15

1.9K 31 0
                                    

After they talked ay inaya siya ng Tita at pinsan niya na kumain sa labas. Hindi naman siya tumanggi kasi oras narin nang tanghalian tsaka mamaya pa naman siya susunduin ni Kayden kasi may trabaho pa ito.

"By the way hija, napag-alaman kong binenta daw ang kumpanya niyo. Alam mo ba kung sino ang nakabili?" Her Tita asked at umiling naman siya.

"Hindi po eh kasi nang nakauwi na ako dito ay may bumili na. Hindi ko narin po kasi nakausap si Attorney bago siya umalis papuntang Amerika. Hindi rin ho nabanggit nina mom kung sino kasi hindi rin kami nakapag-usap ng maayos."

"Why do you want to know mom?" Her cousin asked his mom.

"Yung Daddy mo kasi balak sanang hanapin ang bagong may-ari para makipagnegosasyon. Matagal na kasi niyang gustong mag-invest sa company ng Tito mo pero hindi pumayag si Ate sa gusto niya."

"Sana sinabi niyo sakin Mom para natulungan ko si Dad."

"You can still help him son." Sambit naman ng Tita niya.

While they are eating ay panay kwentuhan nilang tatlo. They are really catching up dahil narin sa mahigit sampung taon narin silang hindi nagkikita.

Simula kasi nang hindi na kinilala ng mommy niya ang Tito Zandro niya na siyang ama naman ng pinsan niya ay wala na siyang naging balita sa mga ito. Half brother kasi ng mommy niya ang Tito Zandro niya at pamilya talaga ang turing niya dito hindi gaya ng parents niya. Mabait din ang Tito Zandro niya gaya ng Tita Jelian niya at simula pa noon ay itinuturing na niya itong mga pangalawa niyang magulang.

"Si Papa nga po pala nasaan?"

"He's in the states at bukas pa siya makakauwi. Nasabihan ko na siyang nakita ka na namin kaya bukas ay dumalaw ka sa bahay para magkita kayo. Namimiss ka narin ng papa mo."

"I will ma at isasama ko si Kayden."

"I don't think he can baby because I've heared that he has a business conference in Ilocos. Mukhang hindi niya yata nasabi sayo."

"Hindi nga talaga." Sambit niya at sumagi sa isip niya na may sinasabi si Trey sa kanya kagabi pero nakatulugan niya na ito at hindi narinig.

"Speaking of him, he's here." Sambit ng Tita at may inituro sa likuran niya.

"Love!" Masaya niyang sambit saka sinalubong ng yakap si Trey.

"Miss me?" Anito at tumango naman siya saka napangiti ng mabilis siya nitong hinalikan sa labi.

"Ahemm!! Baka nakakalimutan niyong nandito pa kami?" Sambit ng pinsan na sinamaan naman niya ng tingin.

"Hi Tita, thank you for inviting me here."

"You're welcome hijo and besides may kailangan din akong sabihin sayo. Anyways join us." Anang tiyahin saka tinawag ang waiter para mag-order ng pagkain para kay Trey.

"You're not busy? Ang sabi ni Kuya aalis ka raw?"

"Not really and besides it's lunch time. And about that, napostponed ang business meeting next week."

"Is that so? Akala ko matutuloy ka talaga. Balak ko nga sanang magstay kina mama habang wala ka."

"Why? You still can stay there if you want. Hindi naman kita pipigilan kung gusto mo. Right Tita?"

"Oh I would love that hijo and besides namimiss ko nang makasama itong pamangkin ko."

"Are you sure?" Tanong niya ulit dito

"Of course agápi mou."

Napangiti naman siya saka nagpasalamat.

"Thanks love!"

"Anything that will make you happy." Anang binata na mas lalo pang nagpangiti sa kanya. Ilang beses na ba niya nasabing ang swerte niya dito?

"Aww..you guys were so sweet. Naalala ko tuloy ang kabataan namin ng tito niyo." Sambit ng Tita niya na mas lalo pa niyang ikinangiti.

"Respeto naman sa single dito guys."

"Whatever anak at wag kang bitter."

"I'm not bitter mom! Tsk. Mauna na nga ako sa inyo! Kailangan daw ako sa company sabi ni Calla!"

"Weh?? Gusto mo lang makita yung assistant mo eh!" Pagbibiro niya pero ang loko ngumisi lang sa kanya. Mukha yatang type nga ang assistant niya. Kaya siguro hindi ito masyadong naapektuhan kanina, pero kawawang Amanda. Ang arte din kasi.

"I'll go ahead. Love you guys!" Lokolokong sambit nito at nagpatuloy na nga sa pag-alis.

"Ang batang yon talaga hindi matigil sa isang tabi. O siya siya at kumain na ulit tayo. Hayaan niyo na si Jeffrey sa gusto niya."

"Hindi kayo galit ma? Tsaka diba pinagkasundo niyo siya kay Amanda?"

"We did but it's up to them if they'll continue it or not."
Napakibit balikat nalang siya then nagpatuloy narin sa pagkain.

Hindi na siya makikisali dahil sa tingin niya eh nagawa na niya ang parte niyang tumulong, tho hindi siya sigurado kung tulong nga ba talaga yon.

Nang matapos silang magtanghalian ay nagpaalam na siya sa Tita niya para umuwi.

"Basta yung sinabi ko pag-isipan mo ah? I need your answer as soon as possible."

"Sige po ma. I'll call you if I'm already decided." Aniya saka niyakap muna ito bago sumakay sa sasakyan ni Kayden.

"Anong pinag-usapan niyo ni Tita?" Trey asked nang makarating na sila sa bahay nito.

"They want me to come back in their company."

"Come back? Why? Did you work on them before?" Trey cluelessly asked na ikinataka naman niya. Nakalimutan ba niya or maybe he doesn't know?

"They are the owner of Lewison Shoe's and Bags, hindi mo ba alam?"

"Oh really? I don't know that they own that. Ang alam ko lang kasi ay yung Lewison Construction."

"Seriously love? Hindi mo talaga alam?"

"I really don't and besides I'm too busy on my own company para alamin ang mga pag-aaring kung ano ano ng mga kaibigan ko."

"What kind of friend are you love? Buti at natitiis ka pa ng mga kaibigan mo?"

"Well..I can't blame them. This is me so they should accept what am I. But don't worry agápi mou, I am a change man now because of you so maybe I can be a better friend to them from now on."

"Oh yeah, I hope you are. But anyway love, okay lang ba sayong doon nalang ako magtrabaho at hindi ko na ipagpatuloy yung pagtatrabaho sayo?" She asked at lumingon naman sa kanya ang binata.

"It's up to you. Ano bang gusto mo?"

"Well..ahm..I want to help them kasi kailangan daw nila ako and besides, they're my family. So yeah..I want to work there again."

"Then it's a yes. Hindi naman kita pipigilan sa mga gusto mong gawin. As long as your happy, I will be happy for you too." Masaya naman siyang tumango at niyakap ang binata.

"Thank you so much love pero papayag ka ba talagang doon muna ako kahit ilang araw lang?"

"Oo naman at bakit hindi. They're you're family and you're safer there than here habang wala ako."

"Oh love! You're really are the best!" Sambit niya ulit saka pinaghahalikan ang binata sa pisngi na ikinatawa naman ng huli.

At ganon nga ang nangyari ng mga sumunod na araw. She stayed at her cousins house at nagtatrabaho narin ulit siya sa kumpanya ng mga ito.

Masayang masaya siyang kasama niya ulit ang mga ito pero sa loob nang mga araw na hindi niya nakasama si Trey ay namimiss na niya ito ng husto. Sa susunod na araw pa kasi ang balik nito galing sa business trip kaya hindi rin muna siya nagbalak na bumalik sa bahay nila.

Nagkakatawagan din naman sila pero iba parin kapag kasama niya ito lagi.

-------------

Butterfly Effect (Kayden Trey Howells)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon