Day 5 : Feint

5 0 0
                                    

Dear diary,

Madalas akong malinlang ng mga feint attacks kapag nasa front row ako at nagbablock.

Ang feint daw, ayun sa dictionary ay

...is a deceptive or pretended blow, thrust or other movement.

It can also be described as a distracting movement in a match.

In short, isa itong sneak attack. Gagawa ka ng isang atake na hindi inaasahan ng kalaban mo.

Like in volleyball, akala mo, magsaspike ang attacker, tapos biglang feint pala at imbis na spike, itutulak niya lang ng konti ang bola sa isang free space na makikita niya.

Minsan kasi kapag nakikita ng attacker na di kayang pumasok ung spike niya, at may opportunity siyang nakita sa court ng kalaban, mas magandang gumamit ng ibang klaseng attack.

A spike isn't always the final blow.

Even setters can earn points using feints.

Akala mo magsiset sila, pero yun pala, they will take it in their hand and score the point.

Dahi malapit ang mga setters sa net at usually, hindi binabantayan ng mga blockers dahil hindi sila inaasahang umatake, madali ang gumawa ng feint. At madalas mataas ang success rate nito sa kanila.

Kaya hindi naman masamang paminsan-minsan manloko ka.

Sometimes, deceiving someone has its own benefits.

Yun nga lang...

Dapat ung kalaban mo lang ang nililinlang mo. Hindi pati ung mga kakampi mo.

Minsan di maiiwasan, pero dapat pinapaliwanag. Dun kasi minsan nagsisimula ang di pagkakaintindihan at gulo.

********

Isa si Marz sa mga kilala kong setter na magaling makakuha ng points gamit ang pagfifeint.

Gusto ko rin sanang gawin un minsan pero hindi ata kami bagay dalawa. Kaya ayun na rin siguro ang dahilan kung bakit ako madalas mablock.

Hindi ko kasi kayang manloko. Sabi nila, kitang-kita raw kasi sa akin kaagad kung ano ang gagawin ko.

Lagi nilang sinasabi na parang umaacting lang naman daw kapag nagfifeint.

Kunwari papalo ka ng malakas un pala hindi. Kunwari puporma ka ng spike pero kapag nandyan na ung blockers, ititip mo lang pala dun sa lugar na walang tao.

Eh kaso nga hindi ako artista. Kinakabahan ako kapag gagawin ko ung feint.

Nasa park kami ngayon malapit sa subdivision kung saan kami nakatira nina Marz at nagpapractice.

Malapit na rin kasi ang results sa MIU at feeling naman namin pareho na makakapasa kami kaya ung volleyball naman ang sinunod naming trabahuhin.

"Magpoker face ka lang. Do your usual moves at pag nasa ere ka na and saw the positions of the blockers tsaka ka magdecide kung spike ba o feint, ok?"

"Ok po."

Mga apat na oras rin siguro kami dun at palubog na ang araw ng matapos kami.

"Konti nalang bes. Sabi ko sayo kaya mo yan eh!" Masaya niyang sabi habang nakaakbay pa sa akin.

"Anong konti nalang? Nakita mo ba ung mukha ko kanina? Kahit ako na di nakikita ung itsura ko, tawang-tawa na, ikaw pa kaya?"

"Hindi...ahahahaha! Sorry bes. Hindi ko mapigil. Ahahahaha! Hahaha!" Tawa na naman siya ng tawa. Siguro nagfaflashback ulit ung mukha ko sa utak niya.

Spike My Heart (NBSB Diaries Book 1) EDITING/ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon