Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibigAko'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
- Sa Ngalan Ng Pag-Ibig by December Avenue
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
AFTER 2 WEEKS
"Oh, dahan-dahan lang. Huwag masyadong magmadali, magpahinga kana muna Kyle, ako na." sabi ko. Hay, sa wakas eh, nakalabas narin kami ng ospital, simula nang maaksidente sila ni Kyline. Mabuti nalang at okay na sila at nanunumbalik narin ang lakas nila. Masaya ako kahit papano lumaban parin sila.
Nang mapapasok ko na sila sa kwarto, sinimulan ko nang magligpit ng mga gamit. Pagkatapos naglinis narin. Habang naghahanda ng tanghalian, naalala ko ulit ang sinabi sa akin ni Mama Martina, tungkol sa bahay, wala na siya doon at umalis na sya. Pero, paano nalang kayaang bahay namin, wala akong perang pantubos nun. Wala akong magawa pero hindi ako makakapayag sa ginawa niya.
Tiningnan ko lang silang dalawa, hindi pa ito anmg oras na kailangan kong sabihin sa kanila ang tungkol sa ginawa ni Mama.
Lumapit ako sa kanila at pilit na pinipigil ang luha. Nasasaktan ako na hindi parin pala tapos ang pasakit sa amin. May katapusan ba ito? Kailan ba magiging payapa ang buhay namin. May pagkakataon pa kaya?
Hindi ko man aminin sa kanila, batid ko na ang lahat ng sakit at paghihirap na dinadala ko araw-araw ay nararamdaman din nila. Maswerte ako sa kanilang dalawa. Kaya gagawin ko ang lahat, para sa kanila at sa buhay na mapayapang hangad ko na maranasan nila.
Hindi ko man masabi ang lahat, pero masaya ako dahil naranasan kong magmahal ng mga kapatid na maunawain at masayahin, sila ang buhay ko't lahat-lahat, at naranasan ko ring mahalin nila ng walang haling gakit at pagsisi sa akin lalo na sa sitwasyon namin ngayon.
Hindi ako habang buhay na mananatili sa tabi nila. Hindi ako habang buhay na gagabay at makakasaksi ng mga bagay na ginawa nila, pero hangga't may oras pa, handa akong iparamdam ang pagmamahal ko ng buong puso para sa itinuturing kong kaagapay at kasama sa problema.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Siguro, sa buhay marami kang hindi maiitindihan. Sa lahat ng bagay, sa lahat ng sitwasyon maging sa mga tao na, kilala mo at minamahal mo.
Well, binabagabag lang naman ako nang huling talks namin ni Faith. Hindi ko lang kasi maintindihan yung mga gusto niyang sabihin. Malabo eh. Halos dalawang linggo narin kaming hindi nagkausap. Hinayaan ko nalang muna siyang asikasuhin ang mga kapatid niya. Nag-aalala rin ako sa kanya kasi sa tingin ko, madami siyang problema, bakas sa mukha niya eh, pero kahit ganun, napakaganda parin niya para sa akin.
Habang nakatunganga sa kwarto ko, biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi niyang huling pag-uusap namin.
FLASHBACK
"Jade, sabihin mo, ikinakahiya mo ba ako? O niloloko mo lang ako?"
"No, Faith. Listen to me, whatever they say about doesn't change you in my heart and in my eyes. Huwag mo silang pansinin. If you really want na, ipaalam natin ang relationship natin, okay then. But, trust me, hindi kita niloloko, and mahal kita. Hindi kita pag-iisipan ng kung ano dahil kilala kita. Whatever they want to do, Nothing's Gonna Change My Love For You."
BINABASA MO ANG
HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)
Roman d'amour| Inspired by: Huling Sandali by December Avenue | •PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING• "SA HULING PAGKAKATAON, SA HULING SANDALI, SA HULING YUGTO NG KUWENTO NG BUHAY, PIGHATI AT PAGHIHIRAP ANG HATID, SIMULA NANG MAWALA ANG LAHAT. SA HULI RIN ANG PA...