Ngayon ka lang nakapunta dito?" Tanong ni Zabie sa 'kin pagkatapos niyang isarado ang pintuan ng condo ko.
"Oo. Pero may regular na naglilinis dito once a week." Nasabi ko bago ako namamanghang tumingin sa kabuuan ng condo na bigay ni daddy.
Its too big for me, actually. May second floor kasi 'yon. Fully-furnished na 'yon pero halatang hindi pa kailanman natirhan dahil kahit ang mga appliances ay may plastic pang nakabalot. Bagong-bago pa din tingnan tuloy kahit isang taon mahigit na ang mga 'yon binili. May tag pa nga 'yong ibang kasangkapan.
Nilapag ni Zaber ang mga bag namin sa sofa habang ako naman ay lumapit sa mesa na nasa baba lang ng malaking wall-mounted TV. May dalawang picture frames doon. Ang isa ay picture ko na solo noong highschool graduation ko habang 'yong isa ay family picture namin. Nag-iisang family picture namin 'yon na kinuhaan noong dalawang taong gulang pa lang ako.
Napangiti tuloy ako ng mapait habang tinitigan 'yon. I miss my family. Kahit pilit ko silang inintindi ay hindi ko pa din talaga maiwasang mangulila sa kanila.
How I wish we could be like other conventional family na kahit busy ay nagkakaroon pa rin ng oras na magkikita-kita. Kahit isang oras lang or kahit saglit lang sana ay kuntento na ako. 'Yong makasama ko lang sila sa iisang mesa at sabay kaming apat kumain, kahit once a month lang sana.
Kaso wala na talaga.
Last na pagsabay namin sa pagkain ay noong araw bago ang highschool graduation ko pa. Sa araw ng graduation ko kasi ay umalis din agad ang mga magulang ko pagkatapos nilang mag opening speech.
I was always left alone at our big house, when my brother started to help out on our business. At kahit ayokong aminin ay nakakaramdam din naman ako ng pagtatampo sa kanila. Hindi ko lang pinapakita.
Napaigtad na lang ako ng maramdam ko ang pagyakap ni Z galing sa likod ko. I felt him kissed my neck.
"You miss them?" I heard him asked na mukhang napansin nga ang pagtitig ko sa picture namin ng pamilya ko.
"Oo." Nalulungkot kong sagot. "Pero okay lang. Naintindihan ko naman sila. Well, anyway. Let's find the bedroom, now." Nangingiti ko ng sabi habang nililingon siya pero mas lalo nga lang niyang hinigpitan ang pagyakap sa 'kin.
"Stop pretending that you're okay with your family's set-up, Georgie. I know how it feels. You know I was left alone too when dad died because mom got busy with the company. I miss mom, too, and sometimes I can't help but feel sad and lonely even though I'm with my friends. Kaya ang hiling ko para sa relasyon natin ay huwag tayong magpanggap o magbalat-kayo. We have to be honest with each other, especially with our inner emotions, from now on. And we should start today, so please let it all out."
Sa sinabi niya ay doon lang talaga lumabas ang totoong damdamin ko. Hindi ko napigilang mapaiyak pagkatapos kong binalik ang tingin sa family picture.
Pareho pala kami ng sitwasyon.
Pinaharap na niya ako sa kanya bago ako niyakap ng mahigpit ulit. Hinahagod niya rin ang likod ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Just cry your heart out, Georgie. You have me, now. I would always lend you my shoulder to cry on. I would always be here ready to listen to you. Kapamilya mo na din naman ako. Magiging asawa mo na ako soon, 'di ba? I won't let you feel sad and lonely again. And we won't let our future children feel and experience this. We should always make time for them despite of our busy schedule in the future. Do we have a deal on that?"
"Oo." Sagot ko agad at tumango-tango pa habang yakap-yakap niya.
"Good. We'll make sure to build a family full of love, trust, happiness, and affection."
YOU ARE READING
Ms. Z & Georgette (GGIS #2)
RomanceGirls-Gays Inlove Series Series #2 Zaber (Ms. Z) Walker & Georgette Smith