1

3.8K 50 0
                                    

The brat among the brats, thats what they always call to Kerra. She's a princess thats why she can like and do all the things that she wants. What Kerra wants Kerra gets. Hindi naman siya ganito pero gusto lang niya ng atensyon ng mga magulang kaya ganito siya. But, everything changed nang makulong ang mga ito at walang iniwan sa kanya kahit ni isang kusing kung hindi puro utang sa bangko at sa iba pa mga inutangan nang mga ito.

She's devastated because of that at wala na siyang nagawa kung hindi ang umuwi sa Pilipinas at hindi na ipagpatuloy ang pangalawang kurso sanang kukunin niya. She just cant support herself and now tsaka hindi naman niya talaga gustong kumuha pa ng business course.

Sa ngayon ay wala na rin siyang magawa kundi ang mamuhay mag-isa at magpakaalila sa kapatid ng kanyang ama na siya ngayong namamahala mansyong pag-aari ng ama niya.

Ang mansyon nalang ang tanging natitirang pag-aari nang mga magulang niya pero dahil nga ang tiyahin na ang namamahala doon ay pinayagan siya nitong manatili kapalit ng pagsilbihan ang mga ito. May utang daw kasi ang ama sa kapatid nito at siya at ang mansyon nila ang magiging kabayaran non.

Maski kasi yung kumpanyang itinayo ng mga magulang niya ay ibinenta na at iba narin ang nagmamay-ari nito ngayon kaya wala rin siyang ibang mapagkukunan para mabuhay siya.

May naipon naman siyang pera galing sa mga pinapadalang allowance sa kanya noon pero hindi niya pwedeng galawin iyon kung hindi kinakailangan.

"Kerra!! Luto na ba ang pagkain??"

Sigaw ng Tita niya galing sa itaas ng bahay at mukhang pababa na ito.

Byuda ang tiyahin niya kaya mainitin ang ulo at yung nag-iisang anak naman nitong babae ay wala ring puso at inaalipusta din siya.

"Handa na po Tita!"

Sigaw din niya dito at hinain na ang mga niluto niyang pagkain sa lamesa.

Mabuti nalamang at marunong siyang magluto kung hindi baka kung ano nalang ang gawin sa kanya ng tiyahin.

"Ano to?? Bakit ito lang?? Nasaan ang ham at bacon na paborito ni Darlene?"

Sigaw ng Tita niya.

"Kasi po yan nalang ang natirang stock na pwedeng lutuin Tita."

Pagdadahilan niya.

Kung katulad lang siguro siya ng dati ay baka sinigawan niya rin ito pabalik. Ayaw na ayaw niya kasi sa lahat ay yung sinisigawan siya pero wala na siyang nagawa pa kung hindi ang magsunod sunuran at magpakabait.

"So ako pa ang mamomroblema don?? Bakit hindi ka magrocery? Napaka walang kwenta mo talaga!"

"Eh kasi Tita..wala naman po kayong binibigay na panggrocery sa akin."

Pagdadahilan niya ulit.

"Aba't! Bastos kang bata ka ah! Sinasagot sagot mo na ako ngayon?"

Galit namang sambit niya tiyahin at napayuko nalang siya saka palihim iting sinamaan ng tingin.

"Sorry po." Labas sa ilong na sambit niya.

Mayamaya ay tinapunan siya ng pera ng tiyahin niya.

"Hayan at maggrocery ka ngayon din! Siguraduhin mo na yung bibilhin mo ay kakasya sa isang lingo maliwanag?!" Anito at hinagis sa kanya ang dalawang libong piso.

Two thousand for a week of our food?? She got to be kidding me!

Sa isip niya at nagmadali nalang na umalis sa harap ng tiyahin niya. Baka abutan pa siya don ng malanding pinsan niya at ayaw niyang makipagsagutan dito.

Butterfly Effect (Kayden Trey Howells)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon