Chapter XXVII

153K 4.8K 607
                                    

FRANZESS

UMIIGTING ang mga bagang niya habang hatak-hatak niya ako patungo sa sasakyan niya.

"R–Red, please kumalma ka naman muna," awat ko sa kaniya at sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit hinila lamang niya ako, saka isinandal sa sasakyan at tinitigan sa mga mata.

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Kitang-kita ko kung paano niya gustong pigilan ang sarili niya na pagbuntunan ako ng inis at galit na nararamdaman niya.

Matatas lamang niya akong tinitigan bago ako ipinasok sa loob ng sasakyan at agad na rin siyang umikot para sumakay sa driver's seat.

Pinaandar na niya ang sasakyan, at mukhang sa manibela niya yata ibinuhos ang nararamdaman niya dahil kulang na lamang ay paliparin niya ang sasakyan niya.

Nasa kalagitnaan na kami ng highway nang bigla na lamang siyang kumurba patungo sa hindi pamilyar na daan sa akin na bahagya kong ikinakaba.

"S–saan tayo pupunta, Red—"

"I don't want any nuisance," sagot niya sa akin at kumabog nang matindi ang dibdib ko.

Anong balak mo? Nuisance ba si Nana Mela?

Hindi ako natatakot kay Red, pero kinakabahan ako sa naiisip niyang gawin. Wala rin akong kahit na katiting na ideya kung saan niya ako dadalhin ngayon.

Paliblib na nang paliblib ang dinadaanan namin at lalo yata akong kinakabahan. Hindi naman niya ako gagawan nang hindi maganda, hindi ba?

Nakarating kami sa isang mataas na lugar na tanaw ang mailaw na siyudad. Tila ito isang abandonadong parke na hindi bukas sa tao dahil kinakalawang na iyong gate na nadaanan namin sa entrada.

Inihinto niya ang sasakyan at ibinaba niya ang bubongan ng sasakyan. Top down car ang dala niya ngayon na kulay pula dahil nga sa event. Hindi naman namin inaasahan na ganoon ang mangyayari.

Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatingala sa mga bituin at buwan.

"Pasensya ka na kung hindi ako nakatanggi kanina, Red. Hindi ko naman inaasahan na ganoon ang gagawin—"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niya akong nilingon at tinitigan sa mga mata.

Kung kanina ay kakikitaan ng galit ang mga mata niya ngayon ay hindi na. Lumamlam na ito na wari bang may nais siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya alam paano sisimulan.

"Red—"

"I don't want other people to hurt you. I don't want seeing you being degraded by whoever. I don't want them to think that they could easily tear you apart whenever they feel like doing so. I don't want you to get hurt in anyway, baby. I just . . . I just can't fucking bear it," putol niya sa akin at napakagat-labi ako sa sinseridad ng mga mata at tinig niya.

Paano kitang hindi mamahalin nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko kung ganito mo ako tratuhin at pahalagahan? Paano kong pipigilan ang sarili ko na huwag mas malunod pa sa 'yo kung ganito mo 'kong alagaan? Paano, Red?

"I'm sorry. I'm sorry kasi napahamak at nasali ka na naman sa gulo dahil sa akin," anas ko at nakita ko ang pag-angat ng kamay niya na dumampi sa pisngi ko at marahang humaplos doon.

"You deserve only the best things that this world could offer. You suffered enough in the past, and I no longer want to torment your present. Even in the future, I would only offer you all the good, better, and best things. You don't deserve any pain, baby," aniya sa mas pinalamyos na tinig.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin. Bigla ko na lamang inalis ang seatbelt ko at umumang ako sa mga labi niya, saka iyon mabilis na ginawaran ng halik. Alam na alam kong maari niya itong ikagalit pero wala na akong pakialam. Mas nananaig sa akin ang pagmamahal sa kaniya ngayon.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon