CHAPTER 10: Welcoming

144 4 4
                                    

Biglang may putok na umalingawngaw mula sa speaker at kasabay nito ang pagbukas ng tv ng Room 406 rooms.

Ipinakita nito ang isang lalaki na nakaupo sa silya at duguan...

Francis Raphael Trinidad

Lahat nagulat sa kanilang nakita. Halos lahat ng students ng Room 406 ay napatingin sa upuan ni Francis making sure kung wala ba talaga ito o ano.

May mga galos ito sa mukha at duguan ang katawan. Halos magpanick na ang lahat ng mga estudyante ng 406 nang makita wala ito. Naguguluhan ang mga ito dahil hindi naman ito palaalis ng classroom pag class hours. Hindi man nga nila naramdaman na wala na ito sa classroom.

"Sht! Anong ginagawa ni Francis diyan?!" Napapasabunot na sabi ni Sandra.

"Nasan nga ba siya? Anong parte ba yan ng school?" Naguguluhan na sabi ni Djobelle habang taimtim na nakatingin sa screen.

Halos nagkakagulo na ang lahat hanggang sa may narinig na humahalakhak sa tv. May biglang lumapit kay Francis na nakamaskara.

Napasinghap ang mga ito nang makita kung anong itsura nito. Its mask was as if it came from a doll. Nakauniform ito at kita ang mantya na nasa blouse nito. She was holding a syringe on her right hand and a gun on her left. It's mask was smiling deviously.

Nagtataka na ang ibang rooms dahil sa ingay na naririnig mula sa 406. Maliban sa Room 406, ay hindi nakabukas ang mga tv nito at ang speakers lang ang nakabukas.

Maraming napangiwi nang bigla nitong paulit-ulit na tinusok ang kaliwang mata ni Francis. Umalingawngaw ang sigaw ni Francis dahilan para mapasigaw rin ang iba. At sunod naman ang kanang mata.

"Sht!"

"Oh my gosh!"

Maraming nagsigawan at umaaktong nasusuka. Napapapikit ang iba dahil sa nakita. Maraming may gustong lumabas mula sa Room 406 pero hindi nila mabuksan ang pintuan. Pinagpapalo nila ang pintuan at iniiwasang mapatingin sa screen. Nag-ingay ang lahat ng tiga room 406 hanggang sa sumigaw ang kasama ni Francis.

At kahit sa ibang rooms ay ramdam na rin ang takot dahil sa umaalingawngaw na sigaw ni Francis at nang patalim.

Parang nababaliw ang babae habang pinagsasaksak si Francis. Sigaw naman ng sigaw si Francis at hindi nito masabi sabi ang tulong o tigil dahil sa sakit na nararamdaman sa buong katawan lalo na sa mata...

"*SHUT UP! Ito ang mangyayari pag masyadong pakielamero at pakielamera! Pag masyado ring madaldal!"

Bigla itong tumigil at dahan-dahang ikinasa ang baril. She tilted her head and slowly walked through the camera...

Lahat ng estudyante ay napatigil nang lumapit ang babae sa camera. Ang mga students na kanina ay nagpapanick ay napatitig sa screen nang makita ng malapitan ang mata ng babae. Ang kulay nito ay parang sa isang demonyo... It was pure black...

"*And besides, let's give those newbies a warm welcome cause starting today... Thrill's gonna be entering the stage!"

Biglang pinaputok ng killer ang kanyang baril sa ulo ni Francis kasabay nito ang pagblackout ng klase.

Lahat napasigaw at napatayo. Some were crying and some were slamming the door because they still can't get out.

Nanghihinang napaipo at napatulala ang mga estudyante dahil sa nangyari. Paulit-ulit na nagpapakita sa isip nila ang nangyari kay Francis. Hindi nila inaasahan na mangyayari ito.

Nanahimik ang lahat at tila lutang ang mga isip. Ang iba'y napapatulala sa screen at iba ay napapapikit at pilit na kinakalimutan ang nangyari.

Bigla namang tumayo si Caleen na kanina pa tahimik at nakakunot ang noo na lumapit sa pintuan. Nakuha nito ang atensyon ng iba lalo na si Matthew.

Inikot nito ang door knob at bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante ng 406 at biglang nagtayuan.

Pero napatigil din ang mga ito bago lumabas ng classroom nang makita ang nakaabang sa harap ng classroom nila.

It was Francis's glasses covered in blood with its 2 damaged eyeballs.

Naglakad palapit si Angeline sa eyeballs dahil may note na nasa ibaba nito.

As she picked it up the other eyeball fell on her shoe while the other rolled to her classmates.

"Fcking sht!" Cuss ni Brandon nang palapit sa kanya ang eyeball.

Lahat nakatingin kay Angeline na seryosong nakatingin sa papel. She suddenly turned her head at seryosong dinictate ang nasa papel...

"5 students are gone yet 5 students have appeared... Welcome to SCA, ROOM 406! It's where your life has yet to suffer!"

Seryosong sabi ni Angeline habang taimtim na nakatingin kila Queenie, Caleen, Marla, Inigo, and Denzel...

---------------------------

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon