Kasali ka pala sa debate? Stell said, nakasulat din kasi sa board ang mga kasali.Nasa classroom na kami ni stell, iilan lang kami kasama na doon si Paulo.
Oo Stell i included her to the team. Biglang sabat ni Paulo.
Ah kaya pala, natawa si stell.
Tapos lumapit ito sakin,
Dika nakatanggi no? Tanong nito..
Agad akong napatango.
Napahalakhak si stell.
Bakit? Anong nakakatawa stell?
Wala pa kasing nakakatanggi diyan eh, masyadong magaling magsalita, ganyan Nayan mga bata palang kami. Kita mo yang ginagawa niya na parang buang, kinakausap ang sarili, natural na yan sa kanya.
Magkasama kayong lumaki? Magkwento ka nga sakin, pano kayo nagkakilala din ni Josh? Di ko na napigilang usisa total makwento si stell
Alam mo kasi ganito yan, halos sabay na kami niyan lumaki ni Pau, matalino talaga yan,kaya nga madaming naweweirduhan diyan eh. Pero wala naman yun sa kanya, At si Josh naman... Nung lumipat sila ng bahay sa subdivision namin. Ang edad niya ata nun mga 9 ata, kami yung kalaro niya dati. Kaya kaming tatlo magkakilala.
Napatango-tango nalang ako.
Maghanda na kayo! Magbihis na ang dapat magbihis!
Anunsiyo bigla ni Paulo.
Ako naman nakaramdam na agad ng kaba,
Ayan mamaya nalang ulit tayo mag-usap cryza, manonood ako ng laban niyo, sana mapasainyo ang Bwenas, kailan ko din kasing magbihis.
Sige, ako di narin makapaghintay na marinig ang tinig mo stell.
Pansamantalang nagkanya kanya ang bawat isa. Dahil uniporme lang kami, inayos ko nalang ang buhok ko. Kabado na talaga ako. Lalo na't di ako sanay sa ganito.
Knina ko pa nararamdaman na sumisikip ang paghinga ko kasi di ko lang pinapahalata. Masyado kasi mataas ang temperatura kasabay ang presyon ng laban namin ngayon. Kampante ako kay Paulo at sa ibang teammates ko, ako lang ang alanganin... Kagabi pinagdarasal kuna na sana umayon sakin ang debate. I took my inhaler.
Fast forward
Paulo Sino ba una nating makakalaban?
Patungo na kami sa gymnasium,
Kung sino ang manalo sa laban sa pangkat labing-isa at labingdalawa siyang bababa para kalabanin ang pangkat sampu, makikita na lang natin yan pagpasok natin ng gym cryza.
Kalmado pa ang pakiramdam ko dahil sa gamot na ininom ko. Excited din ako sa mga magaganap, Ng tuluyan na kaming makapasok ng gymnasium. Saktong manonood lang ang naririto, halos nagsimula narin kasi ibang outdoor activities.
Ngyon naandito na ang pangkat siyam na magpapakita ng talino para dipensahan ang kanilang panig. sabi ng emcee,
Nagsipalakpakan naman naman ang mga manonood na galing sa pangkat namin.
Excited na ako malaman kung sino makakalaban namin.
At sa kabilang partido anderito ang pangkat labing -dalawa para kunin ang panalo!
Nasurpresa ako sa unang kalahok na nangunguna sa grupo nila. Di ko alam na kasali siya.
Nagsigawan at nagkagulo ang audience. Nasa stage na kaming lahat, di ko alam pero mas tumindi ang kaba ko. Dalawa na natatalo nila. One round battle lang to. May oras pang 30 minutes, battle of the minds talaga to, May resulta agad galing sa mga jugde.
Nagbunot na si paulo ng magiging paksa ng debate.
At ito na nga ang nabunot niyong paksa....ay
Dapat bang wikang banyaga na ang gamitin na pangkalahatang wika sa kolehiyo? Oo o Hindi?
Napapikit ako ng marahan kasama ang isang buntong hininga.
Si Josh naman ang bumunot kung anong side didipensahan nila... Medyo napapadaan ang mga tingin ko sa kanya... kasabay ang munting panalangin nakapunta samin ang "Hindi"
Nang ipakita ni Josh ang resulta, bigla akong kinabahan pa ng sobra. Dedepinsahan namin ay "oo"
Magsihanda na! Sa aking hudyat mauuna ang ang pangkat siyam.
Nagsibuntong hininga lahat ng kagrupo ko, si Paulo lang ang medyo kalmado.
Isa! Dalawa! Tatlo! Laban!!!
Oo! Nararapat lang Sapagkat tayo ay sinasanay ng paaralan na gamitin ang ang wikang ingles para sa mas malawak na kakayahan sa pakikipagkomunikasyon at kaalaman lalo na patungkol sa mga oportunidad na maaring matamasa natin sa hinaharap nasa taong 21st century na tayo kaya't nararapat lang ang ingles na gawing wika bilang kabuuan sa kolehiyo.
Entry ni pAulo.
Agad na sinagot ng kapwa lider sa kabila,
Hindi maaari! Di ako sangayon sa kaisipang iyan, dahil alam nating mababasura ang sarili nating wika, dapat balanse lamang ang gamit ng wika ng sa gayun, hindi tayo maging immoral sa wikang atin pero yung totoo kulang pa tayo sa kaalaman,kung sa tutuosin lang marami tayong ignorante sa mga malalalim na salita ng Filipino, napag-aaralan naman ang ingles sa labas ng paaralan, ang wika ay parte ng nasyonalidad kaya hindi ang aking tugon.
Agad tumugon ang isa naming ka-team, at ako ang susunod sa kanya.
Namulat na tayo sa wikang Filipino mula elementarya at hayskul at gamit na gamit natin ito, habang sa kolehiyo apat hanggang limang taon lang natin gagamitin, maikling pagtamasa lamang iyon pero hindi yun paglimot sa kinagisnan natin, sadyang demand na ngayon ang marunong sa ingles mas malawak na saklaw ang kayang abutin ng isang taong hasa sa Inglis Keysa sariling wika lang ang alam.
Hindi sapat na dahilan na porket demand ang ingles ay pababayaan na natin ang Filipino sa kolehiyo, tingnan nga natin nga sarili natin, walang na kaalaman sa mga mahihiwagang salita, kung ano lamang ang aTing batayan at alam ay nakatuon tayo roon. Hindi ba't mabilis nating natutunan ang mga aralin kapag wikang Filipino ng gamit sa liktura mabilis at malinaw ang pag-intindi sa mga ito, malaking tulong sa mga estudyanteng mas magkaroon ng mabilis na kaalaman hindi yung, ingles ang gamit sa iba lang agad agad na pumapabor, Kaya di ako sumasang-ayon. Sagot ng isang ka-team Nina josh
Hindi rin naman tayo mulat na mulat sa ingles diba? Magandang paraan to para painsayo tayo, at huli mas mabebenipesyuhan tayo ng malaki, at gaya ng sabi mo, pag nasanay na tayo sa wikang banyaga mas mabilis narin ang pag-unawa natin sa mga bagay bagay, Pag sa bahay tayo wikang Filipino na ang gamit natin, pagising sa umaga hanggang sa pang-araw araw na sistema, hindi pa ba sapat yun? kung padamihan ng pagkakamali sa gramatika madaming magwawagi, hindi rin lahat ng hayskul naging pundasyon ang ingles kaya mabuti ito,kung tutuusin dahil mas malilinang tayo, at hindi mag-aatubiling humarap sa kung sino mang dayuhan malakas pa tiwala natin sa sarili natin!
Grabe yung tapang na ipinakita ko, at kabado pa ako dahil di Josh ang dedepensaSinabi ng tanyag na manunulat na si George Orwell na “ang nasyonalismo ay ang pinakamalalang kaaway ng kapayapaan.” Ayon sa kaniya, ang nasyonalismo ay isang pakiramdam na ang sariling bansa ay mas higit na mataas sa iba sa lahat ng bagay. Sa kabilang dako, ang patriotismo ay isa lamang pakiramdam ng paghanga para sa isang pamamaraan ng pamumuhay.
Ang nasyonalismo ay nangangahulugang pagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa pagkakaisa sa larangang pang-kultura, kabilang ang wika at pamana. Ang patriotismo ay tumutukoy sa pag-ibig sa bansa, na may pagbibigay-diin sa mga pinahahalagahan at mga paniniwala.
Mas matimbang parin ang kulturang kinagisnan natin, wikang tinaguyod at pinaglaban ng ating mga bayani, kaya ipaglalaban ko rin sa labang ito ang di pagsang-ayon sa isyu. Hindi kailangang maging pangkalahatan ang ingles sa kolehiyo, Dahil sa huli mas pipiliin natin kung saan tayo komportable makipag-usap sa kapwa.
YOU ARE READING
1803 of Saying Iloveyou
FanfictionLife is to short to feel sorry, what you need is to enjoy and treasure every second, minutes and hours of our lives. Every drop counts. Hindi kita kakalimutan Josh, mahal na mahal kita, nag-promise kang hihintayin mo ko, Oo Cryza I promise..