Ika-Dalawampu't Isang Yugto - Luha

31 9 0
                                    

"Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa 'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't 'wag mong bitawan"

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Jade, jade, pakiusap, wag mo akong iwan, please, bumalik ka." sigaw ni Feng habang kumaripas ng takbo, hinabol niya ang sasakyan nila Jade na umandar na papalayo. Sinubukan pang pigilan ng mga katulong si Faith ngunit ayaw niya.

Madulas ang kalsada, malakas ang ulan at hangin na sumasalubong kay Feng ngunit hindi niya ito inalintana. Sa kabilang banda, tahimik lamang na pinagmamasdan ni Tristan ang mga patak ng ulan sa bintana ng kanilang sasakyan. Puno ng kalungkutan ang kaniyang puso, lalo pa at iniwan niya si Faith na umiiyak.

"Jade, jade, bumalik ka dito please, huwag mo akong iwan" walang tigil na sigaw ni Faith na tumatakbo parin. Tila nakikisama ang kalangitan sa paghikbi niya. Hindi man siya marinig ng lalaking minamahal niya ngunit wala na siyang pakialam.

Lingid sa kaalaman ni Feng ay may paparating na truck na matulin, hindi pa malinaw sa drayber nito ang kalsada dahil sa malakas na ulan. Nang makatawid si Faith ay hindi niya ito naiwasan, pilit palang pumereno ng drayber ngunit huli na.

"Jade!" huling sigaw ni Feng nang tuluyan na siyang nabangga. Agad na lumingon si Jade sa likurang bintana ng sasakyan at laking gulat niya ang walang malay na katawan ni Faith.

"Faith"

"Hindi Faith!"

Agad akong napamulat. Grabe ang kaba ko, anong klaseng panaginip yun. Si Faith, nasaan siya? Agad akong napayuko, dahil payapa naman siyang natutulog sa balikat ko, nakahinga ako nang maluwag. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Faith, yung panaginip, yun yung naaksidente ka noon, hindi man lang kita nilingon at pinansin habang hinahabol mo ako. Huli na ang lahat ng marinig kita. Faith, sana huwag maulit, na hindi man lang kita natulungan ay mawawala ka ulit sa akin.

Dahan-dahan siyang gumalaw at minulat ang mga mata. Isang matamis na ngiti ang sinalubong niya sa akin.

"Good Morning, my love, kamusta ka?" sabi ko. I need to be strong for her, even if na sobra akong na-down nang malaman ko ang totoong condition ni Faith. Nakakapanghina ng loob.

"Okay lang ako." sabi ni Faith. Inalalayan ko siyang bumangon at tumayo, masakit na daw kasi ang balakang niya sa kakaupo at higa. She's is now standing sa malaking bintana kong saan makikita ang magandang view ng sikat ng araw. 6:35am palang naman. At sunrise palang.

Sabi ko ay kukuha lang ako nang tubig para sa kanya. Okay lang daw. Habang sinasalinan ko ang baso niya, napatigil ako. She's singing a song. Paborito niyang kanta, i remember it. Napangiti ako dahil kabisado niya parin. Madalas namin tong kantahin dati sa videoke noong mga bata pa kami.

[PLAY "IN LOVE WITH YOU" by Regine Velazquez and Jacky Cheung]
=I'll also recommend the another version, sung by Christian Bautista and Angeline Quinto=

~Just a gentle whisper,
Told me that you'd gone
Leaving only memory,
Where did we go wrong?
I couldn't find
The words then,
So let me say them now
I'm still in love with you~

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon