Dear diary,
Sino bang may sabi na hindi pwedeng maglaro ng vb ang mga taong hindi marunong magvb?
There is always a first for everything diba?
May mga tao ngang nagluluto kahit di marunong, mga taong naiinlove kahit di marunong...volleyball pa kaya?
It's just a matter of wanting something. Kung gusto mo maglaro, why not? Kung gusto mong pumalo ng bola o magdive sa lupa, why not?
Dun ka naman masaya eh.
Jungle ball o picnic volleyball ang tawag sa isang vb game kung saan may mga kasali na hindi marunong o walang alam sa vb.
Mas exciting at thrilling maglaro sa isang picnic volleyball. Masaya lang. Parang nagpipicnic lang talaga. Chill lang. Walang pressure, di kagaya kapag official games.
Kapag laro-laro lang kasi, mas maeenjoy mo at makikita ang essence ng game.
May kasama kasing nerves at bigat kapag offical tournaments. Kaba plus nerves...hay. Ibang klase. Mas mataas pa sa rugby at marijuana. Nakakahigh.
Sabi nila mahirap daw ang volleyball. (Hindi kaya! *sabi ng babaeng halos sumuko na rin dati)
Oo mahirap sa una. Pero fulfilling kapag natuto ka na.
A little something new out of your comfort zone can spice up life a little bit.
Kaya don't be afraid of venturing into something new.
Replace your fear of the unknown with curiosity.
And be as free as a bird.
****
Jungle balls, jungle balls, jungle all the way
Oh what fun it is to play
When you don't know anyway
Hey!
Monday na. It's the most awaited volleyball T-camp! Excited na ako.
Kaninang 4 am pa ako nagising kahit na 7am pa ung call time namin.
5:30am ready to go na ako. Di masyadong excited diba?
Naihanda na rin ni kuya Dam ung baon ko bago pa siya umalis kanina para sa trabaho.
Ang bait talaga ng kuya ko!
"Oh? Liit? Aalis ka na?" Papungas pungas pa si ate Cyn na lumabas sa kwarto niya.
"Mamaya pa ate. Naghahanda lang. Bakit gising ka na?"
"Naalala ko kasing pinapalabas pala ni Tantan ung itim niyang bag kagabi."
"San pala un?"
"Hay. Andun natulog sa kaklase niya. May pupuntahan atang training camp at maaga pa aalis. Ilang araw na ung naghahanda pero heto nga, may naiwan pa rin."
"Asa ka pa dun te. Ako nalang magbibigay pagdating niya. Tulog ka na po ulit."
"Sige liit. Salamat. Ingat ka dun sa pupuntahan mo ah? Tahimik ang bahay lalo na at sabay pa kayong mawawala ni Tantan."
"Kayanga. Buti nalang magkaibang training camp ang pupuntahan namin. Magulo ang buhay kapag kasama ko siya eh!"
Mga 6:30am narinig ko na ang katok sa pinto.
Nagulat pa ang loko ng makita ako.
"Bakit ikaw? Asan si ate Cyn?"
"Aarte pa? Buti nga pinagbuksan ka pa. Eto oh, bag mo. Makakalimutin ka na talaga. Pinatulog ko na si ate Cyn. Inistorbo mo pa. Wala ka talagang hiya."
BINABASA MO ANG
Spike My Heart (NBSB Diaries Book 1) EDITING/ONGOING
Storie d'amoreIsang certified NBSB, Lili has always been in pursuit for her one true love at nakita niya yun sa katauhan ni Stephen Torredes. Because of him, Lili wanted to be better, opt to be better para pag nagkita sila ulit, she can confess her true feelings...