Dear diary,
Alam mo ba kung ano ang pepper?
Hindi yan ung kulay itim na binibili niyo sa tindahan at pwedeng powdered o buo at kung tawagin natin sa tagalog ay paminta.
Sa vb, iba ang meaning nyan.
Ang pepper ay isang warm up drill.
Pass, set, spike.
Yan ang bumubuo sa cycle.
Bale partners kayo, magsisimula sa pass ng isa, iseset naman nung nakareceive at isaspike nung pinagsetan. Irereceive na naman ulit nung isa ung spike, ung nagspike naman ang magsiset and then spike.
Ganun lang. Paulit-ulit.
It's a very good way to wake your sleepy senses and reflexes at maging ready sa game man o training. But it's main function is to enhance each players ball control.
Pinaka naeenjoy ko kapag ginagawa namin ang pepper. Para kasi kaming naglalaro habang nagtitrain.
Pero kapag di kayo swak ng partner mo, hindi magiging masaya. It's a team game, kaya kapag walang teamwork, pangit ang cycle.
At kahit na sabihing paulit-ulit lang ang moves, pare-pareho lang, nag-iiba ito kapag nag-iba ang mga players.
Kaya not all cycles are redundant. Maybe they are...but the factors within them aren't.
*****
Naalarma ako nang tanungin ako ng bunso naming si Tonton kung bakit tinawag na pepper ang pepper sa volleyball.Nganga ako kaya napagoogle ako bigla.
Nakakahiya naman. Sa ilang taon kong nagvavolleyball, akalain mong di ko alam kung ano ang origin ng pepper drill? Shocks.
Nakakita ako ng dalawang possible reasons sa paghahanap-hanap ko.
Una, dahil daw may tatlong kulay ang pepper. Itim, puti at brown. (Oo, akala ko rin itim lang. Di naman kasi ako masyadong nagluluto). Those three colors symbolizes the three moves sa drill.
Pangalawa, dahil ang pepper daw ay jumpy, palaging nasa hangin, it signifies the ball na parang patalon-talon din sa hangin habang ginagawa ang drill.
Maraming salamat po, dyan nagtatapos ang aking munting kwento.
Diba? Informative?
Kuya Kim lang?
Anyway, di na raw kinailangan ni Tonton kaya hindi ko na rin pinagkaabalahan pa ulit.
Pero naintriga ako. Bakit nga ba pepper?
Nalibang ako sa topic ng pepper na hindi ko na naalala ung topic namin ni Marz.
Oo nga pala, hindi pa rin malinaw yun.
Magkasama kami ulit na nagtitrain. Ok na rin kasi si tita at nagising na.
"Pinaalis na nga ako eh! Magaling na nga siya siguro. Sabi niya samahan na raw kita dito at baka gawin ko pa raw na dahilan ang operasyon niya kapag di tayo nakapasok sa wvt ng MIU. Grabe no? Ang sweet ng nanay ko diba?"
"Magaling na nga si tita. Haha."
"Oh. Awkward ka na naman."
"Halata pa rin?"
"Hay naku Cecily Anne Aziveda. Hindi ka talaga pwedeng mag artista. Bakit na naman?"
Di ko masabi bigla.
Matagal mong inintay tong moment na to tapos maghehesitate ka bigla?
Kung di ngayon, kelan? Magiging cycle lang ito kapag nagkataon. Isang stagnant cycle.
BINABASA MO ANG
Spike My Heart (NBSB Diaries Book 1) EDITING/ONGOING
Roman d'amourIsang certified NBSB, Lili has always been in pursuit for her one true love at nakita niya yun sa katauhan ni Stephen Torredes. Because of him, Lili wanted to be better, opt to be better para pag nagkita sila ulit, she can confess her true feelings...