FRANZESS IAH
NAKAUPO lamang ako sa gilid ng isang hall sa convention center habang pinanonood silang lima na pumirma ng album nila. Album signing kasi nila ngayon.
Sikat ang banda nilang Paranoia, ngunit pinakasikat sa kanilang lima sina Red at Casspian dahil mga modelo rin ang mga ito, at kung minsan naman ay umaakting din. Sina Trayn, Seiver, at Alas ang kontento na sa pagtugtog. Ang alam ko ay kinukuha rin silang modelo pero tumanggi sila.
Guwapo silang lahat. Long-haired si Casspian, mapungay ang mga mata, matulis ang matangos na ilong, at may labi na kapag ngumiti, parang lahat ng babae ay handang ibigay ang nais nila. Si Trayn naman, kilalang playboy ng banda dahil sa ganda ng katawan na mayroon ito, pati na rin ang kakaibang sex appeal na madalas talagang kahumalingan ng mga ex niya. Si Seiver, tahimik lang at loyal na loyal sa girlfriend niyang nasa ibang bansa. Siya ang masasabi mong guwapo pero parang deadly dahil ang lalim tumingin ng mga mata niyang parang laging may nais iparating. At si Alas, ang pinakamakulit, pinakamaloko, at pinaka-isip bata, pero pinakamabait at approachable sa kanilang lima. Guwapo siya at ang pagiging kuwela niya ang kinagigiliwan ng kababaihan.
"Oh my gosh! Nakaka-palpitate ang kaguwapuhan mo, Red!" tili ng isang fan at bigla pa nitong sinugod ng yakap si Red. Kalmado lang naman siyang niyakap pabalik ni Red at pinirmahan ang dala niyang album.
Hindi ako sanay na may humahawak sa kaniya . . . dahil kahit ako ay hindi ko siya halos nahahawakan. Ayaw niya. Ayaw na ayaw niyang hahawakan siya nang walang pahintulot niya.
"Ang guwapo naman kasi talaga ni Sir Red. Kahit ako, mauulol talaga sa kaniya," ani Jolina na nasa tabi ko. Gusto kong ngumuso at sumimangot sa narinig kong sinabi niya pero hindi ko ginawa. Hindi puwedeng may makahalata kung ano ang relasyon namin. Siguradong may mangyayaring hindi ko inaasahan.
"Nasanay na rin ako sa mukha niya kaya hindi ko na gaanong napapansin," sagot ko nang may kalakasan dahil biglang nagtilian ang mga kababaihan nang hawiin ni Casspian ang buhok niya.
"Sana ol talaga laging nakikita si Sir Red. Ang tindi rin ng pagpipigil mo na hindi mahulog sa amo mo, ano? Kung ako 'yan, baka ginawa ko na ang lahat, makapagpapansin lang," aniya na sinundan pa niya ng tawa.
Hindi ako natutuwang pinagnanasaan niya ang asawa ko pero wala akong magawa. Wala naman siyang alam.
Isa pa, ang pinagpapantasyahan niya naman ay abot-kamay ko. Naniniwala naman ako na hanggang pantasya lang talaga siya.
Red and I got married almost a year ago. Mag-a-anniversary na rin kami pero hindi ko alam kung dapat ba naming paghandaan iyon. Dahil kasabay ng araw ng anibersaryo namin ay ang anibersaryo ng malaki kong pagkakautang sa kaniya.
"Thank you for attending this event. Our event ends here. Thank you, everyone!" ani Alas sa mikropono. Maraming umangal ngunit tumayo na silang lima at tutungo na sana sa dressing room nang bigla na lamang may sumigaw na isang babae.
"Red Yvan Allen, panagutan mo ang anak natin!"
Halos magroge ang utak ko sa narinig kong iyon.
Hindi iyon pinansin ni Red at tumuloy sa paglalakad hanggang sa dumaan siya sa harap ko. Kung kaya't bigla ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.
"M-may nabuntis ka ba?" utal na tanong ko sa kaniya.
Lumingon siya at itinuon ang mga asul niyang mata sa akin bago iyon bumaba sa kamay kong nakahawak sa braso niya.
Agad akong napabitiw sa kaniya. Ayaw na ayaw niyang hinahawakan, at ginawa ko iyon ngayon-ngayon lang. Pambihira ka talaga, Franzess!
Halos mapagot ang hininga ko nang ilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko at bumulong. "Do you really think I would fuck another woman when . . . I already have you? Think carefully, woman. I could have you if I wanted to. I don't need a lowly prostitute to satisfy me," aniya saka lumayo sa akin at nagtuloy-tuloy na sa pag-alis. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ibang klase ang hatid ng boses at salita niya.
BINABASA MO ANG
Debt and Pleasure
Genel KurguLeft with no choice, Franzess Iah Millado is forced to marry Red Yvan Allen to pay off her debt. But when their feelings slowly turn real, can they finally move on from the past and heal? *** Franzess Iah Millado's world is turned upside down when s...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte
