Day 6: Block

8 1 0
                                    

Dear diary,

Ang blocking ay maaring maging depensa o opensa ng isang team.

Pero mostly, pangdepensa talaga ito. Kayanga block...

Madalas na gawing blockers ng team ay ung pinakamatatangkad na players nito.

Hindi naman limited sa matatangkad lang ang blocking. There are exceptional players na kahit di katangkaran ay magaling pa rin pagdating sa blocking.

Di naman kasi puro tangkad lang ang kelangan sa volleyball.

Parang sa basketball, kung wala kang skill at constant training, di ka rin gagaling.

Ganun din sa blocking.

Hindi ka lang naman basta tatalon at haharangan ang bola. Maraming bagay kang dapat isa alang-alang katulad ng posisyon ng spiker, ang mga possible attacks na gagawin niya, mga possible places na pwede niyang atakihin.

It's your job as a blocker to defend your territory.

You are the frontliner. Kung sa giyera ikaw yung unang matatamaan ng tira ng kalaban, so your shield has to be strong. Walang butas, puro harang.

But the point of blocking is not only to prevent your opponents to score, it is also an opportunity for your team to score.

Give them the taste of their own medicine.

Gamitin mo ung lakas ng tira ng kalaban to fuel that ball and return it to their faces.

Iwasan mo nga lang na magbackfire ito sayo and get too overwhelmed.

Sometimes being too close to the net is not a good thing.

It's like a flame na kapag nilapitan ng gamu-gamo ay mapanganib para sa buhay nito.

Pag natamaan mo ang net while blocking, that would be a violation and a point for the other team.

*********

Siya? Bakit siya?

Sa dami ng tao sa Pilipinas siya pa ang makikita ko?

At sa kwarto pa ni Tita Agnes?

Kinabahan ako. Paano kung di aksidente na nandito siya? Paano kung masamang tao pala siya? Isang stalker? 0_0

Nagpanic na ako.

"Anong ginawa mo kay Tita Agnes? Nasan siya? Magnanakaw ka siguro no? Ilabas mo siya!" Sigaw na ako ng sigaw.

Aba, kahit mas malaki at matangkad siya sa akin di ako papatalo!

"Can you shut up! Wala akong ginagawang masama. I'm Tita Agnes'..."

Waahhh! Hindi! Alam ko na yang ganyang modus. Sa una lilituhin ka lang, kakausapin, kikwentuhan. Di mo mamalayan mamaya bigla ka nalang inaantok at kinukuha na nila ung mga lamang loob mo! Waahhhh!

"Hoy miss, kung ano man yang naiisip mo hindi...."

Tiningnan ko yung emergency button at binalak na takbuhin ito. ASAP.

Mukhang nasense naman nung lalaki ung gagawin ko kaya pinilit niya akong pigilan.

Dahil sa haba ng biyas ng lalaking to naabutan niya pa rin ako. Nag-agawan kami sa emergency button.

Ah, ganun? Itataas mo pa para di ko maabot? Ganyang laro pala ang gusto mo ah! Pagbibigyan kita.

Nung hindi ko maabot ung emergency button, ung buhok nalang niua ung inabot ko.

Para palang bata to. Sabunot lang, iyak agad? Weak.

Hinigpitan ko pa lalo ung sabunot ko sa kanya at yes! Nabitawan niya rin sa wakas.

Spike My Heart (NBSB Diaries Book 1) EDITING/ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon