Wakas

3K 58 4
                                    

Looking back from his past makes him smile right now. Kung siguro katulad parin siya ng dati na parang pasan ang mundo ay hinding hindi niya iisipin ang ngumiti o tumawa manlang. All thanks to his wife na naging kulay at liwanag sa kanyang madilim na mundo.

Naalala na naman niya tuloy ang unang pagkikita nila sa kanilang probinsya.

"Anak, pwede bang ikaw na ang maghatid nitong mga gulay sa mansyon ng mga Henly? Wala kasi ang tatay mo kasi kailangan siya sa bukid."

"Sige po Nay. Ako na po ang bahala."

"Salamat anak. Ibigay mo ito kay Ate Isay mo at kunin mo narin sa kanya yung bayad."

"Opo, sige po aalis na ako."

"Mag-iingat ka."

Malapit lang ang mansyon ng mga Henly kaya hindi naman siya nahirapan sa pagdadala ng mga order na gulay at makakabalik naman siya agad sa kanila.

"Salamat sa paghatid mo Treytrey at pakisabi sa nanay mo na sa susunod na araw ulit."

"Opo at salamat din po dito sa libreng tinapay."

"Walang anuman!"

Pagkalabas niya sa likurang bahagi ng mansyon ay tatakbo na sana siya pauwi ng biglang may bumangga sa kanya galing sa likod.

"I'm so sorry! Hindi ko sinasadya." Sambit ng nakabunggo sa kanya at nang tingnan niya kung sino ay nakita niya ang nag-iisang anak na prinsesa ng mga Henly.

"Ayos lang hindi naman ako nasaktan pero ikaw? Ayos ka lang ba?" Nahihiyang sambit niya at hindi halos matitigan ang dalagita.

"Ah oo ayos lang ako." Nakangiti nitong sambit dahilan para mapatitig siya dito.

Ang ganda ganda pala nito sa malapitan at tama nga ang sinasabi ng iba. Mabait ito hindi gaya ng mga pinsan niyang masasama ang ugali. Mukha itong anghel at mistula itong mga paru parong malayang lumilipad sa iba't ibang bulaklak na hindi mo kayang ignorahin.

Hindi naman niya maiwasang magtanong lalo pa at nagtataka siya kung bakit nandito ito sa likuran ng kanilang mansyon.

"Bakit nandito ka sa likod ng bahay niyo tsaka bakit ka tumatakbo kanina?" He asked kahit nahihiya.

"Ha? Ah ano kasi. Wag kang maingay ah? Tumakas lang ako sa bahay kasi ayaw nila akong palabasin. Gusto ko lang namang maglaro sa ilog." Anito habang panay ang lingon sa gawi ng mansyon.

"Pupunta ka sa ilog nang mag-isa? Baka mapano ka."

"Oo eh tsaka wala namang ibang sasama sa akin. Sige ah! Baka mahuli pa nila ako!" Paalam nito pero agad niya itong pinigilan.

"Teka sandali!"

"Bakit?" Mahinhin nitong sambit sa kanya.

"Delikado ang ilog kaya..ano.. okay lang bang samahan kita?"

"Talaga? Sige tara!" Masaya naman nitong sambit at ito pa mismo ang agarang humila sa kanya paalis.

At doon nagsimula ang pagkakaibigan nila hanggang sa nagkahiwalay sila ng landas nang umalis ito at dinala ng mga magulang sa siyudad.

"Dude! Hindi ka parin ba titigil sa kakahano jan sa mystery girl mo? Andaming babae jan o, bakit hindi nalang sila ang pagtuunan mo ng pansin?" Sambit ng isang kaibigan sa kanya habang nasa isang bar sila at nag-iinuman.

Bigo na naman kasi siya sa paghahanap sa dalaga at kahit may kakayahan na siyang hanapin ito ay hindi parin niya mahanap hanap.

"They are nothing compared to her f*cker. I know one day makikita ko siya kaya hindi ako titigil na hanapin siya." Aniya sabay tungga ng alak.

Butterfly Effect (Kayden Trey Howells)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon