21

1.7K 34 0
                                    

Kung panaginip man to ngayon ay ayaw na niyang magising pa. Matagal na niya itong pangarap kaya kung hindi ito totoo ay mas pipiliin niyang hindi nalang magising.

But this is real. Totoong totoo ito and she never felt this contented and happy in her entire life up until now. Hindi niya man maintindihan kung paanong nasa tabi niya ang magulang niya ngayon ay masaya parin siya dahil kasama niya ang mga ito.

"Don't cry darling. Your make up will be ruined sige ka."
Sambit ulit ng mommy niya habang marahan nitong pinupunasan ang mga luha niya.

"We are so sorry for everything anak. Akala kasi namin ay yon ang tamang gawin para sa magandang kinabukasan mo pero nagkamali kami. Maling mali at ikaw ang nagdusa ng lubos ngayon." Anang ina niya sa kanya.

"Mom.."

"Alam naming kalabisan ito pero sana ay mapatawad mo pa kami ng mommy mo anak hindi man ngayon pero sana balang araw. Marami kaming pagkukulang sayo at alam kong hindi sapat ang isang sorry lang. Namiss ka namin ng sobra anak. Miss na miss." Sambit naman ng ama niya.

"Dad.."

"You know what darling, we are really proud of you. Sobrang proud kami sa lahat ng mga ginawa mo simula pa noon hanggang ngayon. Hindi lang namin masabi sayo pero yon ang totoo at patawad kasi wala kami sa mga panahong kailangan mo kami ng lubos. We love you so much anak." Dagdag naman ng mommy niya and she smiled because of that at siya naman ngayon ang yumakap sa mga magulang niya na ikinagulat naman ng mga ito.

"Namiss ko rin po kayo ng husto mom, dad at masaya ako na nandito kayo ngayon. I never expected that you guys will be here today but I am very very happy to see the both of you. Mahal na mahal ko po kayo at bakit ko pa po kayo paghihintayin para mapatawad ko kayo kung pwede naman ngayon. I've been waiting for this to come and just a simple sorry and a hug from the both of you is enough."

"Oh darling! Bakit sobrang swerte naming naging anak ka namin ng daddy mo? Hindi ka namin napalaki ng maayos but look at you, its the opposite. You grow up so kind and a very loving daughter."

"Your mom is right tsaka anak..pasensya na at nakaranas ka ng hindi maganda habang wala kami. Alam naming sinaktan ka ng Tita Dana mo at sobra kaming nagsisisi na iniwan ka namin sa kanya sa kabila ng panloloko niya. Pinaikot niya tayo sa mga kamay niya at nagsisisi kaming pinagkatiwalaan namin siya ng husto."

"Hindi niyo po kasalanan yon ni mommy dad pero ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Ang tita Dana mo ang punot dulo ng lahat ng ito at dahil sa kanya kaya kami nakulong. We are really not planning to do that aweful thing pero pinagbantaan kami ng tita mo at idadamay ka niya at papatayin thats why wala kaming nagawa kundi sundin siya. Malakas ang kapit niya sa sindikato kaya natatakot kaming baka totohanin niya ang banta niya."

"What?? She's the reason of everything that happened? Thats why I didn't believed on everything na binibintang nila sa inyo pero may ibidensya sila kaya hindi na ako non nacomplain pa. How can she do that to us? To you? Napakasama niya talagang tao!"

"She is and she really put all the blame on us at pati negosyo natin ay dinamay niya pa. We worked hard on building that but in just a snap ay bigla nalang itong bumagsak. But thanks to that man. He made every possible way to saved it and honestly, I am very thankful that he also saved us from all the chaos that happened in our life. Inspite of what I did to him before ay hindi siya nagdalawang isip na tulungan tayo kasi ganon ka niya kamahal." Sambit ng mommy niya at naguluhan naman siya.

"What do you mean mom? Whose he?"

"Your soon to be husband darling. He is the one who saved our company. Nang nalaman niya ang balita tungkol sa amin ay gumawa siya ng paraan para makuha ang kumpanya. Akala namin noon ay gusto niya lang maghiganti at ipamukha sa amin ang ginawa namin noon sa kanya but its not kasi gusto niya tayong tulungan. He even told us na siya na ang bahala sayo at hindi ka na maghihirap. Akala nga namin ay nagkita na kayo pagkatapos noon kasi umuwi ka dito pero hindi kasi nagkaroon din ng problema sa pamilya nila at napunta ka nga sa tita mo."

"And you know what anak, siya din ang tumulong sa amin para mapawalang sala kami sa kaso namin. Malaki ang utang na loob namin sa batang yon at sobrang nagpapasalamat kami kasi tinupad niya ang pangako niyang aalagaan ka niya. He even saved you from your Tita Dana's wrath thats why we know that your in good hands now."

After what she heared ay napaiyak na naman siya dahil sa tuwa. She really heared it right?

Trey really did all of that?? How can she be so lucky to have him in her life? In their life??

Ni hindi sumagi sa isip niya na kayang gawin iyon ng binata at tama ang mommy niya. Sa kabila ng ginawa ng mga ito sa kanya ay nakaya parin nitong tulungan ang mga magulang para mapawalang sala sa mga binibintang sa mga ito at para isalba ang kumpanya nila.

Kaya pala sobra itong abala dahil ang dami dami nitong tinatrabaho bukod sa sariling negosyo nito.

Kung nandito lang ang binata ay kanina niya pa ito niyakap at hinalikan.

"Am I lucky didn't I mom, dad?"

"You both are lucky princess tho in this time, you can't easily found a man like him. He is really persistent and a very hardworking man."

"He is dad. But anyway, since when did you two got out? Tsaka saan kayo naglalagi ngayon?" She asked

"Actually, we are staying at one of his house. Ayaw niya kasing bumalik pa kami sa dati nating tinutuluyan kasi baka balikan kami ng Tita mo."

"I'm glad you didn't go there and he is right. Kahit ako man ay ayaw ko na kayong bumalik pa don."

"Yeah..now lets get going at naghihintay na siya sayo."

Masaya naman siyang tumango at inayos muna ulit ng mommy niya ang kaunting nagulo niyang mukha bago sila umalis patungong simbahan.

She really can't wait to see Trey and say everything that she wanted to say.

"Wait mom, dad. May sasabihin po pala ako sa inyo."
Sambit niya sa mga ito habang nasa sasakyan sila papunta sa simbahan.

"What is it darling?"

"You guys are going to have a grandchild soon." Sambit niya at napasigaw naman ang daddy niya dahil don.

"What?? You are pregnant?"

"Yes po."

"That man! Ang sabi ko pagkatapos muna kayong makasal pero binuntis ka na pala!"

"Daddy..wag ka na pong magalit tsaka hindi pa niya alam to. I will going to suprise him gaya ng pagsorpresa niya sa akin sa inyo kanina."

"Okay okay fine, hindi na. Kayo talagang mga bata kayo nako!"

"O siya siya hon at nandito na tayo." Sambit ng mommy niya sa kanya.

This is it!

"Ready princess?"

"Yes Dad."

At dahil nandito ang mga magulang niya ay ang mga ito na ang maghahatid sa kanya sa altar na parang kahapon lang ay nais niyang mangyari and now it really is happening.

Everyone's eyes were on them dahil bukod sa maraming natutuwa na makita siya ay marami rin ang nasorpresa ng makitang kasama niya ang mga magulang niya.

-----------

Butterfly Effect (Kayden Trey Howells)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon