Chapter 6

205 6 5
                                    

Kakalabas ko lang ng banyo noong marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Napangiti ako agad, thinking it was Markie who texted me.

Nagtext nga si Markie. Pero aside sa kanya ay may iba pang nagtext sa 'kin. Agad tuloy akong napangiwi ng makita ang number na kahit dinelete ko na sa contacts ko ay saulado ko pa din. May tatlong texts na pala siya, tig 10 minutes ang pagitan.

09*********: You seemed happy with him, huh?

09*********: Hey.

09*********: Can you come to my house? I have something to tell you.

What the hell?

Ano siya? Sineswerte? Ako pa talaga ang pupunta sa bahay niya? Wala na akong pakialam sa kung ano mang sasabihin niya!

At dahil nabasa ko na 'yon kahit hindi ko na buksan ang texts niya ay agad ko ng pinindot ang clear all. Then I went to the block numbers list and without second thoughts added his number there.

Ano bang pakulo niya ngayon? Seriously? Nagawa niya na akong itext huh? Ngayon pa talaga kung kailan kinakalimutan ko na siya? Kung kelan suko na ako?

Letche siya!

Kung ako pa din 'yong tangang Georgette days ago, malamang ay mangingisay na ako sa kilig! Magtatatakbo din ako papunta sa bahay niya kahit hindi pa ako nakabihis! Natupad ang dalawa sa mga pangarap ko eh! Na magtext siya at kusa niya akong yayain sa bahay nila.

Pero sorry siya! I'm on the process of moving on, now! Kaya bahala siya sa buhay niya!

I was still fuming from too much anger habang nagbibihis na ng pantulog ng biglang umalingawngaw ang ringtone ng phone ko. May tumatawag. Its an unknown number at hindi na 'to 'yong number ni ano.

Nagdadalwang isip pa talaga akong sagutin 'yon kasi pilit ko pang inalala kung baka kakilala ko at hindi ko lang nasave ang number. Pero dahil hindi ko nga talaga kilala ay hindi ko na lang sinagot 'yon at hinayaan ng matapos ang tawag at maging missed call. Baka prank call na naman eh.

I continued dressing up and did my usual night routine before I lied down on my bed.

Napabuga pa tuloy ako ng hangin. Masaya na kaya ako kanina. I didn't even glance on the house in front of ours dahil ayokong masira ang gabi ko. Tapos bigla'y magpaparamdam pa ang taong 'yon.

Tss.

Naisipan ko na lang magreply sa text ni Markie kanina para makapag goodnight na din. Napangiti na tuloy ulit ako ng agaran din siyang nagreply sa text ko. Inaabangan niya ah.

Napapakagat-labi pa ako kaso bigla na lang din nagulat nang may tumawag ulit. 'Yong number pa din kanina.

"Kay Markie ba 'to?" Nasabi ko sa sarili dahil baka nga other number 'to ni Markie.

Baka nga siya 'to. If prank call eh 'di, blocked ko na lang.

Kaya kahit nagdadalwang isip pa din ay wala na 'kong nagawa kundi sagutin 'yon.

Ang tahimik ng sa kabilang linya at kahit ilang seconds na ang nakalipas ay wala pa ding nagsasalita.

Baka nga prank call.

"Hello?" Parang tunog inis kong sabi.

Then I heard a loud sigh on the other line.

"Georgette."

Agad na lumaki ang mga mata ko pagkarinig ko sa boses. Kilala ko 'yon! Walang salitang mabilis ko ng pinatay ang tawag.

Damn it!

Its him! I know its him! Why is he calling me?! What the hell does he want from me?

Kinakausap ko pa ang sarili ko ng biglang nagring ulit ang phone ko. Same number. I immediately canceled the call before I quickly added it to the block list.

Ms. Z & Georgette (GGIS #2)Where stories live. Discover now