9

2.1K 37 0
                                    

It feels so surreal for her to hug and kiss Kayden right now. Akala niya kasi ay hindi sila magkapareho ng nararamdaman but she was wrong. Mahal rin siya nito and now, they're officially together.

Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng binata at masaya siyang malaman yon. Hindi nga niya inakala na never itong nagkagirlfriend sa mga nakalipas na taon. Like seriously? Hindi manlang ito nagkagirlfriend at nanligaw ng ibang babae?

Siya lang yata yung kilala niyang lalaking ganon sa panahon ngayon. Pero on the good side, masaya siyang siya lang talaga yung minahal nito.

"I will still court you even if were now together agápį mou."

He whispered habang nakayakap ang mga kamay nito sa bewang niya at nakasandal naman siya sa dibdib ng binata. Dinig na dinig nga niya ang mabilis na tibok ng puso nito.

She feels so comfortable and safe right now which she never felt it with her first boyfriend before.

Kumportable naman siya sa first boyfriend niya noon pero parang hindi niya naramdaman ditong safe siya. Ngayon lang talaga habang kasama niya si Kayden.

"You'll do that?" She asked saka inangat ang tingin dito.

"Of course! I'll do everything for you agápi mou. I love you."

He's really the sweetest man she ever met and he is really different. Feeling niya nga ay parang oras oras siyang nahuhulog ng paulit ulit sa lalaki.

"Hmm.. I love you too." She whispered as she hugged him too.

She's really happy right now and she just hope na wala itong masamang kapalit. Ewan niya ba pero kapag nagiging masaya siya ay hindi niya mapigilang mag-isip ng kung anu ano. Lagi kasing ganito at ayaw niya ng ganong pakiramdam.

Mayamaya ay naisipan na nilang bumalik sa villa kasi maggagabi na at hindi pa sila nakakapaghanda para sa hapunan.

"I'll cook. Anong gusto mong pagkain?" She asked and he requested for a chicken adobo which she remembered na paborito nito.

Iniwan niya muna ito sa sala saka nagluto at mabuti nalang dahil kumpleto ang lahat kaya madali lang siyang natapos.

"Kayd lets eat."

Tawag niya rito na busy naman sa kakanood ng basketball sa tv. Akala niya ay tatayo na ito pero hindi manlang ito kumilos sa kinauupuan nito.

"Hey Kayd! Kain na tayo habang mainit pa ang pagkain." Ulit niya pero ganon parin ito at parang hindi siya narinig.

Napabuntong hininga naman siya saka nilapitan ito at tinawag sa endearment na gusto nito. Nahihiya kasi siyang tawagin ito sa ganon pero kailangan niyang masanay tsaka ginagawa naman niya ito noon so why not with Kayden?

"Love..kain na tayo." Malumanay na sambit niya at mabilis namang napalingon ang binata sa kanya saka tumayo at inakbayan siya.

"You should always calls me that okay?" Masayang sambit nito na ikinailing naman niya.

"Oo na po."

"Lets eat agápį mou."

Todo ngiting sambit nito sa kanya at sabay na silang kumain. Nang matapos ay hindi na sila lumabas ng villa sa halip ay nanood nalang sila ng movie gaya ng gusto niya hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya habang yakap ang binata.

Sa sumunod na araw ay namasyal sila ng binata sa buong lugar na sakop ng resort at inabot na sila ng gabi sa paglilibot. Malawak kasi ang lugar na sakop ng resort kaya natagalan sila sa paglilibot.

Mas maganda pala ang paligid kapag gabi at mas nakakadagdag pa sa ganda ng paligid ang maliwanag na buwan.

"This place is really beautiful love. Ilang taon na ba itong nandito?" She asked nang pumunta sila sa garden ng resort na pinuntahan din nila kaninang umaga. Ito kasi ang pinakagusto niyang lugar dito dahil madami itong mga iba't ibang halaman at bulaklak.

"Three and I'm really happy to know that you like what I've built."

"I really do but anyway..mukhang madami kayong guests ngayon ah. The pool area is almost full and also that mini bar area. Ganito ba dito lagi?" She asked nang magawi sila sa pool area kalaunan.

"Yeah especially on weekends."

"Wait! Is that a mini falls? Hindi ko yon nakita kanina ah."

"It is. Gus--"

Naputol naman ang sasabihin nito ng dumating ang general manager ng resort.

"Ahm..excuse me sir, can I talk to you for a while?"

"Why?"

"Tungkol lang po sa pinapagawa niyo kanina."

"Ah yeah. Agápi mou, I'll just talk to him for a while."

"Sure..doon lang muna ako sa may falls. Ichecheck ko lang saglit."

Tumango naman ang binata at hinalikan muna siya sa labi bago umalis.

Tinungo nga niyang mag-isa ang falls at bago siya makarating doon ay dumaan siya sa may mini bar area para makahingi ng bottled water.

"Good evening maam." Bati sa kanya ng iilang staff na mukhang kilala na siya.

"Good evening, uhm..can I have a bottled water please?"

She asked and one of the staff nodded saka kinuhanan siya ng tubig.

"Thank you." Pagpapasalamat niya saka tumuloy na sa kanyang pupuntahan.

Pero bago paman siya makarating sa tapat ng falls ay may tumawag sa pangalan niya.

"Kerra!!"

Nagtataka naman siyang lumingon at nagulat siya nang makita kung sino ito.

"I knew it! It's really you!"

Sambit nito at akmang yayakapin siya ng agad siyang umiwas dito.

"Don't you dare touch me Peterzen." She coldly said saka lumayo dito pero agad siya nitong nahawakan ng mahigpit sa braso.

"No please. Lets talk. I've been looking for you everywhere! Ang sabi ng Tita at nang pinsan mo ay naglayas ka daw sa inyo. How are you? Where are you staying right now? I'm so worried babe and sorry if I wasn't around for the past months."

"Wow! Really? You're worried? Then why aren't you around when I needed you the most? Nasaan ka noong mga panahong tinatawagan kita pero ni isang sagot wala akong nakukuha? You know what Peterzen, I don't care about you anymore. Masaya na ako ngayon kaya please lang umalis ka na sa harap ko." She said saka itinulak ito pero hindi ito pumayag.

"No no..thats not true babe. I love you and I'm so sorry okay? Nagkaproblema lang sa pamilya ko kaya hindi ako nagpakita sayo but I'm here now. Hindi na kita iiwan. Mahal mo parin ako diba?" Sambit ng lalaki pero umiling siya.

"My love for you already faded away Peterzen at kung talagang mahal mo ako, pinaalam mo sakin kung ano ang nangyayari sayo hindi yung iiwanan mo nalang ako sa ere. You're too late Peterzen kaya tanggapin mo nalang na hindi na tayo pwede. I love someone and thats not you."

"No! Wait Kerra!! Nagsisinungaling ka lang diba? Ako lang yung mahal mo---"

"Peter! Nandito ka lang pala! Hinahanap ka na ng anak natin!"

Dinig niyang sambit ng may isang babaeng hindi pamilyar sa kanya.

So thats the reason why iniwan siya nito noon. That hurts tho hindi na masyado kasi hindi naman na niya ito mahal. He's maybe her first love but that doesn't mean na may feelings pa siya para dito.

"What the hell Ariane! I told you to not bother me at hindi ko na kasalanan na dinala mo dito ang batang yon para lang bumalik ako sayo!"

Napailing nalang siya sa sinambit ng lalaki at nakakaawang tiningnan ang babae. She can see that the woman really loves this man but she knows Peterzen. Kapag ayaw nito sa isang tao ay ayaw niya talaga. Hindi parin talaga ito nagbabago at kawawa lang ang babae pati ang anak niya.

------------

Peterzen aka Peter is here!

Just comment sa mga nakakakilala sa kanya. 😄😄

Butterfly Effect (Kayden Trey Howells)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon