Unang Yugto - Pagkikita

245 20 4
                                    

“I have died everyday waiting for you
Darling, don’t be afraid I have loved you
For a thousand years
I love you for a thousand more”

-A Thousand Years – Christina Perri-

**********************************

Sa isang malawak na hardin na puno ng mga bulaklak na rosas, sa gitna ng sikat ng araw, ang malamig na dampi ng hangin. May isang batang babae ang naglalakad. Kasama niya ang isang lalaki. Magkahawak kamay na akala mo'y hindi bibitaw anuman ang mangyari. Masayang nag-uusap at nagtatawanan. Bakas sa mukha nila ang kagalakan.

Pagkalipas nang ilang minuto, natahimik ang hardin. Walang imik na nakatitig ang dalawa sa isa't isa. Napalitan ng luha ang masayang yugto ng kanilang kasiyahan kanina. Umiiyak ang batang babae.

Kailangan mo ba talaga akong iwan? Paano ako? Mag-isa nalang ako, wala akong kaibigan dito Tristan. Ikaw lang ang kaibigan at kilala ko. Malulungkot ako

Malungkot na tinitigan ng batang lalaki ang babae. Nalulungkot rin ito sa paglisan niya mamayang hapon, labag man sa kalooban niya na iwan ito, dahil hindi lamang kaibigan, dahil mahal niya na rin ito at pinapahalagahan. Hinawakan niya ang mukha ng batang babae at hinawi ang mga luhang walang tigil sa pag-agos. Napabugtong-hininga nalang siya at pinipilit na hindi maiyak. Tila sinasaksak ang kaniyang puso ng maraming beses kapag nakikita niyang lumuluha ang minamahal.

Feng, babalik naman ako, babalikan kita dito. Sadyang mahirap lang ang sitwasyon sa pamilya namin. Promise, I'll be back. Babalikan kita. Mahal kita, Feng...”

May kinuhang singsing ang batang lalaki sa bulsa neto. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ng batang babae, nagkatitigan, di inalintana ang mga luhang patuloy na na dumadaloy sa kanilang mukha. Parehong nasasaktan, nahihirapan at nagmamahalan. Lumuhod ang lalaki sa harapan nito. Kinuha niya ang kamay ng babae......

"Feng, alam kong marami tayong masasayang ala-ala na pinagsaluhan. Maraming bagay tayong ginagawa. At doon nakilala kita. Kaibigan lang ang turing ko sa iyo, pero sa paglipas ng bawat araw, nahuhulog ako sayo. Feng, alam kong mahal mo ako. Alam kong masasaktan ka sa pag-alis ko. Waoang kasiguraduhan kong babalik pa ako, o kailan pero nangangako ako sayo, babalik ako. Pakakasalan kita.... Feng, gusto kitang makasama habang buhay, alam kong bata pa tayo ngayon, 12 years old lang tayo pero, hayaan mong iparamdam ko sa iyo ang pagmamahal at pangako ko. Maari ba kitang makasama habang buhay? Can you be my wife when were old enough? Will you marry me?”

"Tristan, alam kong nahihirapan ka, nahihirapan tayo. Mahal kita. Mahal na mahal. Dahil sa pangako mo, babalik ka, panghahawakan ko yan, pangako sayo, hihintayin kita. Oo naman, pakakasalan kita.

Masayang-masaya ang dalawa sa pinangako nila sa isa't isa. Pangakong panghahawakan nila magpakailanman. Pero sa hindi inaasahan. May malagim pang trahedya ang darating sa buhay nila.

Naalimpungatan ako dahil sa kakaibang pakiramdam ko, umiiyak ako habang natutulog? 3:00am na. Hayst, ilang gabi na akong nanaginip ng eksenang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang paninikip nito, medyo hindi ako makahinga. Shems! Grabe ang kaba sa dibdib ko, para akong hinabol ng kabayo. Umiiyak ako. Tapos ang lamig ng pawis ko.... Hindi ko maintindihan, bakit ako parating nananaginip nang ganun. At palaging nakikita ko ang dalawang bata na iyon.  Di ko sila kilala pero ang lakas nang kutob ko, para kasing nakita ko na sila. Di ko kasi maaninag yung mukha ng dalawang bata.
Sino kaya ang mga iyon?

Napagdesisyonan ko nang bumangon at maghanda para sa klase ko mamaya at ipaghain ng agahan ang mga kapatid ko. Lunes ngayon, pare-pareho kaming may klase.

Sa edad kong 23, ako na ang kumakayod para sa pamilya ko. Para sa aking mga kapatid. Bilang panganay, responsibilidad ko na ang paghahanap ng pera para matugunan lahat ng pangangailangan namin. Simula nang mamatay si Papa, naging miserable na ang buhay namin. Nakapag-asawa siya ulit simula nong mamatay si Mama nang ipinanganak ang bunso namin. Ang aming madrastra na si Mama Martina, ang dapat tumayong magulang namin pero, iba ang trato niya, parati niya kaming pinagtatabuyan at sinasaktan. Kaya naisip naming tumira nalang sa tiyahin namin na kapatid ni Mama. Pero simula nang mamatay siya noong nakaraang taon, mas naging mahirap ang buhay namin.

Si Kyle, 13 years old ang pangalawa sa amin, at ang bunso ay Kyline na 11 years old. Pareho silang nag-aaral sa highschool at elementary. Ako, nasa college, at suma sideline sa kahit anong marangal na trabaho. Para matustusan ang lahat lahat na kailangan ng mga kapatid ko.

Mahirap at nakakapagod pero dapat hindi ako sumuko. Kung susuko ako, paano kami? Paano ang mga kapatid ko? Ulilang lubos na kami, walang magulang na gagabay samin pero ako bilang Ate, ako na ang tumatayong ina at ama. Gagabay at magpapangaral sa mga kapatid ko.

Ginising ko na sila at pinag-ayos. Sabay sabay kaming kumain ng agahan at umalis na. Hinatid ko muna sila sa eskwelahan at sumakay narin ako sa jeep. Medyo malayo ang university na pinapasukan ko. School scholar ako at kailangan mapasa ko lahat ng subject at matataas ang grado ko.

Hayst tong traffic na to! Sasabunutan ko to eh! Abutin ba naman ng kalahating oras to, late na ako! May exam pa kami sa first subject namin! Shems naman eh! Kagigil! 30 mins nalang!

Nakausad na rin traffic. Halos di ako mapakali, 30 mins nalang klase na namin. Kailangan kong nakaabot kundi di ako makakakuha ng exam!
Nagmamadali agad akong bumaba. 3rd floor pa naman ang room namin. Kainis! Nasira pa ang elevator
Kailangan ko pang takbuhin ang hagdan. Salamat dahil wala namang masyadong estudyanteng mabubunggo ko.

Sa dali-dali kong takbo sa hallway, may nakabunggo akong isang lalaki!

"Awtsu! Aray naman! Kitang tumatakbo ako eh!” Sigaw ko sa kaniya.

"What! Ako pa may kasalanan? Are you human? Ikaw tong tumakbo akala mo hinahabol ng kabayo eh!" sabat nong lalaki. Teka! Parang pamilyar boses neto ah!

Pagtingala ko nakita ko agad ang galit na mukha nang

NAG-IISANG DEMONYO, HAMBOG, BULAKBOL AT BASTOS NA BISUGONG JADE THE VENOM!
Ang lalaking bastos at walang respeto na akala mo'y batas at hari ng buong campus kong magmalaki!

A/N:
Hi guys! First of all, gusto ko humingi ng sorry sa mga wrong grammars, mali-maling spelling kasi once nasulat ko na, hindi ko na siya iniedit.
And thank you for reading my story. Bago palang kasi ako sa paggawa neto! Hope na magustuhan ninyo!
Sabay-sabay nating tunghayan ang kuwento nina Faith at Jade!
Para sa mga fans nang December Avenue! Shout out!
Maraming salamat!

Nagpapasalamat,
Binibining Elena

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon