Dear diary,
Swimming without water.
Yan ang gawain ng mga libero o diggers sa loob ng isang volleyball court.
Sila ung mga swimmers na wala sa swimming pool.
Kasama ng mga blockers, sila ang bahala sa defense system ng team.
Usually, sila ang kumukuha ng first ball at binibigay sa setter.
Pwede silang lumabas at pumasok ng court whenever they are needed. Kahit na hindi na tumawag ng substitution.
Sila ung nag-iisang player sa team na iba ang suot na jersey, madalas ung other color ng uniform ng team. Special sila.
Mabibilis, maliliksi at magagaling magdive ang mga libero.
Usually, maliliit ang mga libero pero di naman lahat. Kadalasan lang.
Pwedeng ihalintulad sa pointguard sa basketball ang libero sa volleyball (para sa akin lang ha).
Pareho kasi silang mabilis, maliksi at parang lightning sa court. Pareho rin silang (usually, but not all the time) maliliit.
A libero avoids only one thing: letting the ball hit the ground.
Dahil kapag nangyari yun, game over na. Tapos na ang rally. One life lost.
Hindi ganun karami ang life sa volleyball. 25 lang ang pinakamataas. Maliban nalang sa deuce. Kaya every life matters.
Kaya, a one successful dig can turn the play around.
It's as important as any other move. Usually it's the first ball nga pala.
******
Kasama namin sina Faye at Keri na pumunta sa MIU para kumuha ng application forms at requirements para sa entrace exam.
Dahil mabilis naman naming nakuha, pumunta muna kami sa gym kung nasan ang wvt ng MIU.
Bibisitahin namin si ate Garie na dito rin nag-aaral at kasali sa wvt ng MIU.
"Ate Garie!!!!!" Sabay sabay naming sigaw nung makita namin siya.
"Uy! Anong ginagawa niyo dito?"
"Balak kasi naming magtake ng entrance exam dito ate. Bigyan mo naman kami ng tips. Mahirap ba ung exam?" Pangungulit ni Marz. Tumawa naman si ate Garie.
"Kaya niyo yun! Nakaya ko nga diba? Congrats nga pala Martha! Balita ko 1st honorable mention ka raw nung graduation."
"Nakow. Tsamba lang yun ate. Haha." Nahihiyang sabi ni Marz.
Asus. Pahumble pa tong bff ko.
Pinakilala kami ni ate Garie sa mga teammates niya. Siya na rin pala ang team captain ng team nila. Ibang klase talaga tong si ate Garie. Kaya idol ko talaga siya.
Nanuod kami habang hinihintay si ate Garie na matapos sa practice nila. Niyaya niya kasi kami na kumain sa resto ng kaibigan niya. Treat niya raw. Kami pa ba ang tatanggi?
"Ang galing nung libero nila. Grabe ung coverage. Kahit nablock nahabol pa rin." Sabi ni Keri na tuwang tuwa sa panunuod.
"Siguro, grabe ang training nila. Doble siguro sa training natin no?" -Faye
"Syempre! Ibang level na ang college, malamang hindi lang doble, baka 4 times pa! Kaya siguro mas sumeksi si ate Garie ngayon." Sabi naman ni Marz.
"Pero magaling ka rin kaya Faye."
"Hay naku, Lili. Kung magaling ako, edi sana nakuha ko ung mga bola na bumalik sa court natin pagkablock sayo. It's not your fault na mablock ka. It's my fault for not saving the ball and letting you have another chance at it."
BINABASA MO ANG
Spike My Heart (NBSB Diaries Book 1) EDITING/ONGOING
RomanceIsang certified NBSB, Lili has always been in pursuit for her one true love at nakita niya yun sa katauhan ni Stephen Torredes. Because of him, Lili wanted to be better, opt to be better para pag nagkita sila ulit, she can confess her true feelings...