Kanina pa ako nakatayo malapit sa bintana ng kwarto ko at nakadungaw sa labas. Medyo humahapdi na nga 'yong mga mata ko pero ayaw kong pumikit at baka hindi ko makita ang paglabas niya. Masasayang lang ang pag aantay ko dito.
"Where are you, Zabie?" Sabi ko sa sarili sabay kagat ng pang ibabang labi.
Mag-iisang oras na yata ako nakatayo dito habang nag-aantay na lumabas 'yong taong inaabangan ko. Gusto ko ng lumabas at magdoorbell doon sa bahay nina Zaber, kaso baka singhalan lang niya ulit ako.
Gusto ko lang naman sumabay ditong mag jogging eh. Noong after graduation kasi namin ay parati na siyang nagjajogging kaya nagsimula na din akong magjogging kahit may work-out equipments naman kami sa bahay.
Hay naku.
I've been doing the chasing for years now pero hindi pa rin talaga ako napapagod. Ilang beses na akong nasaktan pero patuloy pa din ako. I'm in love and I don't think mali ang maghabol sa taong mahal mo kahit patago na lang sa ibang tao ang ginagawa ko.
I already considered my feelings for Zaber as my ultimate secret from now on. A secret I've kept from my family and friends. Si Rosie lang talaga ang nakakaalam at ang mommy ni Rosie na siyang yaya ko. Sila lang ang nakakaalam nang lahat-lahat tungkol sa paano nag-umpisa ang pagsinta ko kay Zaber at mga pinanggagawa kong paghahabol sa crush ko. Sa kanila lang din ako naglalabas ng sama ng loob.
I have a hunch that Tita Sandy didn't take my words on that one summer day seriously. Bata pa naman kasi talaga ako noon, but now that I'm about to enter the college life ay wala pa din talagang nagbago sa nararamdaman ko kay Zaber.
Nothing changes, mas lumalim pa nga. I still wished and hoped for Zaber to be my husband.
I was still looking out the window when I heard the sound of an ambulance na paparating. I then let out a loud gasp when I saw it parked in the front of the house of the Walker's. Then tita Sandy came out. She's crying hysterically.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya napatakbo ako para mapuntahan si tita. I knew something bad happened and I prayed so hard that it wasn't anyone on their family.
Sana huwag si Zabie ko.
But as I was approaching their house ay lumabas din si Zaber na umiiyak. He hugged his mother so tight as they continued crying. Then, I saw the paramedics carrying the lifeless body of his father on a stretcher.
Tito Douglas died that day due to his heart condition. Doon ko lang din nalaman ang totoong dahilan kung bakit sila umuwi dito sa Pilipinas and started their family business here. Mas gusto daw kasi ni tito maranasan ang buhay sa Pilipinas kahit bago pa siya mamatay.
Ilang linggo lang pagkatapos ng libing ng ama niya ay doon na nagsimulang maging all-out si Zaber tungkol sa pagiging bakla niya. Wala na kasing pipigil sa kanya. Lalo na noong college na kami.
He met his four friends at school, namely Henry, Johann, Christopher, and ang naging bestfriend niya na si Mikael. Naging barkada talaga silang lima and the five of them are all gays.
Mga gwapong bakla.
But still, hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko pa din talaga siya. I even chose the same course na pinili niya and did my utmost best para maging magkaklase kami.
He's everything to me. He's my crush and my first and only love.
Kahit madami ang nanliligaw ay wala pa din makakakuha ng posisyon ni Zaber sa puso ko. Siya pa din talaga. Kahit si Markie na pilit na nilalakad sa 'kin ni daddy ay hindi ko gusto.
Akala ko wala na talagang magbabago, but then I met Chloe noong malapit na akong mag third-year. We first met when I was in school with my bitches. Mga so-called friends ko na alam kong mga plastic at gusto lang akong maging kaibigan because I'm popular at anak ako ng owner ng school. But I don't mind at all. I just want to belong to a group and they treat me as their leader, so, hayaan na lang kahit ginagamit lang nila ako. And somewhat parang ginagamit ko din naman sila.
YOU ARE READING
Ms. Z & Georgette (GGIS #2)
RomanceGirls-Gays Inlove Series Series #2 Zaber (Ms. Z) Walker & Georgette Smith