Dear diary,
Who says we can only score during the second or third ball?
Sa first ball palang pwede na!
Pero makoconsider bang first ball ang service?
Ayun sa aking mumunting kaalaman, ang first ball na tinatawag ay ang unang bolang matatanggap ng kabilang team.
Ung bola na galing sa serve ng kabilang team na pumasok sa kabila ay ang sinasabing first ball.
Kapag pumasok ang service, at di ito nakuha, tinatawag itong service ace at point ng serving team.
Kapag di naman pumasok o outside, service error naman ang tawag at point ng kabilang team.
Isa ring underestimated skill ang service.
Pero habang tumatagal, nakikita na rin ang kahalagahan nito. It is now being used as a weapon, gaya ng isang spike o ng isang magandang feint.
The moment when you serve, is the most nerve wrecking time kapag nasa loob ka ng court.
Ito lang kasi ang time kung saan hindi kayo naglalaro as a team. The spotlight is on you. Kapag nagkamali ka, sa balikat mo lang yun. Kaya sobrang nakakakaba.
That's why you have to make your service worth it. Gawin mong isang spike kaagad, serve mo palang.
*****
Merong tatlong klase ng serve sa volleyball.Ang float serve, top spin serve at ang jump serve.
At pilit kong pinag-aaralan ang lahat ng yun in preparation for our MIU wvt try outs.
Lumabas na kasi ung results ng entrance exams and we made it! Both Marz and I.
Ung ipis? Ahahaha! Buti nga sa kanya at di nakapasa. Mabuti naman. Di ko na makikita ung mala sandpaper niyang mukha.
Oo na, masama na ako.
Feeling gwapo kaso siya! Kainis!
Back to serving.
Dati kasi, para sa akin, basta pumasok sa kabilang side ng net ang bola, ok na. Mali pala.
Dapat pala, service palang atake na. Make it a point na mahihirapang ireceive ng kalaban ang bolang sinerve mo.
Diba nga? It always starts with the first ball?
Kung di ka man makaservice ace, at least with a good serve magiging shaky ang play ng kabilang team.
Pinapanuod ko yung Haikyu!! (Isang volleyball themed anime and manga, sobrang ganda! Try niyo! ^^) at inggit na inggit ako sa serve ni Kageyama at Oikawa. Mamaw! Parang nagsaspike lang sila sa service line. Hindi pa sila spikers nun ah. Setters sila.
Talaga bang magagaling na servers ang setters? Si Marz kasi, may pagkamamaw din ang float serve.
Mga ilang years kaya bago ko matutunan yun? Hay. Siguro lola na ako, di pa rin.
But! Quitters never win and winners never quit!
Kaya...
Hanggang hindi sumusuko ang kamay at braso ko, go lang ng go.
Nasan na kaya si Marz? Sabi niya sa akin kanina, papunta na siya. Bakit parang sobrang late na niya?
Ang hirap kaya magtraining mag isa.
Tinawagan ko siya pero di siya sumasagot kaya pinuntahan ko nalang siya sa bahay nila at nalaman sa kapitbahay nila na pumunta raw sa ospital.
Nagmamadali raw at parang may nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/27787821-288-k461596.jpg)
BINABASA MO ANG
Spike My Heart (NBSB Diaries Book 1) EDITING/ONGOING
RomanceIsang certified NBSB, Lili has always been in pursuit for her one true love at nakita niya yun sa katauhan ni Stephen Torredes. Because of him, Lili wanted to be better, opt to be better para pag nagkita sila ulit, she can confess her true feelings...