"So, mga anong oras tayong magkikita-kita mamaya?" Excited na tanong ng kagroupmate namin na si Sasha.
I don't like her. Halata kasi ang pagkagusto nito kay Mikael. Alam naman nitong may girlfriend na 'yong tao at kasama din namin ngayon pero kung makatitig ito kay Mimi ay para bang sila lang dalawa ang nasa paligid.
Ang kapal ng mukha!
Hindi ko tuloy naiwasang mapaismid habang tinititigan ito. Napalingon din ako kay Chloe at kita ko din ang pagmamasid niya sa Sasha na 'to.
Hay naku! Guluhin lang talaga nito ang relasyon ng dalawa hindi ako mangingiming bigyan siya ng isang malakas na sipa sa ngala-ngala!
Mabuti na lang at itong mga nagkakagusto kay Zaber ay umiiwas na. Alam yata nila kung sino ang makakabanggaan nila. They wouldn't want to mess with someone like me.
Nandito kami ngayong lahat sa gazebo kasama ang mga kagrupo namin para sa thesis. Nagtipon muna kami para pag-usapan ang magiging lakad namin mamaya papuntang Laoag. Mabuti na lang din pala na hindi nga kami nalipat sa ibang grupo kundi ay hindi kami magkakasamang apat ngayon. Matinding pagsisisi sana ang maramdaman namin ni Chloe.
Nakaupo ako sa kandungan ni Zaber while his arms are wrapped around my waist tightly. Pero ewan na lang talaga namin sa mga boyfriends namin. Wala talaga silang pakialam sa mga nasa paligid namin at masyadong mahilig din sa PDA. Ganoon din kasi si Mikael kay Chloe. Walang dudang magbestfriends nga ang dalawa.
Kahit paano ay nasanay na din ang mga kaklase namin sa aming apat. Though, there are still others who are still looking at us with pure distaste written on their faces. Lalo na ang mga bitches ko dati. Tumitigil talaga ako sa paglalakad at pinagtataasan ko sila ng kilay. Agad din naman silang umiiwas ng tingin na animo'y natakot at maaamong tupa.
Tss.
Try lang nila akong awayin o kahit ang kaibigan ko lang at hindi ko talaga sila uurungan.
Nakasalubong nga din namin si Markie at ang mga barkada nito kahapon at kanina pero agad na din silang umiiwas ng tingin at iniilagan ang direksyon namin. Kahit nakaramdam pa din ako ng konsensya sa ginawa kong pagpaasa kay Markie ay nagpapasalamat na din ako na umiiwas na nga ito. Mas mabuti na din 'yong ganoon para hindi na mauulit ang gulo noong nakaraan.
"Mga 4pm na lang?" Mungkahi ni Allen na siyang isa sa kagrupo namin.
"Sige." Agad ding pagsang-ayon ng lahat.
Patuloy pa din talaga sa pagsasalita si Sasha at kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bunganga nito kaya hindi na ako nagulat noong makaramdam ako ng pagkaantok. I'm getting bored with her nonsense words. Napahikab talaga ako ng malakas at naramdaman ko na lang ang paghila ni Zabie sa katawan ko. Inayos niya ang pwesto ko. He hugged me like he's cradling me like a baby now.
"Antok ka?" Bulong niya sa 'kin habang nakatitig ng masuyo sa buong mukha ko.
"Oo." Sagot ko din at agad niyang hinila ang ulo ko para maidikit sa dibdib niya.
"Matulog ka agad pagkauwi natin mamaya. Ipayos mo na lang sa yaya mo ang mga gamit na dadalhin mo." Mungkahi pa niya.
"Hindi na. Mawawala din 'tong antok ko mamaya. Bored lang ako sa nagsasalita ngayon." Mahinang bulong ko sa kanya pero sinaway niya agad ako.
"Georgie."
"Nagsasabi lang ng totoo. I don't like her." Mahinang bulong ko ulit.
"Just don't be like that. Kagroupmate pa din natin siya. Huwag mo na lang pansinin." Pagsaway niya pa sa 'kin.
"Tss. Pikit na muna ako." Nasabi ko na lang at pinikit nga ang mga mata pero agad ding napadilat ng marinig ko ang pagtunog ng phone sa gilid namin.
YOU ARE READING
Ms. Z & Georgette (GGIS #2)
RomanceGirls-Gays Inlove Series Series #2 Zaber (Ms. Z) Walker & Georgette Smith