Chapter 8

200 11 1
                                    

Ilang linggo ulit ang lumipas at muli ko na namang pinilit na iwasan at kalimutan si ano. Kahit sobrang nahihirapan na talaga akong gawin 'yon.

I acted normal like my usual self, especially when I'm around Markie, Chloe, Christine and the other varisty players. Nilagay ko talaga sa likod ng utak ko ang pangyayaring 'yon. Sinabi ko sa sarili ko na isang bangungot lang kagaya noong unang beses na may nangyari sa 'min.

Bangungot naman talaga 'yong huling naganap sa 'min eh! Imagine? Sa eskinita talaga?

Fuck!

Erase please! Delete! Ilagay sa trash bin at muling idelete para kompleto talagang mawala sa memory!

Tinatak ko nga din sa isip ko ang lahat ng masasakit na ginawa niya sa 'kin noong una pa lang. Lahat ng pagtataboy niya sa 'kin, pagdededma niya, mga masasakit na salitang binibitawan niya sa 'kin. Basta inipon ko na talaga ang lahat! Kaya nga nilukob na naman ng poot at galit ang puso ko para sa kanya.

This is better kaysa sa taliwas ang maramdaman ko sa kanya which is not helpful for my well-being. Ayokong tuluyan ng magkaroon ng sakit sa pag-iisip at maging isang lehitimong baliw!

Nakaramdam din ako ng konsensya kapag nagpapahayag ng damdamin sa 'kin si Markie at kapag nagyayaya siyang magdate kami. As much as possible ay tinatanggihan ko ang date na gusto niya na kaming dalawa lang. Pumapayag lang ako kapag kasama ko si Chloe at Christine.

Sa totoo lang wala na din akong balak na sagutin pa siya. Parang ang unfair kasi talaga sa part niya dahil naalala kong hindi na pala ako malinis. But I don't know how to tell him to stop courting me na hindi ko nasasabi sa kanya ang totoo. I don't know how he will react if he knew the truth.

Pero hindi naman niya malalaman 'yon dahil wala nga akong pinagsabihan. Lahat ng nangyaring 'yon ay ako at si ano lang ang nakakaalam. Kasi sigurado din naman ako na hindi niya din nasabi 'yon sa mga kaibigan niya.

Sabi nga niya 'di ba? Huwag kong ipagkalat kasi ayaw niyang masira ang dignidad niya bilang isang bakla?

That fucktard!

Simula ng araw na 'yon ay inaraw-araw ko na din ang pag-usal ng panalangin at hiling sa Diyos na sana hindi na ulit kami magkakaroon ng pagkakataong magkalapit ulit ni ano pero talagang minalas ako. Hindi talaga dininig ang panalangin ko. Dahil sa isang major subject namin ay naging magkagroupmates pa kaming apat!

Grabe naman si tadhana!

Tinry ko ngang malipat kami ni Chloe sa ibang group kaso ang daming kumontra tapos nakisali pa si Mikael!

Its the first time he raised his hand in class! At noong nagsalita ay animo'y hindi talaga papayag na masali kami sa ibang grupo! I even saw the person beside him looking at my direction pagkatapos na sinabi ni prof na final na ang groupings at hindi na pwedeng maglipat ng grupo. Agad na lang akong yumuko at sinapo ang noo.

Muntik pa tuloy malaman ng mga kaklase namin ang tungkol sa lihim ko. Lalo pa't napatanong ang prof namin kung may ayaw ba kami sa kagrupo namin ni Chloe kaya gusto naming lumipat.

Tss!

Eh 'di fine! Hayaan na lang at wala na talaga kaming magagawa! Poproblemahin ko na lang ang araw na pupunta kami ng Ilocos para sa thesis na 'yon.

Sabado na ngayon ng hapon at kakatapos ko lang magreview ng dalawang subjects para sa midterms namin na magsisimula na sa Monday.

Umunat-unat pa 'ko ng katawan. Masyado yatang nadrain ang utak ko ngayon at kailangan ko munang marecharge. And the best solution for that is my favorite Frappuccino from Starbucks.

Ms. Z & Georgette (GGIS #2)Where stories live. Discover now