CHAPTER 9

124 2 1
                                    

Kinabukasan ay pinakita ni Lexine ang kaniyang sketch sa killer na sinasabing nakita ni Francis.

"Wow." "manghang sabi ni Reich sabay picture sa sketch ni Lexine.

Babaeng nakatalikod at may magulong bun dahil na rin siguro sa bayolenteng ginawa nito. Nakauniform ito ng pang guard pero makikita sa polo nito ang mantya ng dugo.

"Ito talaga nakita mo Francis?"- Daniella. Sumagot lang ng tango si Francis.

"So ano na? Pano natin malalaman kung sino yan?"- Carlo

"Oo nga naman. Parang ang hirap naman irecognize kung sino yan sa mga babae."- Johanne

"Pero parang familiar talaga yung likod na yan eh."- Lily

"Oo nga. Di mo nga lang malaman laman kung sino though."- Alexander

Nanahimik at napaisip ang lahat kung paano malalaman kung sino ang salarin. Masuring tinitignan ni Angeline ang drawing ni Lexine nang may bigla siyang napansin...

"Wait! Ano toh?" Sabi ni Angeline sabay turo sa batok ng sketch ni Lexine.

Lumapit ang iba at napatingin rin sa tinuturo ni Angeline. It was somewhat a doodle that's a mess.

"Ah yan ba? Sabi kasi ni Francis may nakita daw siya sa batok nung babae. Eh ang gulo ng pagdescribe ni Francis eh kaya yan na lang ginawa ko." pagsisi ni Lexine kay Francis.

Bigla namang binatukan nila Sandra at Djobelle si Francis dahil sa magulong pahayag ng kaibigan.

"Ikaw pala may kasalanan eh!"-Djobelle

"Anong silbi ng glasses mong yan, ha?!"-Sandra

"Eh sorry naman. Malikot siya at madilim kaya!"-Francis

"Hoy! Manahimik nga kayo! Ano ba talagang nakita mo Francis?" Nakakunot noong sabi ni Matthew.

Napabuntong hininga naman si Francis. Umupo ito at tila inaalala kung ano nga ba ang nakita. Nanlaki ang maya niya nang maalala niya ang nakita.

Kumuha ng ballpen at papel si Francis at nagsimulang gumawa ng triangle. Sa gitna ng triangle ay may infinity sign pero bago mabuo ang infinity sign ay may nilagay si Francis-

"Alam kong may pangalan diyan. Hindi ko nga lang nakita masyado kasi masyadong maliit. Tapos may cross sa taas ng triangle." paliwanag ni Francis matapos nitong madrawing ang nakita.

"Illuminati amp-" hindi natapos ni Matthew ang sasabihin nang biglang tumili si Maxinne.

Napalingon sila kay Maxinne na ngayon ay nakatakip ang bibig at may di makapaniwalang mukha habang nakatingin sa drawing ni Francis.

"N-no way...- T-tattoo namin yan. And e-every tattoo namin may name kami sa i-infinity sign..." paliwanag ni Maxinne habang tulalang nakatingin sa drawing.

Ipinakita nito ang tattoo niya na nasa kanang braso niya. Nakatago Sumeryoso ang lahat nang marinig ang sinabi ni Maxinne. May mga sarili na silanb hinala simula pa lang nang marinig nila ang "namin" nito.

"Sino-sino kayo na may ganyan na tattoo?" Seryosong tanong ni Angeline sa kanya. Napalunok naman si Maxinne dahil sa pagiging seryoso ng kaklase. Nagdadalawang isip rin ito lung sasabihin niya ba o hindi.

"K-kaming tatlo nila Yana, Janna, at a-ako. It was a symbol of our friendship." Nakayukong sabi ni Maxinne.

Naipisil niya ang kanyang braso kung nasaan ang kanyang tattoo dahil sa hinala... Pero kung tama nga ang hinala niua ay hindi niya akalain na ang isa sa pinakamalapit na kaibigan niya ay nakakayanan nang gumawa ng ganito.

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon