5

2.5K 59 0
                                    

Nang makaakyat sa 17th floor ay lakas loob siyang kumatok sa opisina ng Head Designer na si Ms. Amanda.

Wala kasi ang sekretarya nito sa labas at mukhang nandoon ito sa loob at kausap ang boss.

Mas dumoble naman ang kaba niya ng bumukas ang pintuan at ang sekretarya nga ng babae ang bumungad sa kanya.

"Ahm..Hi miss. Pwede ko bang makausap si Miss Amanda?"

"Sino ang nanjan Hana?"

"Si Ms Henly po Ms Amanda."

"Let her in at iwan mo muna kami."

Dinig naman niyang sambit nito at nginitian naman siya ng sekretarya.

"Sige po. Pasok ka na raw Ms."

"Sige, salamat."

Pagpapasalamat niya at pumasok na nga sa loob ng opisina.

"Where have you been Ms Henly! Ilang beses kitang tinawagan pero hindi kita makontact! Ano nangyari sayo at bigla ka nalang nawala?"

Pagtatanong nito sa kanya kaya humingi naman siya ng pasensya at ipinaliwanag ang lahat ng nangyari sa kanya.

"Nagkaproblema ho kasi sa bahay maam--"

"Cut it and whatever your reason is, I don't care! You're so unprofessional and I'm so sorry to inform you but your contract is already void! We have rules here at kung una pa lang ay hindi mo na nagagawa ang trabaho mo ay wala akong magagawa kung hindi ang tanggalin ka."

"Po? Pero maam..may rason naman po ako kung bakit hindi ako nakapasok. Tsaka kailangang kailangan ko lang ho ng trabaho ngayon at yung inadvance niyo sa akin ay hindi ko ho yon mababayaran sa inyo."

"What I said is final Ms Henly. And about that advance payment, it's okay kung hindi mo mabayaran. Kasalanan ko naman kung bakit ko ibinigay agad iyon. Tsk. You can go now."

"Pero maam---"

"I will not repeat what I've said and just go. We doesn't need you here."

She harshly said na ikinasakit naman ng damdamin niya.

"Sorry po sa abala."

Tanging nasambit niya saka iniwan na ito at nang makalabas ay malungkot siyang bumalik sa sasakyan ni Kayden at hindi na niya napigilang umiyak.

Bakit sobrang lupit ng tadhana sa kanya? Tsaka ansama naman ng babaeng yon. Ni hindi manlang siya pinagpaliwanag.

"Hey..what happened?"

"T-They fired me."

Naluluha paring sambit niya kaya inalo naman siya agad ng lalaki.

"I'm sorry to hear that."

"Kayden bakit ang unfair? Hindi ko naman kasalanan na mabugbog at maospital ako pero bakit tinanggal parin nila ako?"

"It's their loss and not yours Kerra."

Panay lang ang iyak niya at nang mahimasmasan siya ay hindi niya napigilang sabihin ang sentimiento niya dahil sa nangyari.

"Paano na ako ngayon Kayden? Mukhang matatagalan pa bago kita mabayaran." Aniya at napailing naman ito sa kanya.

"Actually, you don't need to pay me in the first place and all you have to do is to be safe."

"Pero Kayden, hindi yon pwede. Ang utang ay utang at babayaran ko yon sayo kahit na anong mangyari."

"Okay okay..if thats what you really want. But can you look for another job right now?"

"I don't know. Hindi ko nga alam kung may tatanggap ba sakin."

Butterfly Effect (Kayden Trey Howells)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon