FRANZESS
PAKIRAMDAM ko ang laki-laki ng kasalanan ko kay Red. Pakiramdam ko sobrang laki ng espasyo sa pagitan namin ngayon.
Wala akong kaalam-alam na habang sinusubukan kong maghilom, lalo ko naman siyang winawasak. Habang okupado ako ng mga gawain para makatulong sa akin na makapagpatuloy, siya naman ay iniwan ko na naroon pa rin sa lugar kung saan ko siya huling nasaktan.
"Can we talk? Can I atleast ask a minute or two of your time?" aniya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "But if you're uncomfortable, I can now vanish from your sight," dagdag niya nang hindi ako sumagot.
Hindi ko mahanap ang tamang mga salita na dapat kong sabihin sa kaniya. Nauumid ang dila ko at pakiramdam ko ay kailangan kong piliin ang mga salitang bibitiwan ko dahil maaaring maging sanhi iyon ng pagkabasag ko, o ng mas matindi pang pagkabasag niya.
Matagal ko siyang tinitigan bago ako kumuha ng lakas at tumayo. Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang akong tahimik at nilisan ang lugar na iyon na alam kong nakasunod siya sa akin.
Nakarating ako sa may parking space ng hotel. Pinilit kong hinanap ang sasakyan niya na pamilyar sa akin ngunit bigo ako.
"N–nagpalit ka ba ng sasakyan mo?" utal na tanong ko matapos ko siyang lingunin.
"I rode my motorbike all the way here," sagot niya sa akin. Halos pabulong pa rin iyon na tila may itinatago siya sa akin.
"N–nasaan ang sasakyan mo—"
"I sell it," maagap niyang putol sa akin at bahagya akong nagulat sa narinig ko.
Imposibleng ibenta niya ang sasakyan niya dahil mahal na mahal niya iyon. Iyon ang una niyang naipundar sa pagbabanda base sa impormasyon na sinabi sa akin ni Nana Mela noon.
"B–bakit mo ibinenta—"
"I could no longer drive that car in your absence. I could feel the loneliness, and . . ." sandali siyang huminto sa sinasabi niya at yumuko na animo ba hindi niya gustong ituloy iyon.
"A–and?"
"And we made love in that car. I couldn't bear being alone inside it. The more I do, the more I feel that I lost you . . . that you left me . . . that something is definitely missing in my life. I just couldn't stand the pain and misery so I sell it," sagot niya sa akin at parang may sakit na kumudlit sa dibdib ko sa narinig ko.
Nasasaktan ko siya, o baka higit pa sa salitang iyon. All those years ang alam ko, nasasaktan ako, na sobrang miserable ko, na nawala ang anak ko dahil sa kapabayaan ko at sa pagiging padalos-dalos namin, na gunaw na ang mundo ko dahil nawala sa akin ang mumunting anghel ko, pero mali pala ako . . . hindi lang pala ako ang nasasaktan, hindi lang ako ang miserable, hindi lang ako ang nawalan, hindi lang ako ang sobrang apektado.
Humakbang ako ng tatlong beses papalapit sa kaniya. Nang nasa tapat na niya ako ay huminto ako saka ko siya tinitigan nang sandaling segundo bago ako nagsalita.
"H–hindi ko ipagkakaila sa 'yo na nasasaktan pa rin ako, na t–tuwing makikita kita ay sakit pa rin ng nakaraan ang naaalala ko at kung paanong nawala ang anak ko. H–hindi ko ipagkakaila sa 'yo na hindi pa pala ako tuluyang naghihilom, p–pero gusto kong humingi ng tawad sa 'yo—"
"Please, no! You don't have to say sorry. You don't have to apologize to me. It's all my fault and I really have to suffer the consequences of my actions. Don't blame yourself, no, baby, please . . . no," putol niya sa akin.
Mapait ko siyang nginitian. Nararamdaman ko na may trauma na siya sa pag-uusap namin nang ganito. Nararamdaman ko rin na natatakot na siyang marinig ang mga maaari ko pang sabihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/271947784-288-k722128.jpg)
BINABASA MO ANG
Debt and Pleasure [Completed]
Fiksi UmumWARNING: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED | S T A N D A L O N E N O V E L | All she ever wanted was to be happy. Hindi siya ang tipo ng taong mapaghangad ng mga bagay na hindi niya maaabot o mayayakap. Kaya naman halos takasan siya ng bait nang...