"Kulang ako kung wala ka
Hindi ako mabubuo kong di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyanKulang ako, kulang ako kung wala ka"
- Kulang Ako Kung Wala Ka by Erik Santos
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Goodluck lang ang ibibigay mong support kay Faith? Grabe ka naman." pamungad ni Bryan. Nandito kaming apat sa canteen habang hinihintay ko silang matapos sa kakain nila. Ang tatagal kasi eh. Napa-cross arms nalang ako. Tumingin nalang ako sa malayo dahil kanina pa ako binabagabag ng mga sinabi ko kay Faith at isa pa, 3 weeks rin kaming walang kibuan at pansinan. Simpleng tango at tinginan nalang pero, umiiwas rin ng tingin sa isa't isa. Hindi ko parin kasi alam kung paano ako magsisimula.Sasali pala siya sa contest. Magaling siya. Alam kong makakaya niyang manalo. Ewan ko ba bakit kasi akong biglang namula at nahiya sa kanya kanina. Speaking of her, nakita ko naman siyang dumaan sa may lobby. She's smiling, bakit kaya?
Nagpaalam ako agad sa kanila. Iniwan ko silang takang-taka ang mukha. Hay, sorry mga Bros, unahin ko muna si Faith. Gusto ko siyang sundan at kausapin.
Sinundan ko siya hanggang sa nakarating siya sa Music Room. Bakit kaya siya nandito? Agad akong nagtago sa pintuan at pinagmasdan siya. Nilapag niya ang kanyang bag niya sa mesa. Favorite place niya talaga itong Music room. Nakaearphones siya at halatang may pinapakinggan.
Agad naman akong nagulat when she smile. Napangiti rin ako. I really miss that smile, gusto ko nang makita yun. She's writing something habang nakikinig sa music. She's is a Music Goddess for me. Napapatalon pa siya sa saya kapag parang may magandang bagay siyang naririnig, siguro dahil alam niya na kung anong kakantahin niya para sa contest.
Pero, napatigil agad siya. Akala ko kasi nakita na niya ako. Napatingin agad siya sa phone niya.
"Xuě Luòxià De Shēngyīn -The Sound Of Falling Snow" sabi niya. Agad naman akong nagtago. Anong sabi niya? Chinese yun ah. At may English translation pa ito.
Napaupo nalang siya at napatulala habang pinapakinggan ang kanta. Ngumiti naman ako dahil bagay na bagay sa kanya ang kwintas na snowflake at ang, singsing. Yes, i know na pair yun. Pero sa likod ng dalawang bagay nayun, may mga pangako. Pangakong natupad at hindi. Masaya akong pinanghahawakan parin ni Faith yun. Alam kong galit siya sa akin. Hindi ko man alam kong gaano kalaki, pero, nararamdaman ko.
FAST FORWARD
Nandito kami ngayon sa Stadium ng school para sa pakitang-gilas contest. Ang daming tao, iba't ibang course ang nandito. Last event nalang kasi ito dahil nauna na kaninang umaga ang Dance Competition.
Ang ganda ng stage. May mga background music pa ng mga sikat na kanta. Isa-isa naring nagdatingan ang judges sa ibang school. Kasama ko ang tatlong poging nilalang ngayon. Si Bryan, ngumunguya ng bubble gum, si Raven, nabobored, at si Vince nakasandal sa upuan habang nakikinig ng music. Siguro kung makita niyo lang kung anong itsura namin. Sus. Mukha kaming na-out of place.
Agad naman kaming napastraight ng upo nang magsalita na ang MC bg program. Nag opening remarks, blah blah at mga messages mula sa mga judges. Habang ako kanina pa tumitingin sa backstage. Gusto kong puntahan si Faith, pero ang daming teachers sa unahan.
Maya-maya pa, pinakilala na si Carolina, yeah, classmate ko siya na may crush sa akin, she's beautiful pero masama ang ugali. Pumalakpak kami then ang-staet na siyang kumanta. Maganda rin ang boses niya. Pagkatapos, sumunod naman sa kanya si Katie, galing din siya sa section namin, simple lang siya pero maldita rin. Mortal enemies sila ni Carolina. Hmm. Magkalaban sila ha.
BINABASA MO ANG
HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)
Storie d'amore| Inspired by: Huling Sandali by December Avenue | •PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING• "SA HULING PAGKAKATAON, SA HULING SANDALI, SA HULING YUGTO NG KUWENTO NG BUHAY, PIGHATI AT PAGHIHIRAP ANG HATID, SIMULA NANG MAWALA ANG LAHAT. SA HULI RIN ANG PA...