Chapter XLV

121K 3.4K 904
                                    

FRANZESS

GULONG-GULO ako sa narinig ko na tila ba ako aabot sa punto na nabibingi na 'ko. Wala akong makapang galit sa dibdib ko ngunit tila ako sinusukluban ng lungkot at sakit.

"Clara Fortal, ex-girlfriend of Seiver Foxmir and your husband's mistress. Hi, Franzess. It's good to finally meet you."

Doon na ako tuluyang nagunaw. Hindi man lang tumagal ang saya ko. Hindi man lanng nagtagal ang luwag ng paghinga ko, mayroon na namang panibagong sakit na dudurog sa akin.

"Shut your mouth, Clara! That's a mere illusion of yours, alam mo sa sarili mo 'yan!" galit na wika ni Red sa kaniya.

Ramdam kong pigil na pigil siya sa galit niya dahil nakita ko kung gaano kakuyom ang mga kamao niya sa ibabaw ng mesa.

"Clara, bumalik na lang tayo sa susunod. Hayaan muna natin na makapag-usap silang mag-asawa—"

"No, Alas. Red and I agreed that he will annul their marriage for my sake," putol nito kay Alas saka ako nginisihan at binigyan ng nakakalokong tingin.

"Tigas ng ulo 'tang ina." Napakamot si Alas at tila nauubusan na ng pasensya kaya't agad niyang hinatak si Clara sa braso at sapilitan na hinila. Nagpapasag si Clara pero wala siyang nagawa nang bigla siyang pasanin sa isang balikat ni Alas at inalabas ng bahay.

Matagal na silang wala sa paningin ko nang magdesisyon akong lingunin si Red na nakatitig pala sa akin.

"H–hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin kung hindi ka pa handa at hindi mo pa kaya. A–ako ang may kasalanan ng lahat. A–ako ang umalis, ako ang umiwan, a–ako ang humingi ng kalayaan sa 'yo kaya hindi mo kasalanan 'to. M–maiintindihan kita . . . iintindihin kita kasi mahal na mahal kita," utal na wika ko at napakagat pa ako sa pang-ilalim na labi ko dahil nagbabadyang pumatak ang mga luha mula sa akin.

Agad akong tumayo at lakad-takbo na tumungo sa silid namin ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto ay bumungad sa akin ang mga naglalakihang maleta.

Dito yata talaga siya titira.

Nilampasan ko ang mga iyon at tumuloy sa loob. Dumapa ako sa kama at ibinaon ko ang mukha ko sa unan saka ko na tuluyang pinakawalan ang mga luha ko na kanina pa gustong magtraydor sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Hindi ko alam kung bakit hindi matapos-tapos ang mga pasakit na dumarating sa akin. Hindi ko naman siguro deserve ito dahil wala naman akong sinaktan na mga tao kahit pa noon, sa halip ay ako pa nga ang laging nasasaktan, iniiwan at nawawalan.

Gusto kong tumakbo paalis pero hindi ko magawa dahil alam kong sa lahat ng mga nangyayari na ito, may kasalanan ako. Kahit pa ako ang nasaktan, ako ang nawalan ng anak, ako pa rin ang umiwan at tuluyang nangbigay ng rason sa ibang babae na makapasok sa buhay niya. Gulong-gulo na ako sa dapat kong isipin at maramdaman. Naaawa na 'ko sa sarili ko pero hindi ito ang oras para panghinaan ako.

Hindi ko na alam . . . hindi ko na alam.

NAGISING ako sa marahang haplos sa mukha ko. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga mata ni Red na animo binabalutan ng lungkot at sakit.

"R–Red?"

"Can you not leave me again, wife? Can I be all you have? Can you stay by my side always?" tanong niya sa akin at hindi ko mabasa kung ano bang nais niyang patungkulan.

Pinadaanan niya ng daliri niya ang kilay ko, ang mga mata ko, at ang ilong ko na animo ba ay tine-trace niya ang mga iyon upang matandaan niya ang bawat parte.

"I can lie about anything but not when it's all about how much I love you. Don't leave me, not again . . . I'm begging you," sinserong wika niya saka ako ginawaran ng halik sa noo.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon