaw ni papa at dinuro ako mapait naman akong napangiti
Sampid...
“Ranzel, bata 'yan.” suway ni tito sa kaniya nanlilisik mata namang humarap sa kaniya si papa
“Iyon na nga eh! Bata lang siya pero nakakasira na siya ng pamilya!”
Nakakasira ng pamilya...
“Bakit ba palagi na lang kay Aeriz ang sisi mo?! Si Alliana ang sabihan mo!” galit na sigaw ni tita kay tito
“Ako naman ngayon?! Leigh, ako na naman ang mali?!” galit na tanong ni mama kay tita
Napasinghap naman si tita. “Totoo naman ah! Kung makasisi kayo kay Riz, akala niyo naman may kasalanan niya na nabuo siya?! Akala niyo naman kasalanan niya na ipanganak siya!”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]
Teen FictionEDITING. Expect some changes. COMPLETED | TBSP PART ONE Aeriz Jade L. Gozon A girl who was tired of running. She just want to be loved by her parents, but destiny was cruel. Instead, destiny let her to meet the people who'll change her beliefs in li...