Ika-Labing Pitong Yugto - Ang Mapaglarong Katotohanan

27 7 0
                                    

It would be nice, to have you in my life
Would there be a chance for you to give me a try?
It would be the best day of my life
Imagine you and me, together eternally

- Imagine You and Me by Maine Mendoza

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Tiningnan ko siya ng mata sa mata, pero hindi niya ako matignan. Isa-isa namang nag-flashback sa akin ang mga ala-ala na minsan ko naring pinagtataka.

Ang mga panaginip ko, ang mga pamilyar na pakiramdam simula ng makilala at makita ko siya. Ang mga pamilyar na bagay, yung singsing, diary, picture at ang kwintas. Iisa kang pala ang ibig sabihin nun, may isang tao pala akong nakalimutan at binaon sa limot.

"F-faith, I'm sorry, i know, pareho kayong nabigla sa katotohanan, pero, yes, Jade at si Tristan, ang kababata mo, ay iisa. Do you remember na kailangan naming umalis dahil may problema kami sa family. Both of you, kayo ayaw niyong mawalay sa isa't isa." sabi ni Mrs. Farrah. Napaiwas nalang ako ng tingin. Hindi ko narin kasi mapigilan pa ang maguluhan at magtaka.

"Feng, babalik naman ako, babalikan kita dito. Sadyang mahirap lang ang sitwasyon sa pamilya namin. Promise, I'll be back. Babalikan kita. Mahal kita, Feng..."

Napapikit nalang ako at pinipigil ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa mga nararamdaman ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit, wala akong maalala kahit konti mula sa nakaraan ko? Bakit sa tingin ko, may kasalanan ako?

Tiningnan ko lang sila, bakit hindi sila makatingin sa akin, nakatayo lang sila habang nakayuko.
Magsasalita pa sana si Mrs. Farrah ngunit inunahan ko na siya.

"H-hindi ko pa po kayang alamin at tanggapin ang totoo. Hindi ko po alam kung paano." tugon ko. Nagpasalamat akong muli at nagpaalam na. Pipigilan pa sana ako ni Jade pero hindi ko na siya nilingon pa.

Nilisan ko na ang bahay nila habang pinipigil ang pag-iyak ko. Pero hindi ko akalain na, ang taong minsang kong kinamuhian ng sobra-sobra noon ay siya pa ang taong muli kong tinanggap at minahal ngayon, iba ang kapalaran kung magtakda.

Sa tingin ko, hindi ko pa kayang alamin ang katotohanan. Hindi ko pa kayang tanggapin at alalahanin pa. Grabe ang sakit na naramdaman ko noon, simula ng iwan niya ako. Pinilit kong kinalimutan siya, nagtagumpay ako. Akala kong habangbuhay na siyang mananatili sa nakaraan pero hindi pala.

Jade, ikaw lang pala ang kasagutan sa mga bangungot ng nakaraan, pero bakit ganito, hindi ko alam ang maramdaman, magiging masaya ba ako dahil bumalik ka muli sa akin o muli akong magagalit sayo dahil sa mga pangako mo at sa kung anong nangyari matapos mo akong iwan? Ano ba ang dapat?

~All my life i was dreaming
All my life i was searching
All my life i was seeking
For someone i can truly call my own~

~It would be nice to have you in my life
Would there be a chance for you to give it a try
It would be the best of our lives
Imagine you and me, together eternally~

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Anak, siguro kailangan mo munang bigyan ng panahon si Faith para makapag-isip, anak, nung nalaman na siya pala si Feng, hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. I'm sorry kong ako ang naging simula, pero gusto kong malaman niyo na, kayo talaga ang para sa isa't isa." pagpapagaan ni Mommy sa akin. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at walang ganang kumain man lang o whatever. Sobra akong nalungkot at na-disappoint sa ginawa ni Mommy. Nag-sorry tin siya matapos nung nangyari kahapon.

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon