"You make me believe
That there's nothing
In this world I can't be
I'd never know what you see
But there's something in the way
You look at meThe way you look at me..."
- The Way You Look At Me by Christian Bautista -
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Hangga't naniniwala kang may himala hija, may mangyayari. Manalig ka sa Diyos. Gagabayan kanya." -sabi ni Mam Veronica.
Nandito ako ngayun sa klinika niya. Para, magpa check-up lang para sa pagdalas ng pagsakit ng ulo ko at pagdugo ng ilong. Hindi lamang isa kundi tatlong beses sa isang linggo kong nangyayari. Nahihilo narin ako kapag masyado akong bumibilad sa araw. Ngayon, medyo kumikirot-kirot pa ang ulo ko. Nakainom narin naman ako nang gamot.
Nandito ako ngayon sa may paradahan ng jeep, sasakay sana ako ng jeep papuntang Quiapo, pupunta ako ng simbahan. Medyo matagal-tagal ang byahe. Nagkakaunahan pa sa pila ng jeep. Alas-kwatro na ng hapon. Naakuwi ako ng maaga dahil wala naman kaming klase nong hapon na ito, pero may mga reports at outputs lang na tinapos.
Bumaba na ako sa jeep at maglakad. Matagal na rin ng nakabisita ako dito. Ganun parin naman, madami paring tao, kabi-kabila ang mga paninda. Pero, paborito ko ang lugar na ito. Lalo na ang simbahang ito. Deboto kami ng Black Nazarene, at nong nabubuhay pa si Daddy, sumasama talaga siya sa prusisyon at sumasampa sa karo nito. Napapangiti ako sa mga ala-ala na na nangyari dito, kasi dito kinasal sina Mommy, dito rin kami bininyagan nina Kyle at Kyline at dito ang huling beses na sumimba kami ng kompleto bilang pamilya, nasa tiyan palang ni Mommy si Kyline, 8 months.
Pumasok na ako sa simbahan ng Quiapo, nakakamangha talaga ang loob nito. Pumunta ako sa may harap, at lumuhod. Kinuha ko ang rosaryo ko sa wallet ko at nagsimulang magdasal. Nagpatong rin ako ng puting belo sa ulo gaya ng sa mga nananalangin dito. Ito ang turo sa amin ni Mommy, ang pananampalataya sa Diyos ay nararapat na panatilihin, saan man at kailan man.
Habang hawak-hawak ko ang rosaryo, hindi mapigilang hindi maiyak, nanginginig ang mga kamay ko. Nakapikit akong umiiyak habang taimtim na nananalangin na sana, panaginip at biro lang lahat ng ito, sana hindi totoo. Sana, binibiro lang ako ng tadhana.
Masaya ako dahil, kami na ni Jade. Binigyan ako ng sign ni God para ibigay ang matamis kong Oo para sa kanya. Nagpapasalamat ako na nakilala ko siya. Masaya rin ako na, tanggap at suportado ako ng mga kapatid ko. Nang malaman nila na, nasa isang relasyon na ako, nagulat pa sila at natuwa. Basta daw wag lang ako paiiyakin ni Jade. Hahaha!
"Mommy, Daddy kamusta kayo jan sa heaven? Gusto ko po sanang sabihin sa inyo na, may boyfriend na po ako, si Jade. Hindi niyo man ho siya nakilala, pero mabait sya at naiiba sya sa lahat. Pero kahit ganun po, ang sinumpaan kong tungkulin at pangako sa inyo, na makapagtatapos ako ng pag-aaral at mapag-aral ko ang mga kapatid ko, gagawin ko parin po, pangako.... Kahit.. kahit na, bigyan niyo pa ako ng maraming pang oras para matupad yun.
Mommy, Daddy, kung ano man ho ang mangyari, tatangapin ko po, pero ayaw ko pong masaktan ang mga kapatid ko, at si Jade. Sila ang mga taong pinahahalagahan ko. Pakiusap, ilang sandali pa po.... Papa God, kaunti sandali pa po....." - taimtim kong panalangin habang lumuluha. Diyos lang ang makakapitan ko ngayon, siya rin ang nakakaalam nito. Mabuti na munang wag na malaman pa ng iba. Hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para sa mga taong minamahal ko. Pinapangako ko yan.
BINABASA MO ANG
HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)
Storie d'amore| Inspired by: Huling Sandali by December Avenue | •PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING• "SA HULING PAGKAKATAON, SA HULING SANDALI, SA HULING YUGTO NG KUWENTO NG BUHAY, PIGHATI AT PAGHIHIRAP ANG HATID, SIMULA NANG MAWALA ANG LAHAT. SA HULI RIN ANG PA...