FRANZESS
NAHIMASMASAN na siya at bumungad sa akin ang nangingilid sa luhang mga mata niya na animo hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon.
"P–pasensiya ka na kung natagalan ang pag-iisip ko. P–pinili kong sa araw n–na lang ng graduation ko ako p–pupunta sa 'yo, para k–kahit paano ay masasabi ko na may nangyari sa buhay ko nang p–palayain mo 'ko, na kahit umalis ako, p–pinili ko pa rin na gawin ang bagay na puwede kong ipagmalaki sa 'yo," utal-utal na anas ko dahil sa tiim ng titig niya sa akin.
"I love you," anas niya sa akin. Wala akong ibang salitang narinig sa kaniya bukod sa mga katagang iyon na damang-dama ko.
"S–sorry, Red. S–sorry kung naging selfish ako. S–sorry kung pinili kong maghilom nang malayo sa 'yo. Sorry kung mas ginusto kong umalis sa t–tabi mo kahit puro pagmamahal lang naman ang ipinapakita mo. S–sorry kung ginusto kong palayain mo ako. Sorry k–kasi hindi ko deserve lahat ng pagmamahal mo, p–pero ito ako ngayon at b–bumabalik sa 'yo—" Bigla na lamang niyang sinakop ng mga labi niya ang mga labi ko.
Halos hindi ako humihinga lalo pa nang magsimulang maghalukay ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumugon.
Kay Red lang ako paulit-ulit na babalik.
Kay Red ko lang gustong masaktan.
Kay Red lang ako susugal kahit gaano pa kasakit.
Kay Red ko lang iaalay lahat ng mayroon ako.
Si Red lang . . . si Red lang ang mamahalin ko nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko.
Si Red lang ang taong alam kong tuluyang makabubuo sa akin at ang tuluyang makakapaghilom ng lahat ng sakit na ibinibigay sa akin ng mundo.
Malaki ang kasalanan namin sa isa't isa, malaki ang pagkukulang namin. Sa panahon na nagkahiwalay kami, marami akong mga napagtanto na bagay; na ayos lang maghilom nang magkahiwalay, ayos lang masaktan kung doon ka naman titibay, na tanggapin ko ang mga bagay na alam mong hindi na magawang maibabalik pa, at higit lahat . . . the pain ends where the acceptance starts.
Kapwa na kami naghahabol nang hininga nang pakawalan niya ang mga labi ko. Akala ko ay wala siyang gagawin ngunit mali ako. Binuhat na lang niya akong bigla at tumungo sa may kama.
"I've been holding back for too long, baby. Hindi ko na kaya ngayon," bulong niya sa akin at marahan niya akong ibinaba sa kama.
"R–Red. . . ."
Nilapatan niya ng magaan na halik ang noo ko at saka ako tiningnan sa mga mata. Namumungay ang sa kaniya na dala marahil ng kalasingan.
"I was there, and I am so proud of you. I was there to witness how much you've grown as a person even without me by your side. I am proud of you, baby, it's just that . . ."
"H–ha?"
". . . I've got so jealous of seeing you hugging Szack while I was there watching you. Wala kasi akong karapatan na lapitan ka. Wala akong lakas ng loob na lumapit sa 'yo dahil baka masaktan na naman kita. I was there, but I am coward so I chose to leave, to just drink alone and get drowned with these liquors because I know you'll not choose me . . . not just again," patuloy niya at may maliit na ngiting sumilay sa mga labi ko.
Pinaikot ko ang mga braso ko sa batok niya at bahagya siyang kinabig nang mas malapit sa akin. "Hindi ko kailangan na piliin ka, dahil kahit na kailan, hindi ka naging pagpipilian sa akin. Ikaw lang ang mahal ko, ikaw lang ang laging uuwian ko."
BINABASA MO ANG
Debt and Pleasure [Completed]
Fiction généraleWARNING: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED | S T A N D A L O N E N O V E L | All she ever wanted was to be happy. Hindi siya ang tipo ng taong mapaghangad ng mga bagay na hindi niya maaabot o mayayakap. Kaya naman halos takasan siya ng bait nang...